Unexpected Soulmate Chapter 10

46 6 0
                                    


PRECIOUS' POV

Parang kiniyumos ang puso ko sa mga nalaman ko. Parang gusto kong gawing tanga ang sarili ko at pilit na hindi paniwalaan ang mga nakikita. Pero wala akong ibang magagawa kundi tanggapin nalang ang lahat kahit masakit. Hindi ko kailanman pinangarap na maging ito ang paraan para makita ko siyang muli.

Patuloy parin ako sa paghikbi sa kabila ng pagyakap niya sakin. Gusto kong magising na kung sakaling nananaginip lamang ako. Pero batid kong totoo lahat ito kaya mas lalo akong nasaktan.

Kumalas siya sa yakap at diretsong tumingin sakin. May luha ding dumaloy sa pisngi niya. Gusto ko mang pahiran iyon ngunit lumagpas lamang ang mga kamay ko.

"Bakit sa ganitong paraan pa kita muling makita?" umiiyak na sabi ko.

"I'm sorry.. H-Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan." umiiling na sabi niya.

"Hindi..hindi ka dapat mag sorry. Wala ka namang kasalanan e. Alam kong hindi mo rin ito ginusto, diba? Walang may gusto nito.." bumuntong-hininga pa muna ako at pinahiran ang mga luha. Bumaling ako sa laptop ko at pinalaki ang picture. "Hindi mo ba sila naaalala?" tanong ko na tinutukoy ang kasama niya sa litrato.

"Hindi ko sila maalala. May koneksyon ba ako sa kanila?" inosenteng tanong niya na nasa screen ang paningin.

"Higit pa sa salitang koneksyon para makilala mo sila. Sila ang mga magulang mo.." tumingin ako sa kanya at napatingin naman siya sakin. "Siya si tita Stacey..siya ang Mommy mo. Ito naman si tito Ralf, siya ang Daddy mo."

Tinitigan pa muna niya ang picture. Pero pakiramdam ko ay wala talaga siyang maalala. Nakakunot kasi ang noo niya.

"Masaya ba kaming magkapamilya?" tanong niya at tumango naman ako. Tumingin siya ulit sa picture.

"Masayang-masaya kayo.. mahal na mahal ka nila."

"Wala ba akong kapatid?" tanong niya ulit at umiling naman ako.

"Nag-iisa ka lang na anak nila. Kaya minsan naging mahigpit sila sayo.."

Bumuntong-hininga ulit siya na animo'y dismayado kasi hindi niya maalala ang mga magulang niya. Nakaramdam ako ng sobrang awa para sa kaniya. Kaya iniba ko nalang ang usapan para kahit papano ay mawala ang lungkot na nararamdaman namin.

"Halika, may ipapakita ako sayo.." yaya ko sa kanya. Pinaupo ko siya sa kama habang ako ay kinuha ang picture album namin sa kabinet. Kahit saan ako magpunta ay daladala ko ito.

Pinilit kong huwag maging emotional ng todo. Kasi ayokong masaktan rin siya. Gusto kong makita niya na kaya ko at pursigido talaga akong tulungan parin siya kahit alam kong masasaktan ako.

ZION'S POV (ang dating Cali)

Umupo ako sa kama niya habang nakatingin sa kaniya na may kinuha sa kabinet. Sinara pa muna niya ito bago lumapit at tumabi sakin. Inilahad niya sakin ang picture album. Binuklat niya ito at pinakita ang mga litratong nasa loob nito.

Kumunot ang noo ko habang tiningnan ang mga ito. Hindi ko kilala itong mga bubwit na 'to.

"Itong picture na 'to.. grade one tayo nito. Kinuhanan tayo ng picture ng Mommy mo dahil ang cute daw natin habang suot-suot ang uniform. Ang laki nga ng ngiti mo diyan oh!" sabi niya na tinuro pa ang picture. Medyo natawa pa ako kasi may katabaan pala ako noon. Nakaakbay ako kay Precious habang malaki ang ngiti.

"Ang cute nga.." natatawa kong sabi.

"Ito ang mas cute!" baling niya sa ibang picture. Napanganga pa ako nang makitang kinarga ko siya sa likod habang tumatawa.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now