Unexpected Soulmate Chapter 12

50 9 0
                                    


PRECIOUS' POV

Nakapikit na ako ngunit hindi parin siya kumakanta. Kaya napamulat ulit ako at tiningnan siya.

"Sabi mo pipikit ako tapos kakanta ka?" nakangusong wika ko kaya napakamot-ulo naman siya.

"Eh kasi..." parang nag-iisip pa siya ng dahilan.

"Kasi?" nag-aantay ako sa sasabihin niya.

"Kasi..ahmm, n-nahihiya ako.." mahinang sabi niya na napakamot pa sa kanyang batok.

Natawa ako sa itsura niya. "Kanino ka nahihiya? Sakin?" tinuro ko pa ang mukha ko sabay tawa.

"Eh kasi.. baka.. mapapangitan ka sa boses ko. Hindi ko kasi alam kung kumakanta ba ako noon." aniya na pinakita talaga na nahihiya siya kaya pasimple akong tumawa.

"Don't worry, kahiligan mo naman ang pagkanta noon. Ewan ko lang nung ganyang malaki ka na.." iminuwestra ko pa ang kabuuan niya.

"Talaga?" magiliw na sabi niya kaya napangiti akong tumango.

"Kaya sige na.. kumanta ka na." utos ko at pumikit na. Sinilip ko pa siya gamit ang isang mata ko at bahagyang napatawa nang makitang bumuga pa siya ng hangin na animo'y kinakabahan.

You and I..cannot hide
The love we feel inside
The words we need to say..

Natigilan ako nang magsimula na siyang kumanta. Yung mga boses niya ay tila nanunuot sa mga balat ko at napatayo ang mga balahibo ko. His voice is so manly and husky. Ang boses niyang naririnig ng dalawa kong tenga at tumagos ito sa puso ko.

I feel that I..
Have always walked alone
But now that you're here with me
There'll always be..
A place that I can go..

Mas lumakas pa ng lumakas ang tibok ng puso ko. Pero nanatili parin akong nakapikit at hindi pinahalata na medyo naaapektuhan ako sa kanta at boses niya.

Suddenly our destiny has
Started to unfold
When you're next to me
I can see
The greatest story love has ever told...

Parang hindi na ako makagalaw. Sobra ng malakas ang pagkabog ng dibdib ko. Parang hindi na normal ang tibok ng puso ko na para bang aatakihin na ako sa sobrang bilis ng tibok. Pilit kong pinakita sa kanya ang normal na pagpikit ng mga mata ko na para bang natutulog na nga ako.

Pero mas lalo pang bumilis at lumakas ito nang haplosin niya ang buhok ko. Parang pati hininga ko tumigil na. Sa abot ng makakaya ko ay pinaramdam ko talaga sa kanya na natutulog na ako.

Now my life is blessed with the love of an angel.
How can it be true..
Somebody to keep the dream alive
The dream I found in you

I always thought
The love would be the strangest things to me..
But when we touch
I realize
That I found my place in heaven by your side...

Habang kinanta niya ang chorus ng kantang iyon ay hinaplos niya parin ang buhok ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong magmulat ngunit ayokong makaramdam ng awkwardness sa pagitan naming dalawa. Gusto ko na talagang makita ang mga mata niya habang kinakanta niya iyon pero pinigilan ko talaga ang sarili ko.

I could fly when you smile
I'd walk a thousand miles
To hear you call my name..

Now that I..
Have finally found the one
Who will be there for me
Eternally
My everlasting sun..

Patuloy niya paring kinanta iyon hanggang sa matapos ang kanta. Bumuntong-hininga pa siya pagkatapos at parang napaigtad pa ako nang dampian niya  ng  halik ang noo ko. Malumanay niya itong ginawa. Napasinghap ako nang inalis na niya ang labi sa noo ko.

"Goodnight my..Precious.." bulong niya at naramdaman ko namang umalis na siya sa pagkaupo sa gilid ng kama.

Pinilit kong matulog ng mahimbing matapos ang ilang sandali ngunit sadyang hindi talaga ako makatulog. Bumaling ako sa kabilang side na parang natutulog na talaga. Batid kong nakatingin lang siya sakin ngayon kaya ayaw kong makahalata siya na hindi pa ako nakatulog.

Nang makabaling na ako sa kabilang side na nakatalikod sa gawi niya. Doon ko nalang iminulat ang mga mata ko at natulala.

Iniisip ko ang kinanta at sinabi niya kanina. Ngayon lang ito nangyari mula noong dumating siya. Tuloy ay gusto ko siyang lingunin at tanongin kung bakit niya iyon ginawa ngunit may kung ano sakin na pumigil.

Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako. Nilunod na ako ng pagkaantok.

ZION/CALI POV

Hindi ko alam kung bibig ko ba ang naglabas ng mga salitang iyon sa kanta o yung puso ko. Pati yung paghalik ko sa noo niya ay puso ko ang dumidikta niyon. Gusto ko siyang yakapin ngunit ayaw kong magising siya sa mahimbing niyang pagtulog.

Nakatingin ako ngayon sa kanya habang nakatalikod siya sa gawi ko. Hindi ko akalain na mangyari itong nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko ko ding ipaalam sa kanya dahil alam kong imposibleng suklian niya ito gaya ng sakin. Isa na akong kaluluwa at hindi na dapat pa pag-aksayahan ng pagkakataon na mahalin. Wala na akong buhay at hindi ko na magawa ang mga karaniwang gawain ng mga may buhay para sa mga taong mahal nila.

Gayon paman ay gusto kong iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko kahit papano. Wala nga planong ipaalam ngunit gusto kong iparamdam. Kahit sa kunting panahon man lang maiparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya ka mahal.

Oo. Mahal ko na siya at hindi ko alam kung kailan ito nagsimula. Basta ang alam ko ay mahal ko na siya. Hindi ko na kayang magsinungaling sa sarili ko at pilit ideny ang nararamdaman.

Parang gusto ko na ngang humiling na kung pwede ay dito nalang ako sa tabi niya. Kahit na ako ay nasasaktan din kapag iniisip ko ang huling araw ko na makasama siya.

Ika-anim na araw ko na ngayon. Ngunit wala parin akong nagawa para sa misyon ko. Hindi ko naman siya pwedeng madaliin dahil sa sitwasyon niya ngayon. Kung sakaling ipinaalam ko sa kanya na may limitasyon ang araw na pananatili ko dito, ano kayang maramdaman niya?

'Hindi na mahalaga sakin ngayon ang misyon ko. Basta ang mahalaga ay magiging okay na siya. Nasasaktan kasi ako kapag nakikita ko siya ng ganito. Nakakulong siya sa kwartong ito ng dahil sakin.'

"Precious, I'm sorry.. Hindi mo sana ito nararanasan kung hindi ako dumating sa buhay mo ngayon. Edi sana masaya ka ngayon habang nagbabakasyon ka. Hindi na sana pa nadagdagan ang mga problema mo.. Edi sana maayos pa ang daloy ng relasyon niyo ng daddy mo. Hindi ka sana nahirapan ng ganito. I'm really sorry.." madamdamin kong sabi habang nakatingin kay Precious. Lumapit ako sa kanya at ginawaran ng halik sa buhok. "Sorry dahil hindi ko inaasahan na ganito pala ang naging dulot ko pagdating sa buhay mo.. Maiintindihan kita kung iisipin mong naging pabigat lang ako sayo.."

Lumabas ako sa kwarto ni Precious. Pagkarating ko sa sala ay doon ko nakita ang daddy niya na kasalukuyang may kausap sa phone. Hindi nalang ako lumapit at nakiusisa sa mga pinag-uusapan nila. Lumabas nalang ako ng bahay at hinayaan ko na ang mga paa kong maglakad kahit saan. Gusto kong magpahangin at makapag-isip. Andaming bumabagabag sa puso't isip ko. Hindi ko na alam kong tama ba itong nararamdaman ko.

Walong araw nalang ang natitira ko. Bakit ba ngayon ko lang 'to nararamdaman nang bilang nalang ang araw ko para manatili dito at makasama siya?

Wala sa sariling napaupo ako sa ugat ng punongkahoy. Madilim na at tila ilaw nalang sa poste ang nagsisilbing liwanag dito. Ipinikit ko ang aking mga mata at iniisip ang posibleng mangyari kapag nalaman niya ang nararamdaman ko at bilang ng araw ko para manatili dito.

'Lord, tulungan mo naman akong malutas ito.. Alam ko pong maliit lang na bagay ito ngunit sobrang bigat lang po nitong dibdib ko..'

Napayuko ako at napahilamos sa sariling palad. Idinantay ko ang dalawang braso ko sa tuhod ko at doon yumuko na para bang matutulog.

To be continued..............

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now