Unexpected Soulmate Chapter 15

39 5 0
                                    


PRECIOUS' POV

NAGISING ako at laking gulat ko nang inilibot ang paningin ko sa kabuuang kwarto ay puting-puti ito at pati itong hinihigaan ko ay puti na rin. Gusto kong bumangon ngunit hindi ko magawa.Tila wala akong sapat na lakas para igalaw ang katawan ko.

'Nasa langit na ba ako?'

Nalungkot ako sa sarili kong naisip. Ayoko pang mamatay dahil kailangan ko pang makita at matulongan si Cali. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagmulat ulit. Pero ganoon parin ang nakita ko. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay sa abot ng makakaya ko at laking pasasalamat ko naman na nagawa ko ito.

Nabalik lang ako sa reyalidad nang magbukas ang pinto ng kwartong ito. Bumungad doon ang hindi pamilyar na mukha. Hindi ko ito kilala at parang sa tingin ko ay magkasing-edad lang kami. Isang lalaki na may katangkaran, maputi, matangos yung ilong niya, may kaliitan ang mga mata, sakto ang pagkahugis ng labi niyang mapupula. Gwapo siya at parang artistahin ang dating. Naka-plain t-shirt siya at faded skinny jeans.

Tinitigan ko siya hanggang sa inilapag niya sa mesa ang mga dala niya na sa pagkakaalam ko ay mga pagkain iyon. Lumapit siya sa gawi ko at tiningnan ako ng blanko.
Nangunot ang noo ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

"You're awake, finally.." sabi niya na blangko paring tumingin sakin. Nakapamulsa siyang lumapit sa gilid ko.

"W-Who are you?" nanghihina parin ako nang tanongin ko siya.

"I should be the first to ask you that." aniya kaya napabuntong-hininga ako.

"Precious.. Precious ang pangalan ko."

"Nice name.." tatango-tango pa siya.

"And you are?"

"Rhanz Khen.." nakangiting aniya.

"R-Rhanz.. n-nasaan ako?" nagtatakang tanong ko na inilibot pa ang paningin sa buong kwarto.

"Nasa hospital ka." kalmadong aniya na umupo sa couch.

"Bakit? Anong nangyari sa'kin?" nagtatakang tanong ko dahil wala talaga akong maalala kung bakit ako napunta dito.

Ikweninto niya sakin ang mga nangyari mula noong natumba ako sa gilid ng kalsada hanggang sa binuhat niya ako.

"Dinala kita rito kasi parang hindi ka na humihinga e.. Sabi ng doctor mo, malapit ka na daw maubusan ng tubig diyan sa katawan mo at dulot daw rin ito ng pagpapalipas mo ng gutom. Buti nalang daw at nadala kita rito." mahabang paliwanag niya. Nakatingin lang ako sa kanya at nakinig. "Totoo bang nagpapalipas ka talaga ng gutom? Pati pag-inom ng tubig?"

Nagbaba ako ng tingin saka napahiyang tumango. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.

"Nagdala ako ng pagkain.." sabi niya sabay lapit sa mesa at binuhat iyon papalapit sakin. "Kumain ka ng marami para mabawi mo na ang lakas mo."

Pinagsalinan niya ang plato ko ng pagkain. Halos lahat ay gulay at talagang ayoko naman sa gulay. Tiningnan ko siya habang patuloy parin sa pagsasalin.

"Why did you do this?" biglang tanong ko dahilan para matigilan siya at mapatingin sakin.

"What?" balik tanong niya na animo'y hindi alam ang tinutukoy ko.

"Hindi mo ako kilala, right? Tapos hindi mo rin naman ako kaano-ano.."

Bumuntong-hininga pa muna siya bago magsalita. "Yes, hindi nga kita kilala and hindi rin kita kaano-ano but still I can take care of you. Hindi ako gagong tao na papabayaan nalang ang isang tao na nangangailangan ng tulong ko." sabi niya at pinagpatuloy ang ginawa. Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga. Napayuko ako sa kahihiyan at hindi na makatingin sa kanya.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now