Unexpected Soulmate Chapter 32

34 3 0
                                    


PRECIOUS' POV

Sa kalagitnaan ng pagkukwento ni kuya ay bigla nalang may nagsalita sa bandang likuran. Pamilyar ang boses niya sakin pero nagtaka parin ako kung ba't ito nandito.

"Pwede ko bang malaman kung nasaan ang Clark na sinasabi mo?" tanong niya habang papalapit ito sa'min.

"Rhanz? A-Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

Oo si Rhanz ang andito. Sa palagay ko ay narinig niya ang sinabi ni kuya tungkol kay Clark kaya ganoon nalang ang tanong niya.

"Hindi ko alam.. 'yong isang kaibigan ko lang ang nakakaalam kung nasaan si Clark." sagot ni kuya.

"Ano bang pangalan ng kaibigan mo? Gusto ko siyang makausap."

"Ayokong madamay siya kaya 'wag mo na siyang abalahin pa." mahinahong saad ni kuya. Napabuntong-hininga naman si Rhanz.

"Naniniwala akong wala kang kasalanan. Kaya nga gusto ko siyang makausap baka sakaling makatulong siya para makalaya ka. Sinabi mo lang kanina na ang kaibigan mong si Clark ang totoong may sala kaya siya lang ang dapat na makulong at hindi ikaw." seryoso siya nang sabihin niya iyon sa mismong mga mata ni kuya. "Ito lang ang tangi kong maitulong sa inyo. Kaya.. sabihin mo na sakin."

Tiningnan ko si kuya at tila parang napipilitan siyang sabihin kay Rhanz ang tungkol sa kaibigan niya. "Si Seth Madrigal, siya lang ang nakakaalam kung nasaan si Clark."

"Anong address niya?" tanong na naman ni Rhanz.

Ibinigay ni kuya ang address ni Seth. Sa tingin ko rin ay tama lang na kausapin ni Rhanz si Seth para malaman kung ano ang totoo. Eksakto namang andito din pala sa Tagaytay ang kaibigan ni kuya kaya madali lang para puntahan ito.

Maya maya lang ay dumating na sila mommy at gaya ng inaasahan ko ay nagtataka sila kung bakit andito si Rhanz. Pero hinayaan lang nila at isinabay sa pagkain.

Wala akong ganang kumain dahil sa halo-halong emosyong dinamdam ko. Pati si kuya ay ayaw din sanang kumain pero pinilit siya ni mommy.

Napatingin ako kay Rhanz matapos niyang lagyan ng pagkain ang plato ko. Sumenyas siyang kainin ko ito pero wala talaga akong gana. Parang wala akong lakas na ngumuya ng kahit anong pagkain sa bibig ko.

Idagdag ko pa ang lungkot at sakit dahil sa sinabi ni tita na bawal na akong magpakita kay Zion. Isang araw pa nga kaming magkarelasyon pero ito na ang pinagdaanan namin. Iniisip ko kung ano ba ang ginagawa ni Zion ngayon na wala ako sa tabi niya. Alam na ba niyang si kuya ang pinanghinalaan. Sinabi ba sa kanya ni tita na bawal na akong pumunta do'n.

Sa pag-iisip ko ay ngayon ko lang nalaman na tapos na pala silang kumain at tila pagkain ko nalang ang hindi nagalaw kahit kunti sa plato. Parang naiintindihan naman nila ako at hindi na lang nila ako pinilit.

Ilang minuto ang lumipas ay sinabi na ng pulis na kailangan ng ipasok si kuya at kami naman ay kailangan ng umalis. Gusto ko mang samahan si kuya dahil alam kong siya lang mag-isang maiwan ay hindi pwede. Kahit nahihirapan akong ihakbang ang mga paa ko paalis ay pinilit ko ito.

Nagpasama sakin si Rhanz papunta kina Seth. Hindi naman ako nagdadalawang-isip na sumama dahil gusto ko ring marinig ang mga nalalaman niya. Hindi namin pinaalam kina mommy kung saan kami pupunta ang tanging paalam lang namin ay pumunta sa isang lugar para magpahangin. Nakakabobo man ang dahilang iyon ngunit naniniwala parin sila.

Sa daan palang ay wala akong imik kaya subrang tahimik na tanging  makina nalang mismo ng kotse ni Rhanz ang nagsisilbing ingay. Pero nangunot ang noo ko nang mapansing ang daang tinahak namin ay daan papuntang hospital. Kinakabahan ako na may halong pananabik na makita si Zion pero napalitan agad ito ng matinding lungkot nang maalala ang sinabi ni tita.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now