Unexpected Soulmate Chapter 35

31 4 0
                                    


PRECIOUS' POV

K❤️I❤️N❤️A❤️B❤️U❤️K❤️A❤️S❤️A❤️N

NAGISING ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Kinusot ko pa ang aking mata bago ako bumangon. Ngayon ko lang din naalalang dito pala ako sa couch nakatulog.

Alas siyete na pala ng umaga. Kaya agad akong pumunta sa banyo para maligo at gawin ang mga dapat na gawin. Matapos ang ilang minuto ay agad din akong bumaba pero si mommy lang ang nadatnan ko sa kusina.

"Mom, si dad?" tanong ko rito. Nagsasalin kasi siya ng pagkain sa baonan at batid kong para kay kuya iyon.

"Nauna na sa presinto.." sagot niya.

Nagtaka ako kung bakit ang dami ng mga pagkaing binalot niya. Sobra-sobra ito para kay kuya at kahit pa sa aming lahat.

"Mom? Bakit ang dami nito?" sabay turo ko sa mga inihanda niya.

Sa halip na sagotin ako ay dali-dali niya itong nilagay isa-isa sa paperbags.

"Pakibitbit 'yang tatlong paperbags anak. Halika na, pupunta na tayo sa presinto. Doon nalang tayo kakain." aniya na nagmamadali pang lumabas ng kusina. Agad ko namang dinampot ang naiwang paperbags saka sumunod kay mommy.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang pitong pulis na nag-abang samin palabas. Hinanap ko si mommy at nagtaka akong wala siya dito sa labas.

'Iniwan ba niya ako?'

Saan ba siya nagpunta? Ang bilis naman niyang maglakad!

"Hoy! Precious, sumakay ka na!" nagulat akong napatingin sa sasakyan ng pulis. Do'n tumunghay sa bintana ang mukha ni mommy na para bang bagot na bagot kakahintay sakin.

Hala, diyan kami sasakay? Ang akala ko ay mamamasahe kami papuntang presinto?

Agad naman akong sumakay saka tumabi sa kanya. Pero nagulat ako nang pumasok din ang apat na pulis. Bali yung isa ay driver at ang isa naman ay nasa passenger seat. Iyong dalawa naman ay sa tabi namin, bali pinagitnaan talaga kami ni mommy.

Grabe guarded ang ganda ko dito. Masikip pero okay lang dahil ramdam mo naman ang safe. Habang nasa byahe kami ay panay tingin ako sa phone ko. Hinihintay ko ang tawag o text ni Rhanz.

Pero hanggang sa makarating kami sa tapat ng presinto ay wala pa ring tawag o text akong natanggap galing sa kanya.

'Ano na kayang nangyari kay Rhanz?' nasabi ko nalang sa isip ko.

Sumunod lang ako kay mommy papasok ng presinto. Nakayuko lang ako dahil nakaramdam ako ng kaba at pag-alala kay Rhanz. Panay buntong-hininga ako habang naglalakad kasunod kay mommy.

"Stacey," napaangat ako ng tingin ng banggitin ni mommy ang pangalan ni tita.

Andito pala sila tita at tito. Nakaupo na sila kasama si daddy at kuya. Agad namang inilapag ni mommy ang dala niyang paperbags sa mesa saka umupo sa tabi ni dad. Nag-aalangan akong batiin sila pero ayoko ring isipin nilang bigla kong binago ang pagtrato ko sa kanila.

"H-Hi po tita, tito." yumuko pang sabi ko saka tumabi kay kuya at inilagay ang dala ko ring paperbags sa mesa.

"Ahm..may dala kaming pagkain. Dinamihan ko na kasi alam kong darating kayo." ani ni mommy na inisa-isang nilabas ang pagkain. Pati kubyertos ay inihanda niya rin. "Sige na kumain na tayo dahil alam kong gutom na rin kayo." nakangiting sambit niya.

Pasulyap kong tiningnan sila tita at tito. Bakas sa kanilang itsura ang napipilitan lang. Pero wala na silang magawa dahil nasa harapan na ang pagkain kaya kumain na rin sila. Tahimik ang lahat dahil alam kong nakaramdam sila ng awkwardness.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now