Unexpected Soulmate Chapter 30

31 3 0
                                    


PRECIOUS' POV

LAGPAS alas otso na pero wala parin sila tita at tito. Sinabi niya samin ni Zion kagabi na babalik sila dito ng maaga at dalhan nila ako ng damit. Pero tila wala pa sila at hindi ko alam kung bakit. Gusto ko na ngang maligo at magpalit ng damit kaso wala naman akong pamalit dito.

"Rhanz?" tawag pansin ko rito kaya naputol ang pinag-uusapan nila ni Zion.

"Hmm?" baling niya sakin.

"Alam mo ba kung bakit wala pa sila tita?"

"Hindi e.. Nagtaka nga rin ako ba't wala pa sila." sabay kibit-balikat na aniya.

"Ah gano'n ba.."

Saka naman nila pinagpatuloy ang pag-uusap nila. Andito ako ngayon nakaupo sa couch sa may bintana. Kaya hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila dahil tila parang nagbubulongan lang sila.

'Ano kayang pinag-uusapan nila? Kailangan ba talagang magbulongan?'

Lumipas ang ilang minuto ay biglang nagbukas ang pinto. Ang akala ko ay sila tita na pero nagkakamali pala ako. Pero mas nadagdagan ang pagtataka ko kung bakit nauna siya kina tita.

"Manang?" sabay tawag nila Zion at Rhanz sa kanya. Kitang-kita ang saya at tuwa ang reaction ni Zion pero pagtataka ang meron kay Rhanz.

Oo.. Si manang ang dumating at may dala pa itong paperbags. Agad naman akong tumayo para lumapit sa kanya.

"Hi po," bati ko sabay yakap.

"Hija.." masayang sambit din niya. "Hindi ka ata pumunta sa bahay kagabi? Wala tuloy kasama si sir Rhanz.." pabulong na sabi niya pero batid kong narinig din nila Zion at Rhanz iyon.

"Ahmm.. binabantayan ko po kasi si Zion." nakangiting sabi ko.

"Ahh..magkakilala pala kayo ni sir Zion?" takang tanong niya na nagpalipat-lipat pa ng tingin samin ni Zion.

"Ahm--" hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil inunahan ako ni Zion.

"Manang.. siya po si Precious. Girlfriend ko po siya.." napatingin ako kay Zion nang sabihin niya iyon.

Hindi ko inaasahan na yun agad ang sasabihin niya. Pagkabaling ko kay manang ay bakas sa hitsura niya ang pagkagulat. Napatakip pa siya sa bibig niya saka nanlaki ang mga matang nakatingin sakin.

"Bakit ganyan ang reaction mo manang?" takang tanong ni Zion.

"Ang akala ko kasi.. sila ni sir Rhanz ang nagkakamabutihan.." mahinang sambit niya dahilan upang mas bumilog ang bibig ko habang nakatingin sa kanya. "Pero.. nagkakamali pala ako. Congratulations po sa inyo sir, hija.." agad na bawi niya.

"Salamat manang.." ani Zion pero ngiti lang ang iginanti ko kay manang.

"Pasensya po talaga sir.. Hindi ko naman kasi batid na naghiwalay na pala kayo ni Eunice.." medyo nahihiya pang aniya.

"Okay lang manang.." nakangiting sagot naman ni Zion pero alam kong pilit lang iyon. Kahit ako ay medyo iba ang epekto nang pagkasabi niya.

"Oo nga pala.. hija, pinapadala pala ni ma'am itong mga pamalit mong damit saka may mga personal na gamit ka na rin diyan.." sabay abot niya sakin ng mga paperbags.

"Naku..salamat po manang." nakangiting saad ko. "Eh nasan po ba sila tita?" tanong ko na sinulyapan pa ang pintuan.

"Sabi ni ma'am, siguro daw mamayang hapon pa sila makakapunta dito.."

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now