Unexpected Soulmate Chapter 29

32 3 0
                                    


PRECIOUS' POV

GUMISING ako ng maaga para bumili sa labas ng pagkain para kay Zion. Cheneck ko pa muna siya bago ako lumabas ng kwarto niya. Sakto namang nakasalubong ko ang nurse na naka-assign kay Zion kaya naisipan kong makiusap na magbantay muna doon.

"Ahh..nurse? Excuse me.. pwede ba akong humingi sa'yo ng kaunting pabor?"

Lumapit naman siya sakin. "Ano po 'yon ma'am?" nakangiting tanong rin niya.

"Pwede po bang pakibantayan 'yong pasyente ko.. si Mr. Diaz? Lalabas lang sana ako saglit para bumili ng makakain niya.." maayos na pakiusap ko.

"Okay po ma'am. Walang problema.." saad niya.

"Salamat nurse.." sinserong sabi ko sabay ngiti.

"Kasama po sa trabaho namin 'yan ma'am.. Pasyente ko si Mr. Diaz dahil ako ang naka-assign sa kanya. Kaya wala po kayong ipag-alala.." binigyan niya ako ng ngiti at bahagya pa siyang tumango saka palang tinahak ang daan papuntang kwarto ni Zion.

Nagmamadali akong bumaba at tinahak ang daan palabas ng hospital. Agad akong nagtungo sa pinakamalapit na restaurant kung saan dito kami palaging kumakain ni Rhanz.

Speaking of Rhanz. Pupunta kaya siya ngayon dito? Sana naman pupunta siya dahil kahapon pa siya hinahanap ni Zion. May importante daw kasi siyang ipakiusap kay Rhanz at hindi ko alam kung ano iyon. Hindi naman na ako nangungulit na alamin kung ano man iyon dahil iniisip ko na baka private iyon.

Pagkarating ko sa restau ay agad akong umorder pang take-out. Doon nalang din ako kakain para sabay kami. No'ng isang araw kasi sinabi niyang gusto niya akong makasabay pero hindi ko magawa dahil ando'n si Eunice. Pero dahil kami na Zion, hindi na ako magdadalawang isip na sumabay sa kanya. Mas gusto ko pa nga siyang subuan para naman makabawi ako sa kanya.

Agad akong bumalik sa hospital dala-dala ang mga pagkaing tinake-out ko. Hindi naman siya gaanong kadami kaya kering-kere ko lang dalhin lahat.

Buti nalang at wala akong kasabay dito sa elevator kaya komportable lang ako. Agad naman akong lumabas pagkabukas nun. Nang nasa hallway na ako ay nakita ko ang nurse na binilin ko kay Zion para magbantay. Ando'n na siya nakaupo sa nurse station nila. Kaya agad akong lumapit sa kanya para tanongin kung bakit wala siya do'n sa kwarto.

"Nurse? May nagbabantay na ba do'n?" tanong ko sabay turo sa kwarto ni Zion.

"Yes ma'am.." sagot naman niya.

Kung sila tita, parang ang aga naman ata. Pero siguro sinadya nilang agahan para makapagdala ng pagkain.

"Parents po ba niya ang dumating?" tanong ko ulit. Nangunot ang noo ko nang umiling siya.

"Hindi po siya parents ni Mr. Diaz, ma'am. Pero minsan ko na rin po siyang nakita dito na nagbabantay kay Mr. Diaz.."

Baka si Rhanz ang tinutukoy niya. Mabuti naman at andito na siya.

"Ahh.. 'yung pinsan niya po bang lalaki?" tatango-tango pang sabi ko pero muling nagtaka na naman ako nang umiling siya.

"Sabi niya po no'ng tinanong ko siya kung kaano-ano niya si Mr. Diaz..e girlfriend daw siya kaya lumabas nalang po ako para naman mabigyan ko sila ng privacy.." sabi niya na animo'y kinikilig pa. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Zion at pinagkakatitigan iyon na para bang nakikita ko kung sino ang nasa loob.

"Gising na ba ang pasyente?" nakakunot-noo kong muling tanong.

"Pagkalabas ko po ma'am..hindi pa po e. Siguro ngayon gising na po 'yon kasi ando'n na ang girlfriend niya." kibit-balikat na aniya.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now