Epilogue

61 6 0
                                    


ZION'S POV

MASAKIT makita ang taong mahal na nasasaktan. Iyong tipong gusto mo sana siyang lapitan para yakapin at sabihing huwag na siyang iiyak dahil okay na ako. Pero hindi ko magawa iyon dahil hindi na pwede.

Oo. Nakikita ko ngayon si Precious na umiiyak mag-isa. Andito lang ako sa lugar na di naman kalayuan mula sa kanya. Lalapitan ko sana siya kaso pinigilan ako ni taga-bantay.

"Hindi ka na pwedeng magpakita, lumapit o magparamdam sa kanya. Tapos na ang oras mo dito sa lupa. Pinayagan lang kitang makabalik dito ngayon dahil batid kong gusto mo siyang makita. Pero tandaan mo na, ito na ang huling sandali mo dito." wika ni taga-bantay.

Tiningnan ko siya ng nagmamakaawa pero umiling lang siya na nagsasabing hindi na talaga pwede. Kaya ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Precious na ngayon ay may dala ng gitara.

Napangiti ako ng mapait nang makita ang gitarang hawak niya. Kinuha na pala niya ang pinaka-special at pinakahuling regalo ko sa kanya. Gitarang pinangarap namin noon. Siguro nabasa na rin niya ang sinulat kong idinikit sa likod ng gitara.

Kumakanta siya at dinig na dinig ko ito. Mas lalo lang nagbigay ng kalungkutan ang mga salita sa kanta. Gusto kong sagutin ang mga tanong sa kanta ngunit hindi na rin kailangan dahil hindi rin naman niya maririnig ang sagot ko. Umiiyak siya habang kinakanta iyon. Hindi ko na nga marinig ng maayos ang lireko ng kanta dahil mas nangingibabaw na ngayon ang kanyang paghikbi.

Nang matapos ang kanta niya ay bahagya pa siyang lumuhod at inihawak ang dalawang kamay sa lupa. Umiiyak siya ng umiyak.

"You're gone from my sight but you are never gone from my heart, Zion." rinig kong sabi niya na mas nagbibigay ng lungkot sakin.

Maya maya ay humiga siya sa lupa at hindi ko iyon inaasahan. Nakatingin siya sa langit at dinig ko pa ang paghikbi niya.

"I'm sorry Zion, kung ako mismo ang sumira sa pangako ko sayo. Hindi ko talaga kayang maging masaya ngayon. I'm sorry.." umiiyak na sabi niya na minsan ay pumiyok pa.

Gusto ko na talaga siyang lapitan at sabihin na hindi siya dapat mag-sorry dahil ako ang dapat na magsabi niyon. Ako ang dahilan kung bakit siya nagdusa ng ganito.

"Zion, kunin mo nalang ako please.. S-Sasama ako sayo.. Gustong k-kitang makasama.. Kunin mo na ako! Kunin mo na...ako!!" sigaw niya.

Umiling-iling ako dahil ayokong gawin iyon. Gustohin ko mang makasama siya pero hindi pa ito ang tamang panahon. Madami pa siyang pangarap sa buhay at kahit pa kasama ako sa pangarap niyang iyon ay alam ko namang magagawa niya iyon nang wala ako.

Napatingin ako sa langit ng unti-unti itong nangingitim at parang handa ng bumuhos ang ulan. Nag-aalala ako kay Precious dahil parang binaliwala lang niya iyon.

Alam kung takot siya sa kidlat at kulog pero tila hindi na ngayon. Kahit sobra pang lakas ng kulog ay hindi niya iyon pinapansin. Hinayaan lang din niyang mabasa siya sa ulan.

"Magpakita ka naman sakin kahit sandali lang, Zion!!" sinabayan pa ng kulog ang sigaw niya.

Gustong-gusto kong magpakita pero hindi na talaga pwede. Gusto ko siyang protektahan laban sa ulan pero hindi ko magawa. Humahagulgol siya sa iyak sa gitna ng ulan.

Nakita ko naman si Rhanz na lumapit sa kanya at pinayungan. Naging panatag na ang loob ko dahil andyan na siya para kay Precious. Alam kong hindi niya ito pababayaan dahil nangako siya at may tiwala ako sa kanya.

Bago ako mawalan ng buhay ay sinabi ko sa kanya na siya na ang bahala kay Precious. Pinagpangako ko siya na hindi niya ito pababayaan. Sa kanya ko na pinaubaya si Precious.

Tinanaw ko pa silang papalayo na. Laking pasasalamat ko kay Rhanz dahil nagawa niyang kumbinsihin si Precious na huwag pababayaan ang kanyang sarili. Kahit nakikita ko ang kalungkutang bumalot ngayon kay Precious ay batid kong maghihilom din iyon. Hindi man ngayon, bukas o sa makalawa pero alam kong darating din iyon.

Hindi ko na sila matanaw pero nanatiling nakapako ang aking paningin kung saan ko sila huling natanaw. Pumikit ako saka napayuko. Sa pagpikit ko ay kasabay ng pagtanggap ko na hanggang dito nalang lahat nagtatapos. Iyon nalang ang huling pagkakataon na masilayan ko ang mukha niya. Iyon na ang huling beses na marinig ko ang boses niya.

"Halika na?" yaya sakin ni taga-bantay.

Idinilat ko ang aking mga mata saka humarap sa kanya at ngumiti. Tanggap ko na ang lahat.

"Maraming salamat sa pagkakataong ito." sinserong sabi ko at nakangiting tumango naman siya. "Handa na ako."

"Naghihintay na sila sayo sa langit.." sabi niya at ngumiti lang ako.

Nakikita ko sa 'di kalayuan ang puting liwanag at alam kong iyon na ang kukuha sa'min. Lumapit kami ro'n at unti-unti na kaming kinain ng liwanag.

Ang huling masasabi ko lang ay...PAALAM HANGGANG SA MULI..SALAMAT.

To be continued

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

To be continued.......

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now