I Love You Goodbye (2)

40 3 0
                                    


PRECIOUS' POV

"Precious?" hinawakan pa ni Rhanz ang balikat ko. "Si Zion.." bahagya pa niyang binitin ang sasabihin niya. Pero kita ko sa mga mata niya ang panlalamlam.

"Bakit anong meron kay Zion?" humihikbing tanong ko. Hindi na ako makapaghintay sa sasabihin niya.

Pero sa halip na sagotin ako ay inilahad niya ang kamay niya. Tiningnan ko lang ito ng nagtataka. Hindi ito tinanggap. "S-Sumama ka sakin," minsan pang pumiyok ang boses niya.

Sumama ako sa kanya at malayo palang kami sa ER kung saan ando'n si Zion ay batid ko na kung ano ang nangyayari. Lahat ng nando'n ay umiiyak habang nakatunghay sa bintana ng kwarto.

Dahan-dahan akong lumapit do'n. Nagsitabihan naman sila para makita ko kung anong nangyari sa loob. Agad nagsilabasan ang luha ko. Impit na paghagulhol nalang ang nagawa ko habang tinanaw si Zion sa loob. Pina-pump siya at sinubukang iligtas ang kanyang buhay.

"1,2,3 CLEAR!" dinig namin mula sa loob ang boses ng doktor.

Naka-ilang bomba palang sila ay sumuko na talaga ang katawan ni Zion. Nakita ko pa ang pag-iling ng doctor saka tumingin sa kanyang relos.

"Time of death 7:26pm."

Bugso ng luha at hagulhol ang namumuo dito sa loob ng ER. Lungkot at sakit ang nangingibabaw. Pagluluksa ang bumalot buo naming pagkatao.

Parang kinunan ako ng lakas. Pati paningin ko ay nagdidilim na. Kinurap-kurap ko ang mata ko at bumalik ito sa normal pero mga ilang sandali lang ay nagdidilim na naman ang paningin ko.

"I'm sorry, ginawa na namin ang lahat pero hindi na talaga kaya ng katawan niya." nadinig ko pa ang sabi ng doktor.

Pakiramdam ko ako nalang ang naiwan dito sa gilid dahil lahat sila sinalubong ang doktor. Napakapit ako sa pader saka bahagyang hinilot ang sentido ko. Wala na talaga akong makita. Ni anino man lang ay wala na talaga.

"Precious, are you okay?" dinig kong tanong ni Rhanz na hinawakan pa ako sa balikat.

Hindi ko na rin kayang ibuka ang ang bibig ko. Ang mga tuhod ko rin ay tila nanginginig at nawalan ng lakas. Naramdaman ko pa ang unti-unti kong pagbagsak at hindi ko na alam ang susunod na pangyayari.

*******************

Hinihingal ako sa haba ng aking nilakbay. Parang pamilyar sakin ang daang ito. Luminga-linga ako pero wala akong makitang ibang tao bukod sakin. Babalik na sana ako sa dinadaanan ko nang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na tao na nakatayo malayo rito. Pinagkakatitigan ko ito at natigilan ako ng maaninag ko ang kanyang mukha.

Kinusot ko pa ang mata ko ng ilang beses dahil baka nagmamalikmata lang ako. Pero hindi talaga e, buhay na buhay siya. Nakangiti siyang naglalakad papalapit sakin. Tumatawa akong lumuluha. Patakbo ko siyang nilapitan at niyakap ng sobrang higpit.

"Zion.." umiiyak na sambit ko sa pangalan niya.

"Baby," tawag rin niya sakin at hinagkan pa niya ang noo ko.

Nakangiti akong tumitig sa kanya. "Mahal kita.." yun ang kauna-unahang nailabas ko sa aking bibig habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Mahal na mahal din kita." malambing na sabi niya saka ginulo ang aking buhok. "Baby, balikan mo ang treehouse. May malaking kahon do'n. Buksan mo 'yon at makikita mo ang isa pang regalo ko sayo. Isa iyon sa pinangarap mo dati no'ng mga bata pa tayo."

Nakaramdam ako ng excitement. "Talaga baby?" masayang sabi ko at tumango naman siya. "Excited na ako! Gusto ko ng puntahan 'yon! Tara na, baby!"

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now