Unexpected Soulmate Chapter 25

47 3 0
                                    


PRECIOUS' POV

ILANG ORAS na akong andito sa loob ng kwarto. Hindi ako makatulog pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pilit kong ipikit ang aking mga mata ngunit gising na gising parin ang diwa ko. Kaya napagdesisyonan kong bumangon at lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ay dumiretso ako verandah nitong bahay. Medyo nagulat ako nang makita kong ando'n din pala si Rhanz. Nakaupo siya sa bakal na silya habang nakatanaw sa kawalan. Tatalikod na sana ako para bumalik nalang sa kwarto ngunit bigla siyang nagsalita.

"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" napalingon ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin iyon. Ngunit nanatili parin sa kawalan ang paningin niya.

"Ahm..Ano.." bumuntong-hininga pa muna ako bago ko pinagpatuloy ang sasabihin ko. "Hindi ako makatulog," mahinang sabi ko.

Hindi siya nagsalita sa halip ay narinig kong bumuntong-hininga siya. Kaya lumapit ako sa kanya pero nanatili lamang akong nakatayo habang nakahawak sa railings nitong verandah at sinabayan siyang tanawin ang kawalan.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ko na nasa langit ang paningin.

Palubog na ang araw at kitang-kita ito mula rito. Kay sarap niyang pagmasdan.

"Wala 'to.." mapaklang sagot niya.

Kunot-noo ko siyang tiningnan at saka tiningnan naman niya ako ng may pagtataka. Hindi ko lang nararamdaman ang panlalamig niya kundi nakikita ko rin ito sa mga mata niya. Naninibago ako sa pakitungo niya sakin ngayon. Sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang mali sa kanya na ikadahilan para maging ganito siya. Siguro ay may problema lang ito.

"'Wag mo kong titigan ng ganyan." sabay iwas ng tinging sabi niya.

"May problema ka ba?" agad na tanong ko.

Yumuko siya at para bang pinahiran niya ang mga mata niya. Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o hindi. Ano ba talagang problema nitong lalaking 'to?

Tumayo siya at itinuon ang dalawang kamay sa railings. Saka tumingala sa langit. Sinundan ko naman ang paningin niya kaya pariho na kaming nakatingin sa madilim-dilim na langit.

"Bakit mo naman nasabi na may problema ako?" tanong niya.

"Nababasa ko kasi sa mga mata mo..parang may gumuhit na lungkot." sabi ko saka tumingin sa kanya. Nakatingin na pala siya sakin kaya nagtama ang mga paningin namin.

"Malungkot na ba talaga akong tingnan?" tanong niya ulit na hindi man lang inalis ang tingin sakin.

Tumango ako saka pilit na ngumiti. "Alam mo.. pwede mo namang e share sakin 'yan e. Andito lang naman ako makikinig sayo.."

"Kung sasabihin ko ba sayo.. hindi ka magagalit sakin? O magbago ang pakikitungo mo sakin?"

Kunwari pang natawa ako. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Wala lang.. baka 'pag sinabi ko sayo ang problema ko, kung problema nga ba ang matatawag dito ay iyon ang gagawin mo.."

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now