Unexpected Soulmate Chapter 37

37 4 0
                                    


RHANZ'S POV

NAGING MAHIRAP para sa amin na hulihin si Clark, sa totoo lang. Bukod sa madami rin siyang tauhan ay may kakayahan din siyang makipaglaban. Parang bihasa niya siya masyado para sa gano'ng pangyayari.

FLASHBACK...

Pagkatapos naming malaman na nasa Tagaytay si Clark ay walang sabi-sabing nagsibalikan kami sa kanya-kanyang sasakyan. Agad namang tinawagan ni dad ang mga tauhan niya para humingi ng tulong.

Pinangunahan ko ang mga pulis at iba pa naming kasama na umalis. Nanggigigil na ang mga kamay ko na nakahawak sa manibela. Ito ang unang pagkakataon na nagmaneho ako ng ganito ka bilis. Minsan pa akong sinuway ni dad para magdahan-dahan pero hindi na talaga ako makapaghintay na mahuli ang kumag na 'yon.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay tumawag ang isa sa mga tauhan ni dad. Sinabi sa amin kung saang bahay lumublob si Clark. Nagtataka kami kung ba't do'n ang address na pinagtataguan niya. Isang malaking kaguluhan sa isip namin kung bakit doon pa.

Nasabi ko nalang sa isip ko na baka nagkamali lang ng tingin ang tauhan ni dad. Pero imposible namang magkamali sila? Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ng sasakyan dahil naisip kong baka anong ginawa niya do'n. Baka may gawin siyang masama.

Malayo pa lang ay kita ko na ang mga tauhan ni dad na nakapwesto sa tapat ng bahay. Agad naman kami ni dad na lumabas ng sasakyan at lumapit sa isang tauhan.

"Confirm ba na andyan ang suspect?" tanong ni dad.

Tiningnan ko ng maigi ang bahay at may nakita ako sa bintana na lalaking nakatayo. Batid kong si Clark iyon. Kabisado ko na itong bahay kaya hindi mahirap sakin na pasokin ito. Pero bago pa man ako makalapit sa pinto ng gate nila ay pinaulanan na kami ng bala.

"Dad!!" sigaw ko pabalik sa kinaroroonan ni daddy saka dumapa kami.

Pagkatapos ng ilang sandaling pagpapaulan ay do'n ko lang napansing may daplis pala ako sa kanang braso. Pero hindi ko na ininda iyon dahil agad akong sumunod sa mga pulis papasok ng bahay. Naghiwalay kami ng daan ni daddy dahil sa main door ako dumaan samantalang siya ay sa likurang bahagi kasama ang mga tauhan niya.

Patakbo akong umakyat patungo sa kanang bahagi ng bahay kung saan nakita ko kanina si Clark. Pero pagdating ko do'n ay isang malaking kalokohan ang bumungad sakin.

"Pakshit!!" napasabunot ako sa sarili kong buhok.

Kagagohan! Isa lang palang manekin ang nakatayo malapit sa bintanang ito. Mautak talaga ang taong iyon.

"Clark Santiago! Sumuko ka na! Kung ayaw mong masaktan!" boses iyon ni dad na naka megaphone.

Napalinga-linga ako dahil nagbabakasakali akong may madinig na ingay senyales na ando'n si Clark. Patuloy parin sa pagsasalita si dad pero wala parin siyang nakuhang sagot mula kay Clark.

Nagtungo ako sa kabilang kwarto pero wala ring tao. Pagkalabas ko ay nakita ko ang mga kasamahan namin naghahalungkat sa iba't-ibang bahagi ng bahay.

Sigurado ba silang andito nga si Clark nagtungo?

Pinapakiramdaman ko ang paligid. At eksakto namang tumama ang paningin ko sa isang malaking paiting na nakadikit sa dingding. Doon ko naalala ang secret room ng bahay na ito.

Dahan-dahan akong lumapit sa painting saka marahan kong tinulak ito. Oo! Itong painting na ito ay siyang nagtatago sa sekretong pintuan ng secret room. Dahil kung titingnan mo lang kasi ay parang painting lang ito na nakadesinyo sa malawak ng wall na ito.

At tama nga ako, dahil andito nga nagtatago ang walang hiyang Clark. Printeng-printe pa siyang nakaupo sa swivel chair habang nakapandekwatrong nakatingin sa bintana. Nakatanaw siya sa mga kasamahan kung nagkakalat sa kalsada at bakuran nitong bahay.

Unexpected SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon