Unexpected Soulmate Chapter 17

39 5 0
                                    


PRECIOUS' POV

Malayo na ang narating ng pag-uusap namin ni tita. Ikinwento niya sakin kung paano nagsusumikap si Zion sa pag-aaral niya. Kung paano ito lumaki na tama. Ibinahagi niya rin sakin ang mga napagtagumpayan na mga contest ni Zion sa school nila. Maging sa academic at sport na basketball ay magaling. Yung picture na nakita namin ni Cali o ni Zion sa internet kasama ang pamilya niya ay iyon pala ang acquaintance party nila at siya ang nanalong face of the night.

Habang nagkukwento si tita ay panay ang sulyap ko kay Zion. Kung gising lang siya at nakikinig samin ay matagal ko na siyang inasar. Ngunit kahit anong sigla at saya ng mga kinwento ni tita tungkol sa kanya ay kabaliktaran iyon sa nararamdaman ko ngayon. Mas naging malungkot ako dahil kung iisipin ko ay masaya pala talaga siya noon pero kung titingnan ngayon ay ganyan na siya. Nakaratay na parang lantang gulay na kahit sigawan mo pa, buhosan ng malamig na tubig ay wala kang matatanggap na reactiom mula sa kanya.

Ngiti at buntong-hininga lang ang iginanti ko kay tita. Hinayaan ko lang siyang magkwento at hindi nalang ako nagsalita pa. Dahil sa oras na bubuka ang bibig ko ay alam ko rin na sasabay doon ang bugso ng luha ko.

Naputol lang ang kwentuhan namin nang magbukas ang pinto at iniluwa doon si Rhanz.

"Naayos ko na lahat, pati bills mo." agad na sabi ni Rhanz.

"Thank you.. Pwede ko bang malaman kung magkano ang bills ko?" tanong ko sa kanya.

"Small amount lang. Don't worry hindi kita sisingilin." nakangiting aniya habang nakapandikwatrong panlalaking umupo sa single couch sa kabilang gilid ni Zion.

"Thank you.." pinakita ko sa kanya ang sinseridad ko.

"Your welcome." walang bahid na yabang na sagot niya. "Tita, sige na po magpapahinga na po kayo.. Ako na po magbabantay dito kay Zion." baling niya kay tita.

Bumuntong-hininga pa muna si tita saka lumingon sakin. "Precious, you want to come with me? Or you stay here with Rhanz?" tanong sakin ni tita.

Umiling ako dahil gusto ko na dito nalang ako magpapahinga kasama si Zion. "No, tita. I stay here nalang po." nakangiting sagot ko kaya tumago naman siya.

"Okay, dadalhan nalang kita ng damit pang palit at iba pang gamit na maaari mong kailangan.." aniya at bumaling kay Rhanz. "Rhanz, please take care of Precious. Babalik ako mamayang 10:00am, okay?" habilin niya kay Rhanz na awtomatikong naman tumango at lumapit kay tita para yumakap.

"Take care tita.." sabi nito.

"Bye tita." sabi ko rin sabay beso.

"Magbreakfast kayo ah?" tinuro pa niya kami kaya napatango nalang din kami.

Umalis na si tita at tanging kami nalang tatlo ang naiwan dito. Napatingin ako kay Zion, at gumuhit na naman ang luha ko. Bago pa ito tuluyang pumatak ay pinigilan ko na dahil nahihiya ako kay Rhanz. Baka isipin pa niya na nagdadrama ako.

Ngayong nakita ko na ang katawan niya at napatunayan ko na hindi pa siya patay ay may pag-asa nang namumuo sa dibdib ko. Gusto ko ng hanapin siya.

Pero saang lugar ba ito? Anong hospital ba ito? Nasa Tagaytay pa ba ako? Malayo na ba ako sa lugar kung saan ako palaging pumupunta?

Napatingin ako kay Rhanz at laking gulat ko naman na nakatingin rin siya sakin. Kaya dahil naiilang ako, ay ako na ang nag-iwas ng tingin. Bumuntong-hininga pa muna ako bago nilakasan ang loob para tingnan uli siya.

"Rhanz?" tawag ko sa kanya kahit alam kong nasa akin ang atensyon niya.

"Hmm?" di parin niya inalis ang paningin niya sakin.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now