Unexpected Soulmate Chapter 13

43 5 0
                                    


PRECIOUS' POV

KINABUKASAN nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Nahihirapan pa akong idilat ang mga mata ko dahil nga nasisilawan ako. Inuunat ko pa ang katawan ko saka bumangon ng tuluyan sa kama. Bumaling agad ako sa couch at nagtaka akong wala si Cali doon. Tiningnan ko din ang bintana ngunit wala din siya. Hinalugad ko ang buong kwarto ngunit wala talaga siya.

Kinabahan ako ng sobra. Ngayon lang 'to nangyari na magising akong wala siya. Natatakot at nag-aalala na ako sa totoo lang.

'Hindi kaya tuluyan na nga siyang naglaho?'

Ako ang nasaktan sa naisip ko. Aaminin kong hindi ko kayang tanggapin na basta-basta na lang niya akong iwan. Parang kinurot ang puso ko ngayon at parang may bumara sa lalamunan ko.

Hindi ko napansin ang pagdaloy ng luha ko sa pisngi. Pumunta ako sa verandah nitong kwarto ko at tinanaw siya sa labas ngunit wala pa rin siya. Patuloy parin sa pagdaloy ng mga butil ng luha ko sa pisngi. Pabalik-balik kong pinuntahan bawat sulok ng kwarto nagbabakasakaling naroon na siya. Pero ganoon nalang ang pagbasak ng balikat ko nang wala akong makita ni kahit anino niya.

Napaupo ako sa couch at pinahiran na parang bata ang mga luha. "Cali! Lumabas ka naman oh! Nag-aalala na ako e.. Huwag ka namang ganito oh.. Please.." humihikbing usal ko.

Para na akong tangang nagsasalitang mag-isa. Umiiyak mag-isa at nagmumukmuk. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Sa isip ko ay nagsasabing naglaho na nga siya ng tuluyan pero sa puso ko ay patuloy na tumatanggi. Sa bawat tanggi ng puso ko ay may sabay na kirot akong nararamdaman.

'Lord, please naman po.. Huwag niyo po munang kunin si Cali sakin. Hindi ko nga po siya natutulungan sa misyon niya pero pangako ko po.. gagawa ako ng paraan para matulungan siya..'

Nagsusumamo ako at nagmamakaawang sabi ng isip ko. Nanlumo akong yumuko at niyakap ang sariling tuhod habang patuloy na humihikbi. Pinikit ko ang aking mga mata at idinaop sa nakapantay na tuhod ang mukha ko.

"Hindi ko pa nga nasasabi sayo ang nararamdaman ko.. iniwan mo na ako. Ang daya mo naman Cali.. matapos mo 'kong kantahan kagabi..iiwan mo na ako ng walang paalam. Nagtatampo na ako sayo, alam mo ba, ha? Ang gago mo.. ngayong alam ko na, na mahal kita..saka mo ko iiwan? Mahal kita e.. anong magagawa ko.." patuloy parin sa paghikbing sabi ko.

Maya maya lang ay biglang nagbukas ang pinto at iniluwa doon si mommy na nakangiti ngunit bigla itong napalitan ng pag-aalala.

'Ang engot mo din Precious. Umaasa kang si Cali ang nagbukas, e kaluluwa na nga siya at alam mo namang hindi niya magagawa yan..'

Sa sarili kong naisip ay ako parin ang nadismaya. Nagbaba nalang ako ng tingin upang hindi na magtaka masyado si mommy. Hinawakan niya ang baba ko at iniharap niya ang mukha ko sa kanya. Pinahiran niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Anak.. Huwag ka ng umiyak. Ito na oh.." nakangiting aniya habang iwinawagayway ang susi.  Gayon paman hindi ko magawang ngumiti. Kaya unti-unting nawala ang mga ngiting pinakawalan niya. "Anak, tapos na ang parusa sayo ng daddy mo. Hindi ka na makukulong dito sa kwarto mo. You can go anywhere now, pero hindi yung lugar na tinutukoy ng daddy mo."

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now