Unexpected Soulmate Chapter 28

36 3 0
                                    


RHANZ'S POV

ANO bang pwede kong itawag sa sarili ko? Isa ba akong martyr o tanga?

Siguro sa mga panahong ito ay tama lang na hindi ko nalang guluhin pa ang isip ni Precious. Kahit malinaw na sa'kin na wala siyang nararamdaman para sakin dahil talagang si Zion ang mahal niya. Masakit man isipin na hindi ko kayang ipaglaban ang nararamdaman ko dahil alam kong simula pa lang ay talo ako, talong-talo na ako.

Pero gaya ng pinangako ko kay Precious, susuportahan ko parin siya. Suportado parin ako sa relasyon nila ni Zion.

Kanina, hindi ko na magawa pang bumalik sa loob ng kwarto ni Zion. Batid ko kasi na magtatapat na si Zion sa oras na iyon at hindi na rin ako magugulat kung mababalitaan ko mamaya o sa susunod na araw na, sila na.

Masaya naman ako para sa kanila. Hindi ko pinangarap na maging hadlang sa relasyon nila. Sa ngayon, gusto ko lang talagang mapag-isa at hilomin ang sugat nitong puso ko. Sugat na hindi ko alam kung paano gagamotin o kung may gamot pa bang para rito.

"Manang?" dinig ko ang boses ni tita mula sa baba.

Ngayon ko lang napansin kung gaano na ako katagal dito. Ginagabi na pala ako dito sa verandah at hawak ko parin ang gitara ko. Tatlong can ng beer pa lang ang naubos ko pero parang nahihilo na ako. Hindi kasi ako sanay uminom ng ganito. Sa katunayan nga ay ito ang unang beses na uminom akong lampas isang can.

"Yes ma'am?" dinig kong sagot ni manang.

"Si Rhanz?"

"Ando'n po sa taas. Eh kaninang tanghali ko lang po siyang nakitang bumaba e.. Ewan ko po kung anong ginagawa niya do'n basta po hindi pa po 'yon kumakain."

"Hindi mo man lang ba siya tinawag para kumain?"

"Eh ma'am, nakita ko po siya do'n sa verandah na parang.. ang lalim po ng iniisip tapos ngayon ko lang po 'yon nakitang umiinom ng beer. Kaninang tanghali pa nga pong gano'n 'yon e."

Napabuga ako ng hangin matapos kong marinig ang pagsusumbong ni manang kay tita. Sigurado akong mag-aalala na naman 'yon sakin.

"Ano kayang nangyari sa batang 'yon?" boses ni tito naman ang narinig ko.

"Kilala naman po natin ang batang 'yon diba? Hindi po natin 'yon mapipilit na kumain kapag may dinadamdam."

"Tama ka manang.. Eh kayo po? Kumain na po ba kayo?"

"Tapos na po ma'am.. Ahmm gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng makakain ma'am?"

"Ahh hindi na manang. Kumain na kami do'n bago kami umuwi dito.. Sige na manang, magpahinga na kayo.."

"Sige po ma'am.."

Inihilig ko ang ulo ko sa sandalan nitong silyang inuupuan ko habang nakatingala sa mga bituing nagkikinangan sa langit. Maya maya lang ay dinig ko ang yabag ng mga paa na papalapit dito sa kinaroroonan ko at alam kong isa sa kanila ni tito at tita iyon.

"Rhanz?" malumanay na tawag sakin ni tita.

Hindi ko siya liningon sa halip ay nanatili lang ako sa pwesto ko at patuloy na nililibang ang mga matang nakatingin sa mga bituin.

Narinig ko ang paghila ni tita sa isang silya at ipinwesto ito sa tabi ko. Saka lang ako napalingon sa kanya nang hawakan niya ang balikat ko.

"Rhanz? Bakit andito ka? Bakit ka umiinom?" sunod-sunod na tanong niya at umiling-iling lang ako saka nag-iwas sa kanya ng tingin. "Rhanz hijo? May..problema ka ba?"

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now