Unexpected Soulmate Chapter 19

42 4 0
                                    


PRECIOUS' POV

KINABUKASAN ay nagising ako sa katok ng pintuan mula sa labas. Agad akong bumangon at nakapikit parin ang mga matang nagtungo sa pinto at binuksan iyon. Nang magmulat ako ay nakita kong nakangiting nakatayo sa harapan ko si Rhanz.

"Morning.." agad na sambit ko.

"Good morning.." nakangiting bati rin niya. "Breakfast is ready.. kaya maligo ka na. May laway pa sa mukha mo, oh?" sabay turo pa niya sa mukha ko.

Agad ko naman itong pinahiran at hindi pa ako nakuntento at humarap pa ako sa salamin.

"Just kidding," aniya na natatawa pa.

Sinamaan ko siya ng tingin at akmang sasarhan ng pinto. Ngunit iniharang niya ang kamay niya at intinuon sa pinto dahilan para mahirapan akong pagsarhan siya.

"Bilisan mo, baka lumamig na 'yong pagkain." nakangisi paring sabi niya saka tumalikod at umalis.

Padabog kong sinara ang pinto at inis na kinuha ang towel saka nagtungo sa banyo para maligo.

Gaya ng sinabi niya ay nagmamadali akong maligo at magbihis. Agad akong bumaba pagkatapos at dumiretso sa dining area. Nadatnan ko siyang nakaupo na at hindi pa kumakain. Ni wala pa ngang nakapatong na pagkain sa plato niya. Parang hinihintay niya nga ako.

Agad naman akong umupo sa katapat niyang upuan. Nakanguso parin ako at masama ang tingin sa kanya.

"What's with that face?" nakataas kilay niyang tanong.

Bumuntong-hininga ako saka palihim na umirap. "Wala."

"Kumain ka na.." sabi niya at nagulat akong pinagsalinan pa niya ako ng kanin pati ulam.

"Peace offering?" mataray na sabi ko at umawang naman ang labi niya saka pasinghal na tumawa.

"Anong peace offering bang sinasabi mo diyan? Bakit nag-away ba tayo?" natatawang aniya.

'Hindi mo ba alam na ang aga-aga binubwesit mo ko?'

"Whatever," pairap kong sabi saka nagsimulang sumubo ng pagkain.

Naalala kong may kailangan pala ako sa kanya. Hindi ko dapat siya pinagtarayan ngayon, baka hindi sa papayag. Pilit kong inalis ang inis na bumabalot sa katawan ko. Palihim kp siyang tiningnan at nasa pagkain lang nakatuon ang paningin niya.

"I-Ikaw ang nagluto nito?" malumanay na tanong ko.

Agad naman siyang nag-angat ng tingin sakin saka tumango. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?"

"Nagustuhan naman, masarap." tatango-tangong sabi ko saka sumubo ulit. "Hindi ko lang akalain na marunong ka palang magluto."

"Mom taught me how to cook. Every weekends, may time na tuturuan ako ni mommy magluto o mag-bake.."

"Wow! Ang ganda naman ng bonding ninyo mag-ina!" namanghang sabi ko at matunog siyang ngumiti. "Eh saan ba sila? Ang mommy mo? Bakit parang hindi mo sila kasama dito?" sunod-sunod na tanong ko na nasa pagkain ang paningin.

"Nasa Laguna sila," maikling sagot niya.

"Hmm.."tatango-tangong sabi ko.

Sandaling namutawi ang katahimikan. Tanging tunog ng lang ng kutsara at tinidor ang naririnig namin.

Maya maya lang ay binasag na niya ito.

"Sasama ka ba saking bumalik sa hospital?" mamayang tanong niya.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now