✔US Chapter 03

81 13 0
                                    

PRECIOUS' POV


Paano ko ba ito matutulongan?


"Paano kita matutulongan kung h-hindi naman kita kilala?" sabi ko. Tumingin ako sa kanya nang hindi ako makatanggap ng sagot. Nagtataka ako dahil nakatitig lang siya sa sahig. 'Kahit gwapo ka, pang ideal type yang tindig mo. Hindi ko parin maiwasang hindi matakot sa iyo.' "Hoy, sagutin mo 'ko! Paano kako kita tutulungan kung hindi nga kita kilala?" pag-uulit ko kaya nag-angat naman siya ng tingin sa akin at umiling-iling.

"Hindi ko rin alam. Hindi ko rin kilala ang sarili ko," wika niya.

Bumuntong-hininga na lang ako dahil nakaramdam ako ng awa sa kanya. "W-wala ka bang naaalala? Kahit kaunting impormasyon tungkol sa pagkatao mo noong b-buhay ka pa?" tanong ko at pumikit naman siya na parang pinipilit niyang inaalala ang kanyang nakaraan.

Maya-maya lang ay bigla na lang siyang naglaho kaya agad din naman akong napatayo.Napalinga-linga ako at hinanap kung saan siya napunta. Pinasok ko pa ang banyo at closet pero wala siya. Bumalik ako sa kama ko at pinapakiramdaman kung may kakaiba bang nandito sa paligid at may nararamdaman naman ako.

"Hoy! M-magpakita ka na!" mahinang sigaw ko na nilibot pa ng tingin ang buong paligid dito sa kwarto.

Napaigtad naman ako saka napahawak sa dibdib nang bigla siyang lumitaw at do'n pa rin siya nakatayo sa gilid ng side table ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Nagtataka na naman ako kung bakit gano'n na lang ang itsura niya.

"Babae. May nakita akong babae," mahinang usal niya dahilan para mamuo na naman ulit ang takot ko.


"Saan?" agad na tanong ko habang napalinga-linga. Malay ko ba kung may kasama siya tapos hindi ko nakikita dahil hindi siya mabuting espiritu.


'Lord? Huwag niyo po akong pababayaan ha? Promise po, tutulungan ko talaga 'tong kaluluwang pinagkaloob mo sa akin. B-basta po ilayo nyo lang po ako sa masasamang espiritu!'


"Sa alala ko," maya-mayang sambit niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko andito iyong sinabi niyang babae, sa alaala lang pala niya.


"Sino? Kilala mo ba? Sabihin mo sa akin para m-mahanap na natin siya! Baka siya y-yung makapagsabi sa atin kung sino ka,"


"Hindi ko siya kilala, nakatalikod siya kaya hindi ko nakita ang mukha niya. Batang babae at sigurado akong kilala ko siya noon." Kunot-noong sabi niya at para naman akong nanlumo dahil kahit pa may naalala na siya, ey wala din namang silbi kasi hindi rin niya alam kung sino ito.

"Mahirap nga 'to," bulong ko na lang sa isang gilid.

"Please, tulungan mo 'ko!" aniya na bahagya pang lumapit sa akin.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now