✔US Chapter 07

53 8 0
                                    

PRECIOUS' POV

Lakad lang ako ng lakad at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong makita maski isang tao. Hindi rin ito pamilyar na lugar para sa akin at ramdam ko ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos naliligo na nga ako sa pawis ko. Hindi ko na rin mapigilan ang panginginig ng kamay at tuhod ko dahil sa sobrang takot.

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang batang lalaki na nakatalikod. Huminto ako at nanatili sa kanya ang paningin ko pero maya maya lang ay akma na sana siyang lilingon sakin ngunit may humila sa kanya sa isang madilim na parte ng lugar na ito. Naaninag ko pa ang pagpanlaban niya.

"Precious! Tulungan mo 'ko!" biglang sigaw nito at humihingi pa ng tulong sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan pa ng todo na halos hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kilala ko ang boses na iyon kaya tumakbo ako papalapit doon.

"Zion!" matinding sigaw ko.

NAPABALIKWAS akong bumangon sa kama na hingal na hingal. Panaginip lang pala ang lahat pero iyong kaba ay nandito pa din.

"Precious, okay ka lang?" Napatingin naman ako kay Cali na papalapit sakin. Umupo siya sa gilid ng kama at humarap sa gawi ko.

"O-okay lang ako. May napapanaginipan lang ako," hinihingal na sabi ko.

"Zion ang huling binanggit mo. Sino ba iyang Zion na iyan?"

Huminga pa muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya. "Siya iyong sinabi ko sayong bestfriend ko."

"Lalaki siya?" aniya at tango lang ang naisagot ko.

Bumuntong-hininga pa ulit ako bago ko kinwento lahat ng nangyari sa panaginip ko. Presko pa rin lahat sa isipan ko at pati nga itsura ni Zion ay tandang-tanda ko pa. Iyong paghingi niya sa akin ng tulong ay parang naririnig ko pa nga.

"Precious, panaginip lang iyon. Hindi iyon mangyayari sa kaibigan mo dahil dulot lang iyan ng pananabik mong makita siya."

Tumungo ako at iniisip ang mga nangyari. "Sana nga walang ibang ibig sabihin iyon. Natatakot ako Cali," naiiyak na sabi ko. Lumapit naman siya sa akin at yumakap. Naramdaman ko ang parang malamig na bumalot sa 'kin.

"Precious, huwag mo ng isipin iyon. Walang ibig sabihin iyon." Kumalas na siya sa yakap at humarap sa akin. "Sige na, matulog ka na ulit," nakangiting aniya. Umalis siya sa kama at bumalik sa couch.

Pero nagtaka ako kung bakit niya ako nahahawakan at nayayakap. "Cali?" tawag ko sa kanya. "N-nahahawakan mo ako? P-paano nangyari 'yon? Diba hindi ka makakahawak ng kahit na ano? Paanong nayakap mo ko?" nagtatakang tanong ko at kita ko naman sa mukha niya na nagtataka rin siya.

Tumayo siya at akmang hahawakan iyong picture frame sa ibabaw ng side table ko pero nabigo siya. Lumagpas lang ang mga kamay niya. Taka naman siyang lumingon sa 'kin at saka sinubukan ulit na hawakan ang frame pero ganoon parin ang nangyari.

"Bakit, hindi ko ito mahahawakan?" takang tanong niya na tumingin pa sa dalawang kamay niya.

"Subukan mo itong ibang gamit."

Inabot ko sa kanya ang libro pero gano'n pa rin at hindi talaga niya mahawakan. Inabot ko ang unan, 'yung teddy bear kong maliit, pati human sized teddy bear ko at yung phone ko pero hindi pa rin. Taka kaming nagkatinginang dalawa.

"Hindi pa rin," iling-iling na sabi niya.

Bumangon ako at lumapit sa kanya. Akma ko siyang yayakapin ngunit lumagpas lang ako sa kanya. "Yakapin mo 'ko," utos ko sa kanya.
Nag-aalangan pa siya noong una pero ginawa niya pa rin. Nagulat pa ako ng parang nahawakan niya ako at nakayakap nga siya sa akin. Kumawala agad ako at nanlaki ang mga matang tumingin sa kanya.
"Nayakap mo ako! Paano nangyari iyon?" hindi makapaniwala pa ring usal ko at gano'n rin ang pagtataka niya.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now