Unexpected Soulmate Chapter 20

45 4 0
                                    


PRECIOUS' POV

WHY did you do this?

Kailan mo pa siya niloloko?

Mas lalong namilog ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig nang masilayang unti-unting naglapit ang mga mukha nila sa isa't-isa. Kitang-kita ko sa dalawang mata ko kung paano niya tinugonan ang halik ng lalaking kasama niya.

"Oh my god," naibulong ko nalang.

"Paano nagawa ni Eunice 'to? All this time niloloko niya lang pala ang pinsan ko?" hindi makapaniwalang sabi din ni Rhanz.

Oo! Si Eunice ang nakita namin na may kasamang lalaki. Medyo okay lang sana kung magkasama lang kaso mas hinigitan pa nila 'yon e. Naghahalikan silang dalawa.

Nakatalikod sa gawi namin ang lalaki dahilan para hindi namin ito makilala. Tanging si Eunice lang ang klarong-klaro sa paningin namin kasi bahagyang nakaharap siya dito.

Siguro ay hindi agad nila kami mapapansin kasi may tatlong sasakyan pa ang pumagitna samin. Kung sasadyain nilang lumingon sa gawi dito, ay iyon pa mismo nila kami makikita.

Kaya lang, parang pamilyar sakin ang lalaking ito. Kahit 'yong likuran niya ay parang kilala ko. Hindi ko lang matukoy kung sino.

Nabalik ako sa reyalidad nang makita kong humakbang papalapit kina Eunice si Rhanz. Agad ko naman siyang pinigilan at hinila para magtago. Inis naman niya akong tiningnan ngunit pinandilatan ko siya at hinigpitan ang paghawak sa kanya.

"Where do you think you're going, Rhanz?" matigas na tanong ko.

"Hindi mo ba nakikita?" parang sakin pa siya nagagalit.

"Syempre nakikita ko.."

"Oh ayun naman pala e, tinatanong mo pa kung saan ako pupunta." nahihimigan ko ang pagiging sarkastiko niya.

"Bakit ka ba sakin nagagalit?" inis na talagang sabi ko.

"Pinipigilan mo 'ko e!"

"Bakit? Kung hahayaan ba kita, anong sasabihin mo sa kanila paglapit mo do'n? Sige nga!" hamon ko. "Huwag mong sasabihin sakin na kokumprontahin mo lang siya kung bakit nakipaghalikan siya sa lalaking iyon?"

"Oo ganoon na nga!"

"Rhanz, wala ka sa posisyon na mangumpronta ng ganoon! Hindi ikaw ang boyfriend niya, diba? Ang makakagawa lang no'n ay si Zion.." pagpapaintindi ko.

"Precious, pinsan ko si Zion. Parang kapatid na rin ang turingan namin sa isa't-isa! Ayokong makita na ginaganyan siya ng babaeng mahal niya! Niloloko siya e!"

"Rhanz naiintindihan kita. Pero please si Eunice ang kausapin mo nang kayong dalawa lang. Huwag kang susugod do'n gayong andyan pa ang lalaki niya. Baka saktan ka pa niya.."

Unexpected SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon