✔U.S Chapter 09

48 8 0
                                    

CALI'S POV (ang kaluluwa)


Lumabas ako sa station habang abala parin si Precious sa pangungumbinsi sa pulis. Hindi ko na hinintay pang sabihin ang tunay kong pangalan. Alam ko namang sasabihin rin sa akin ni Precious kapag alam na niya ito. Nagbabakasakali kasi akong may maalala rito sa lugar na ito kaya ako lumabas at tumingin-tingin dito sa paligid ngunit kahit isang bagay na pwedeng makapagpapa-alala sa akin ay wala. Kaya tumayo na lang ako sa gilid ng kalsada at tumingin-tingin sa mga sasakyan na dumaraan.


"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya nang makalapit na siya sa 'kin. Marahan naman akong lumingon sa kanya.


"Nagbabakasakali lang akong may maalala dito sa labas," pilit kong hindi pinakita ang lungkot ngunit sadya talaga itong lumabas at alam kong nakikita niya ito sa mga mata ko. "Ano? Alam mo na ba pangalan ko? Ang tunay kong pangalan?" diretsong pag-iiba ko ng usapan.


Sa halip na sagutin niya ako ay tumitig siya sa 'kin sa kadahilanang hindi ko alam. Alam kong may sasabihin siya sa akin dahil nababasa ko ito sa mga mata niya ngunit nanatili pa rin siya nakatitig sa akin. Nag-a-alala ako sa mga pinapakita niya ngayon.


"Precious, may problema ba?" nag-a-alalang tanong ko sa kanya na hinawakan pa ang magkabilang balikat niya.


Tumungo siya saglit saka marahan niya akong tiningnan ulit. "Alam ko na ang p-pangalan mo," aniya na parang malungkot 'yong dating.


"Oh, bakit parang malungkot ka?" nagtatakang tanong ko. "'Di ba dapat maging masaya ka dahil may clue na tayo para magawa na natin ang misyon ko?" magiliw na sabi ko ngunit kaagad din itong napalitan nang napansin kong gano'n pa rin ang reaction niya. Ang lungkot ng mga mata niya kaya nahawa naman ako.


"Zion ang pangalan mo Cali. Zion Diaz." Tumitig siya ng diretso sa akin habang sinasabi niya iyon.


Napabitaw ako sa pagkahawak ng magkabilang balikat niya. Parang pamilyar kasi sa akin ang pangalan na iyan. Diba Zion din ang pangalan ng bestfriend niya? Kaya ba ganyan ang reaction niya dahil-


"A-Ako ba ang bestfriend mo?" may pag-alinlangang tanong ko at kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin nang diretso.


"Hindi ikaw ang bestfriend ko," mariin na sabi niya na para bang nagagalit siya sa tanong ko.

"Kapangalan at kaapilyedo mo lang siya. Hanggat hindi ako makakakita ng pruwebang ikaw talaga ang bestfriend ko ay hindi ako maniniwalang ikaw at siya ay iisa."


Parang may kirot akong nararamdaman dito sa dibdib ko kaya bumuntong-hininga na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Sana nga ay hindi ako ang Zion na bestfriend mo. Ayoko kasing masaktan ka, Precious.


"Anong gagawin natin ngayong alam mo na ang totoong pangalan ko?" tanong ko na nasa kalsada pa rin ang paningin ko. Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga.


"Pupunta tayong hospital," mahinang aniya kaya napatingin ako sa kanya. "Sinabi ng pulis na d-dinala daw doon ang katawan mo pagkatapos mong maaksidente."


Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. "Kumain ka muna, tanghali na e," sabi ko pero umiiling lang siya.


"Hindi na. Wala akong gana," mapaklang sagot niya at nagpaumunang maglakad. Sakto namang may paparating na taxi kaya pumara siya at sumakay, gano'n na rin ako.


Tahimik kaming bumyahe at nagsasalita lang siya nang tanungin siya ng driver kung saang kami pupunta. Pagkatapos ay wala na, tanging nasa labas ng bintana lang ang paningin niya. Huminto ang taxi sa tapat ng malaking gusali at siguro ito na ang hospital na kanyang sinasabi. Nagbayad pa muna siya sa taxi driver bago bumaba. Sumunod ako sa kanya papasok sa loob ng hospital at wala akong maramdamang kakaiba rito. Pero nagpatuloy lang si Precious at agad siyang pumunta sa information desk para magtanong.

Unexpected SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon