Unexpected Soulmate Chapter 11

49 6 1
                                    


PRECIOUS' POV

Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong malaking kasalanan kay daddy na umabot pa sa ganito ang sitwasyon. Dati na namang strikto si daddy pero naging mas grabe pa mula noong nakaraan. Mas madali na siyang magalit, ni hindi ko na nga nakita sa kanya yung natural na itsura niya kapag nasa bakasyon kami.

Hindi ko talaga siya naiintindihan. Ang babaw ng rason niya kung bakit niya ako kinulong sa kwartong ito. Kung nag-aalala siya sakin, bakit pa niya ito ginawa? Dahil sa pagsuway ko sa kanya? Hindi naman na ako bata gaya ng sinasabi niya kanina para ganito ang parusang ibigay niya sakin.

Pangalawang araw pa namin dito pero parang hindi ko naman naramdaman ang pagbabakasyon. Hindi ako nag-aalala o nalulungkot dahil nasira ang pagbabakasyon ko kundi mas nag-alala at mas nakaramdam ako ng lungkot dahil posibleng hindi ko na matulongan pa si Cali, na ngayon ay alam ko ng si Zion pala na bestfriend ko.

Kung tutuusin wala naman talaga akong natulong pa sa kaniya. Puro nalang palpak lahat ng hakbang ko. Minsan nga naisip ko na, ako ba talaga ang nakatakdang tumulong sa misyon niya?

Masakit isipin na posibleng hindi ko na siya matutulongan pa. Pero lahat gagawin ko para matulongan siya. Kahit pa ganito ang sitwasyon ko ngayon. Gagawa ako ng paraan para malutas ito.

"Precious, tahan na.." malumanay na sabi ni Zion. Ngunit sa halip na tumahan ako ay yumuko ako at sinapo ng dalawang kamay ko ang mukha. Ilang beses pa akong umiling-iling saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Cali.. I-I mean Zion.." huminga pa muna ako ng malalim saka tumitig sa kanya.

"Pwede mo akong tawaging Cali kung dyan ka komportable.." nakangiting aniya. Nahawa naman ako sa matamis niyang ngiti. "Tahan na kasi.. sige ka papangit ka talaga 'pag hindi mo pa tigilan ang pag-iyak.." pananakot pa niya.

"C-Cali.. Paano na 'to?" umiiyak at nag-aalala paring usal ko.

"Anong paano?" kunot-noong aniya kaya napayuko naman ako.

"Hindi ko alam kung.. kung kailan ako pwedeng ilabas dito ni daddy. Hindi ko alam kung paano na kita matutulongan nito.. I-I'm sorry.." patuloy parin sa pag-agos ng mga luha ko.

"Precious, 'wag mo muna akong intindihin.. Intindihin mo muna ang sarili mo. Irelax mo muna ang sarili mo Precious.." nag-aalalang aniya.

"Cali, ako ba talaga ang nakatakdang tumulong sayo?" tanong ko nang mag-angat ng tingin sa kanya. Nakita ko naman ang lungkot na bumalot sa mga mata niya.

"Precious.."

"Eh kasi, puro ako palpak e.. Tapos ito pa ang nangyari sakin. Mas lalo na kitang hindi matutulongan nito.."

"Sa matulongan mo man ako sa hindi, masaya parin ako at nagpapasalamat kasi muli kitang nakilala at nakasama.." madamdamin niyang sabi habang diretsong nakatingin sa dalawang mata ko.

Hindi ko na magawan pang sumagot. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nagmukmok at nasa ganoong pwesto parin.

Napatingin ako sa bintana at napansin kong dumilim na pala. Namugto na ang mga mata ko. Wala ng luha na dumaloy sa pisngi ko na tila ba'y naubusan na ng luha ang mga mata ko. Si Cali, andyan parin siya at pilit iparamdam sakin ang comfort. Nakayuko parin ako at nilalaro ang mga daliri ko. Ayokong makita ni Cali ang lungkot sa mga mata ko.

Maya maya pa ay parang may bumukas sa pinto. Nang magbukas na ito ay pumasok agad si mommy. Hindi ko magawang lumapit sa kanya kahit gumalaw man lang dito sa kinauupuan ko.

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni mommy nang tuluyan na siyang umupo sa tabi ko at tinabig ang hibla ng buhok sa mukha ko.

"Anak, I'm sorry.. Pilit kong kausapin ag daddy mo pero hindi siya nakinig sakin. Pili kong kinuha sa kanya ang susi ngunit hindi niya binigay sakin. Siya pa nga ang naghatid at nagbukas para makapasok ako rito. Nasa labas siya ng pinto at nagbabantay." parang nawalan ng pag-asang sambit ni mommy. Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga. Pilit kong binigyan si mommy ng ngiti upang hindi siya gaanong mag-alala sakin.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now