Special Chapter

68 6 6
                                    


10 YEARS LATER!!!!!!!!!

PRECIOUS' POV

"Welcome.. to Ninoy Aquino International Airport. Welcome.. to the Philippines.."

Dinig kong bati ng isa sa mga flight attendant sa amin. 'Finally, nakaapak na ulit ako dito..'

Dumiretso ako sa luggage area. Nang makuha ko na ang mga ito ay nagtungo na ako sa labas para maghanap ng taxi. Though, magaan lang naman ang mga bagahe ko. Isang medium size na malita at isang bag na lalagyan ng mga gadgets ko.

Nang may taxi ng pumarada sa harap ko ay agad akong pumasok. Tinulungan naman ako ngdriver na maisakay ang mga bagahe ko.

"Manong sa Laguna po ako." sabi ko sa driver.

"Yes po, ma'am.."

Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe papuntang Laguna ay biglang nag-ring ang phone ko. Tiningnan ko naman kung sino ang caller ko.

"Yes, mom?" sagot ko kay mommy sa kabilang linya.

"How was your trip?"

"Everythings alright, mom."

"Oh, that's good! Have a safe trip anak, take care.. bye."

"Goodbye mom.."

Alam kong busy si mommy dahil kung hindi ay nakikipagchikahan pa 'yon sakin. Nasa Russia kasi silang tatlo. Minamaneho nila dad and mom ang tinatayo nilang wine factory. Si Kuya naman ay sa companya, siya ang CEO at alam kung busy din siya. Ako lang talaga ang na iba sa kanila. Mag-isa akong namuhay sa Canada at doon ko rin tinapos ang pag-aaral ko. Doon din ako kumukuha ng specialization sa field na natapos ko.

Nakita ko na ang salitang 'Welcome to Laguna'. Kaya alam ko ng nasa Laguna na kami.

"Manong pwede po bang dadaan muna tayo sa sementeryo?" tanong ko pa kay manong driver.

"Pwede naman po ma'am."

"Sige po, dadaan po tayo."

Batid kong malapit na kami sa sementeryo. Naalala ko pa kasi ang lugar at daan na ito. At maya maya lang ay andito na nga kami.

"Manong, pakihintay po ako ah?" paniniguro ko.

"Opo, ma'am. Wala pong problema."

"Salamat po.."

Tumawid ako sa kabilang kalsada para magtungo sa maliit na flowershop. Bibili ako ng bulaklak para kay Zion.

Nang makabili na ako ay agad akong tumawid pabalik saka pumunta sa puntod ni Zion. Two years after kasi ng pagkamatay ni Zion ay nag-decide akong lumipad papuntang Canada para doon ko taposin ang aking pag-aaral and at the same time to heal the pain inside me.

And yes,naka-recover nga ako but not doesn't mean na nakalimutan ko na siya. Andito parin siya sa puso ko at kailanman ay wala akong planong burahin iyon. Siya ang naging dahilan kung bakit ko piniling aralin ang kurso na ngayon ay tinapos ko.

Nilagay ko ang isang basket ng bulaklak sa ibabaw ng nakaukit na pangalan niya. Umupo ako saka hinaplos-haplos ang kanyang pangalan.

"Hi baby! I'm sorry kung ngayon lang ako nakabalik. Sana okay lang sayo.. Na miss na kita, baby." habang sinasabi ko iyon ay pumatak ang butil ng luha mula sa mata ko. "Alam mo baby? Na-realized ko na.. ang hirap pala 'pag iyakin no? Palagi ka nalang nasasaktan kahit sa maliit na bagay lang. Pero ngayon.. natutunan ko na kung paano maging matapang. Kung paano ako tatayo sa sarili kong mga paa."

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now