Gift Of Love (2)

38 4 0
                                    


PRECIOUS' POV

Ito ba ang sinasabi sakin ni mommy kagabi na surprisa? May nakakaiyak ba dito? Kung sabagay, nararamdaman din nila ang nararamdaman ko hindi imposibleng maiyak talaga.

Hindi talaga ako makapaniwalang ginawa ito ni Zion para sakin. Ang swerte ko naman dahil kahit hindi pa siya siguradong makita akong muli ay pinagawa niya parin ito. Matawag ko talagang akin 'to dahil sa nakapintang mukha ko.

Pangarap kasi namin noon ni Zion na magkaroon ng treehouse at puno ng mga memorable pictures namin. At heto, tinupad niya ang pangarap namin. Nakaka-touch isipin na siya ang gumawa ng paraan para matupad ang aming hiling.

"Akyat tayo do'n?" napabaling ako kay Zion nang bigla siyang lumapit at magyayang umayat sa taas.

Sa tindi ng excitement na nararamdaman ko. Nakangiting tumango lang ang ginanti ko sa kanya. Hinawakan naman niya kamay ko saka dahan-dahang umakyat sa hagdan.

Nakakamangha lang kasi pati hagdan ay sobrang ganda ng desinyo, spiral siya at kulay puti lahat. Parang nasa fairytale ang style. Ito na siguro ang pinakamagandang treehouse na nakita ko.

Mas namangha pa ako ng sobra-sobra nang makaakyat na talaga kami sa taas. Glass kasi ang sahig pero hindi 'yong tipong makikita mo ang ilalalim. Parang normal na sahig lang siya pero glass nga lang. Basta hindi ko talaga ma-explain sa sobrang ganda. Pati ang wall ay tila kumikinang na parang crystals.

"Halika, may ipapakita ako sayo.." iniakay niya ako at binuksan ang pinto.

Para siyang kwarto pero puro pictures lang namin ang tanging laman. May naka-hanging na pictures naming dalawa noong bata pa. May naka-frame na at ipinatong sa malaking estante. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang napakaling portrait ko. Halos kasing haba na ng pader.

"Ang ganda mo.." bulong ni Zion saka niyakap ako mula sa likuran.

Kahit ako ay nagagandahan sa sarili kong larawan. Hindi ko alam kung kailan niya ito pinagawa.

"Kailan mo 'yan pinagawa?" hindi ko na talaga mapigilang hindi magtanong.

"No'ng isang araw pa. Actually si Rhanz ang inutusan kong maghanap ng pinakamagaling na artist. Si Rhanz din ang tumapos nito dahil nga naaksidente ako." sabi niya.

Pinahiran ko ang tumulong luha ko saka humarap sa kanya at yumakap ng napakahigpit. "Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko Zion. Thank you and I love you so much." madamdamin kong sabi habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Precious baby, God knows how much I loved you. Ikaw ang pinakamagandang bagay na binigay sakin. I'm willing to give you everything that I can. I always wanted to be with you the rest of my life. And now, I want to spend the rest of my time with you, my love. I want this to be memorable to you." naiiyak siya nang sabihin niya iyon saka hinagkan ang noo ko . Napapikit ako dahil dama ko ang pagmamahal niya.

"I love you more, baby.." dagdag pa niya saka siniil ng halik ang labi ko.

A sweet yet romantic and passionate kiss. Iyon ang pinakamatagal na halik na aming naranasan. Habol namin ang hininga ng bitawan niya ang labi ko. Pagkatapos ay niyakap niya ako ng kay higpit na tila ayaw na niya akong pakawalan. Abot langit ang ngiti ko pero agad itong napalitan ng pagkakunot ng noo nang maramdaman ko ang paghikbi niya.

Ako na ang unang kumalas saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Hirap man ay inabot ko talaga. Hanggang balikat lang kasi niya ako kaya medyo mahirap.

"Bakit ka umiiyak?" malumanay na tanong ko. Pero sa halip na sagotin ako ay hinagkan niya ulit ang aking noo saka yumakap.

"Promise me you'll always be happy, okay?" naguguluhan man ay tumango nalang ako.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now