Unexpected Soulmate Chapter 31

34 3 0
                                    


PRECIOUS' POV

HINDI ko inaasahan na mangyari lahat ng ito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman. Noon gusto kong mabulok sa kulungan ang taong bumangga kay Zion. Pero ngayong si kuya ang pinanghinalaan nilang suspect na kahit hindi pa sigurado ay naawa na ako sa kanya.

Umiiyak lang si kuya habang nakatungo. Inalo ko siya pero parang hindi sapat iyon para gumaan ang pakiramdam niya.

"Stacey, kung maaari ay pag-uusapan lang muna natin 'to.." nagmamakaawang sambit ni mommy na lumuhod pa sa paanan ni tita.

Nasasaktan ako sa nakita ko kay mommy dahil ngayon ko lang siya nakitang halos humalik na sa paanan ng isang tao para lang magmakaawa.

"Stella.. kailangang may managot sa nangyari sa anak ko. Ina ka rin at alam kung ganito rin ang gagawin mo kung ikaw ang nasa posisyon ko. Mahirap man dahil hindi na iba si Percei para sa'min pero.. gusto kong mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Zion." hinayaan lang ni tita si mommy na hawakan ang paa niya at doon humahagulhol sa iyak.

Lumapit naman si daddy para itayo si mommy. Kung mahirap para sa akin ang mga ito ay nasisiguro kong mas mahirap ito para sa magulang ko lalo na kay mommy.

"Sige na ipasok nyo na siya.." nagulat ako nang ganoon nalang ka daling iutos ni tita sa mga pulis na ipasok na si kuya sa loob ng selda.

"Tita.. hindi pa naman sure na si kuya talaga iyon e.." umiiyak na sabi ko habang hinawakan ang braso ni tita. Pero inalis lang niya ito saka lumapit sa pulis.

"Tito.." pagsusumamo ko kay tito pero ganoon nalang ang pagbagsak ng balikat ko nang umiiling siya.

Agad kong hinawakan si kuya nang akayin siya ng mga pulis papasok. Hinila ko siya na para bang 'yon lang ang tangi kong magagawa para hindi makulong si kuya. Pero wala akong nagawa nang pilit inalis ng isang pulis ang kamay ko sa braso ni kuya at inilayo ako. Hindi ako binitawan ng pulis hangga't hindi naipasok sa loob si kuya. Patakbo akong lumapit pero huli na dahil ini-lock na ang kandado sa rehas.

Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang makita ang mga butil ng luha na dumaloy sa pisngi ni kuya habang nakahawak sa rehas.

"Kuya.. kuya gagawa ako ng paraan para makalabas ka kuya." pilit kong pinalakas ang loob niya.

Narinig kong nagpaalam na sila tita sa pulis kaya bago pa man ito makaalis ay agad na akong lumapit sa kanila.

"Tita.. parang awa niyo na po. 'Wag po ninyong ipakulong si kuya. Hindi pa naman po sigurado e.." pagmamakaawa ko pero kagaya kanina ay bahagya siyang lumayo at parang hindi na siya makatingin sakin ng diretso.

"Kotse niya ang nakita kaya siya ang suspect. Dapat lang na harapin ng may sala ang pinsalang ginawa niya." matigas na ani tita habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Precious, I'm sorry pero kailangan itong mangyari. Gusto ko ring.. 'wag ka nalang munang pumunta sa hospital at magpakita kay Zion dahil alam kong mahihirapan lang siya 'pag ando'n ka."

Natigilan ako sa huling sinabi ni tita. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang nais niyang mangyari. Mas dumoble na ang sakit na nararamdaman ko sa katotohanang hindi ko na makita si Zion.

"Tita," tanging 'yon lang ang naisambit ko dahil puro hikbi nalang ang lumabas sa bibig ko.

Tinalikuran nila ako ng ganoon nalang. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang hindi na ako makahinga sa subrang sikip nito. Nanatili akong nakaharap sa pintuan habang tanaw ang pag-alis nila tita.

Pero bigla akong napaigtad nang may yumakap sakin mula sa likuran. Subrang higpit ng hawak pero kahit hindi ko siya malingon ay batid kong si Rhanz iyon.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now