Tears In Heaven (2)

44 4 0
                                    


PRECIOUS' POV

UMALIS na silang lahat at tanging ako nalang ang nag-iisang tao dito. Nakakabingi ang sobrang tahimik na tila pati hangin ay kalmado.

Tumayo ako at kinuha ang gitara na nasa upuan. Umupo ako sa harap ng kanyang puntod. Ipinwesto ko ang gitara sa harapan ko saka huminga ng malalim.

"Baby, diba sabi mo.. kapag malungkot ako, tutugtugin ko lang ito. Eh malungkot ako ngayon e, kasi iniwan mo 'ko." umiiyak na namang sabi ko. Bago ko sinimulang kalabitin ang gitara.

Would you know my name

If I saw you in heaven?

Would it be the same

If I saw you in heaven?

Habang kinakanta ko iyon ay nakisabay din ang mga luha ko. Habang binibigkas ko iyon ay nasa puntod lang ni Zion ang paningin ko .

I must be strong

And carry on

'Cause I know I don't belong

Here in heaven

Would you hold my hand

If I saw you in heaven?

Would you help me stand

If I saw you in heaven?

Hindi ko na maibigkas ng klaro ang mga salita ng kanta dahil sa panggagaral at paghikbi. Ipinalabas ko ang hinanakit ko sa kanta.

I'll find my way

Through night and day

'Cause I know I just can't stay

Here in heaven

Ipinikit ko ang aking mga mata at inisip na andito siya nakikinig sakin. Iniisip ko na sinasagot niya ang mga tanong sa kanta.

Time can bring you down

Time can bend your knees

Time can break your heart

Have you begging please,

begging please.

Hindi ko alam kung natural lang ba ang ganitong lamig ng hangin o si Zion iyon. Ramdan ko ang bawat dapo ng hangin sa balat ko.

Beyond the door

There's peace I'm sure

And I know there'll be no more

Tears in heaven..

Nasa heaven kaya siya ngayon? Nakikita niya ba ako? Kasama ko ba siya ngayon? Nasa tabi ko lang ba siya? Gusto kong itanong lahat ng iyon sa kanya pero alam kong imposibleng sumagot siya.

Would you know my name

If I saw you in heaven?

Would you be the same

If I saw you in heaven..

I must be strong

And carry on

'Cause I know I don't belong

Here in heaven

'Cause I know I don't belong

Here in heaven

Tinapos ko ang kanta na basa ang mga mata dahil sa pagbugso ng luha. Binalikan ko pa ang mga masasayang ala-ala namin ni Zion. Mga masasaya na akala ko habam-buhay naming mararanasan. At hindi ko alam kung paano ko ulit mararanasan iyon. Paano ko ulit maranasang ngumiti, tumawa at humalakhak.

Hinawakan ko ang lupa na para bang nahahawakan ko din si Zion. Kita ko pa ang pagpatak ng luha ko sa lupa. Gusto kong humingi ng milagro na kagaya ng napanuod ko sa palabas na pwedeng mabuhay ulit ang patay dahil sa pumatak na luha. Nakakahibang man isipin pero talagang iyon ang iniisip ko.

"You're gone from my sight but you are never gone from my heart, Zion."

Humiga ako sa lupa pero umiiyak parin. Parang wala na talaga ako sa sarili kong pag-iisip. Dahil buong pagkatao ko ngayon ay binabalot ng lungkot.

"I'm sorry Zion, kung ako mismo ang sumira sa pangako ko sayo. Hindi ko talaga kayang maging masaya ngayon. I'm sorry.."

Bakit pakiramdam ko ay wala na akong pag-asa pang mabuhay? Wala ng saysay para mabuhay pa. Ayokong mabuhay sa kalungkutan. Ayokong makulong sa sakit dahil hindi ko talaga kaya.

"Zion, kunin mo nalang ako please.. S-Sasama ako sayo.. Gustong k-kitang makasama.. Kunin mo na ako! Kunin mo na...ako!!"

Hindi ko talaga kaya. Wala na talaga akong makita pang pag-asa.
Nakita ko pa ang langit kung paano ito nangingitim at parang handa na itong makisabay sa bugso ng mga luha ko. Bumangon ako saka umupo ulit at ipinatong ang dalawang palad sa lupa.

Noon sobrang takot ako sa kidlat at kulog pero ngayon, hindi ko na ininda pa. Ni kahit katiting na takot ay wala akong maramdaman. Hinayaan ko lang din ang ulan bumasa sakin at ang ginaw na bumalot sa buong katawan ko. Wala na akong pakialam at wala akong balak na umalis dito.

"Magpakita ka naman sakin kahit sandali lang, Zion!!" sigaw ko sa gitna ng ulan. Sabay ng pagsigaw ko ay ang pagkulog ng langit.

Nagtataka ako kung bakit wala ng pumatak na ulan sa katawan ko. Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Rhanz na pinapayungan ako.

"Precious, please umuwi na tayo.. Nag-aalala na kami sayo. Hindi na talaga matutuwa pa si Zion sa ginawa mo."

"Ayokong umuwi. Gusto kong samahan dito si Zion." matigas na sabi ko.

"Hindi pwede. Please, please Precious.. alalahanin mo naman ang sarili mo. Kahit alang-alang kay Zion, bigyan mo naman ng halaga ang sarili mo Precious. Bigyan mo siya ng dahilan upang mamayapa ng hindi nalulungkot at nasasaktan. Dahil alam ko na masasaktan talaga siya sa ginawa mo ngayon." puno ng pagpapaintindi ang kanyang tinig.

Umiyak na lang ako saka yumuko. Dahil tama siya, binibigyan ko lang ng dahilan si Zion na masaktan. Naaalala ko rin ang sinabi niya na gusto siyang mamayapa ng masaya at bakit heto ako't nagbibigay sa kanya ng kalungkutan? Nagiging selfish na ba talaga ako? Nasasaktan lang naman ako sa pagkawala niya.

Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Rhanz ang braso ko saka inilalayang tumayo. Nakatayo na ako pero nasa puntod parin niya ang paningin ko. Ayokong kumilos na kahit isang hakbang lang para talikuran siya. Pero dahil naiintindihan ko ang sinabi ni Rhanz, kailangan ko na talagang umalis dito. Ginawa ko 'to hindi para sa sarili ko kundi para kay Zion.

Parang bumagal ang ikot ng mundo ko nang akma ko ng tatalikuran ang kanyang puntod at magsimula ng lumakad paalis. Nakaakbay man sakin si Rhanz ay parang hindi ko parin maramdaman na may kasama ako dahil ang isip ko ay tila naiwan parin kay Zion.

Bumalik na naman ako sa nakasanayan ko. Nakatulala lang habang nasa bintana ang paningin. Sa paningin ko ay nakikita ko si Zion na nakangiti habang nakatingin sakin.

Nanginginig na ako saka sinisipon pero pilit ko nalang itong nilabanan. Pero nagtataka ako kung bakit itinabi ni Rhanz ang kotse saka huminto. Naptingin ako sa kanya habang hinubad niya ang kanyang jacket at bahagyang siyang lumapit  saka pinasuot sakin.

"Isuot mo 'to dahil alam kung giniginaw ka na." sabi pa niya saka hinawakan ang noo ko. "Ang init mo! Nilalagnat ka." dagdag pa niya saka inayos ang jacket niyang suot ko.

Pagkatapos ay pinaharurot niya ang sasakyan paalis. Palagi pa niya akong nilingon at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Tama siya, nararamdaman ko nga ang init na may halong ginaw sa katawan ko. Mas lalo na akong nanghihina.

"Matulog ka diyan.. Ipahinga mo ang sarili mo. Gigisingin nalang kita 'pag nasa bahay na tayo." maowtoridad na sabi niya.

Hindi na ako sumagot sa halip ay inihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan at tumingin sa bintana. Pero ilang minuto pa lang ay nilamon na ako ng antok at hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.

To be continued..............

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now