Unexpected Soulmate Chapter 36

31 4 0
                                    


PRECIOUS' POV

BIGLANG BUMUKAS ang pinto at alam kung si Eunice iyon. Nanatili lang akong nakatikod saka palihim na pinahiran ang luha ko.

"Pagsisisihan ninyo 'to. Pagsisisihan mong ikaw ang pinili ni Zion." pabulong na sabi niya saka nilampasan ako.

Tinanaw ko pa ang pag-alis niya hanggang sa hindi na siya maabot ng paningin ko. Iniisip ko kung bakit ko ba pagsisisihan na ako ang minahal ni Zion. Ano ba ang ibig niyang sabihin?

Huminga ako ng malalim saka marahang humarap muli sa pinto. Iniisip kong pagkakataon ko na ito para makita at makausap si Zion.

Marahan ko ding binuksan ang pinto at tahimik itong sinara. Napaluha ako ng makita si Zion na ngayon ay nakatingin sa bintana at bahagyang nakatalikod sa gawi ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya pero ang paningin niya ay nasa bintana parin.

"Bakit ka pa bumalik? Hindi na kita kailangan pa dito." aniya habang nakatalikod parin sakin.

Natigilan ako saka napatitig sa likod niya. Naguguluhan at nasasaktan ako sa tuno ng pananalita niya. Hindi ko na alam at litong-lito na talaga ako. Dahil kanina lang narinig kong ako ang mahal niya tapos ngayon, hindi na niya ako kailangan?

Napasinghap ako saka pinahiran ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. "I'm sorry, sige aalis na 'ko." mahinang sabi ko saka tumalikod.

Nakatatlong hakbang palang ako ay naramdaman kong humarap siya at tumingin sakin. "Precious?" tawag niya sakin pero nanatili lang akong nakatalikod sa kanya.

"I'm sorry, Zion kung.. kung nagpakita pa ako sayo. Hindi ko naman kasi alam na.. hindi mo na pala ako kailangan."

"Precious, no.. hindi totoo 'yan! Nasabi ko lang iyon dahil akala ko si Eunice ang bumalik.. Baby, mahal kita at kailangan kita!"

Napahikbi ako matapos niyang sabihin iyon saka palang ako humarap sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sinseridad.
Bahagya pa siyang bumangon kaya patakbo akong lumapit sa kanya para alalayan siya.

"I'm sorry.. akala ko talagang si Eunice ang bumalik. Baby, I missed you and I loved you so much!" madamdamin niyang sabi na nakatitig pa sa mga mata ko. Saka pinahiran ang mga luhang kanina pa dumadaloy sa aking pisngi.

"I loved you," pumipiyok pang pagkasabi ko.

Bahagya niya akong pinaupo sa gilid niya saka hinawakan ang kamay ko at inilagay ito sa pisngi niya. "Akala ko.. hindi mo na ako babalikan. Akala ko iiwan mo na ako."

"Hindi.. hindi kita kayang iwan Zion. Mahal kita e.." maluluhang sagot ko. 

Inibaba niya ang kamay ko saka mahigpit iyong hinawakan. Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa labi ko saka pinagkakatitigan iyon. Mapupungay na mga matang tumingin muli sa mga mata ko. Tila ba nag-uusap ang mga kaluluwa namin gamit lamang ng isip. Napasinghap ako nang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin saka marahang siniil ng halik ang ibabaw na labi ko. Napapikit nalang ako at buong pusong tinugunan ang halik niya.

Isang halik ng pananabik at pagmamahal. Na tila ba puso namin ang nagdidikta na gano'n ang gawin namin. Marahan din niyang pinakawalan ang labi ko saka pinagdikit ang mga noo namin. Nakapikit parin ako at hindi ko namalayang may pumatak na isang butil ng luha sa mata ko. Pinahiran naman niya ito saka hinagkan ang ang aking noo.

Paano ko ba makakayang lumayo sa taong ito kung sakali mang huling araw nalang ito? Hindi ko kaya, ayokong lumayo sa kanya.

"Kapag nakikita kitang lumuha, nasasaktan ako. Dahil bawat patak ng luha mo ay parang may matalim na kutsilyo na tumusok sa puso ko. Kung ilan ang butil ng luha ang nailabas mo ay gano'n din kadami ng kutsilyong tumusok dito." sabay turo pa niya sa dibdib niya.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now