Unexpected Soulmate Chapter 18

43 5 0
                                    


PRECIOUS' POV

IPINARK ko ng maayos ang kotse saka pumasok sa hospital. Aakyat na sana ako nang mahagilap ng paningin ko si Rhanz na nakaupo sa couch sa may lobby. Kaya agad akonh lumapit sa kanya.

"Rhanz?" tawag pansin ko dito. Nang lumingon siya at nakita ako ay agad siyang tumayo.

"Ba't ngayon ka lang?" nahihimigan ng pag-aalala ang tinig niya. Hindi ko alam kung saan siya nag-alala, sakin ba o sa kotse niya.

"I'm sorry.." yan lang nasabi ko dahil ayokong sabihin sa kaniya kung ano ang ginawa ko dahilan para matagalan ako.

"Nag-alala ako..kami sayo. Ang aga mong umalis tapos ngayon ka lang bumalik. Nag-alala ako dahil alam kong hindi ka nag-lunch at baka maulit yung nangyari sayo.." bakas talaga sa mukha niya ang totoong nag-aalala. Nagbaba naman ako ng tingin.

"Sorry.." yun lang ulit ang lumabas sa bibig ko.

"Halika, kumain muna tayo." hinila niya ako bigla. Napatingin naman ako sa kamay ko na hinawakan niya. Gusto ko sanang bawiin ang kamay ko ngunit ganoon nalang ka higpit ang pagkahawak niya.

Dinala niya ako sa isang restaurant malapit sa hospital. Siya na rin ang umorder ng pagkain namin. Pilit ko nalang hindi binigyan ng ibang meaning ang mga inakto niya ngayon.

Tahimik lang kaming kumain. Tanging nasa pagkain lang ang paningin ko. Sobrang naiilang na ako sa katahimikang bumalot sa amin.

"Nailipat na si Zion sa private room. Sabi ng doctor, may improvement na daw siya." sabi niya habang pinunasan ang sariling labi ng tissue.

"May senyales na bang magising siya?"may halong pag-asang tanong ko. Ngunit ganoon nalang ang pagbagsak ng balikat ko nang umiling siya.

"Hindi sinabi ng doctor.." malungkot na sabi niya.

Nawalan ako ng gana bigla. Uminom nalang ako ng tubig at pinunasan ang bibig. Hindi ko na ginalaw ang pagkain ko.

"Are you okay?" nag-alalang tanong niya na bahagya pang sinilip ang mukha ko.

"Busog na ako.." pilit na ngiting nasagot ko.

"Ang kunti lang ng kinain mo.." niya, tiningnan pa ang natira kong pagkain.

"Pasensya na, busog na talaga ako.."

Bumuntong-hininga siya at suminyas sa waiter. Umorder siya ng pagkain para e take-out niya.

Nang papasok na kami sa hospital ay naramdaman ko ang pagiging tahimik niya.

"Rhanz?" tawag ko dito habang paakyat kami sa floor kung saan ang room ni Zion.

"Hmm?" nakayuko lang siya at hindi ako tiningnan.

"Sinong nagbabantay kay Zion ngayon, do'n?"

"Si Eunice.." maikling sagot niya.

"Si tita.. pumunta ba siya dito?" tanong ko ulit.

"Hmm.." sabay tangong sambit niya. "Pero agad din siyang bumalik sa resthouse nila. Tutulongan niya daw kasi si tito Ralf na asikasohin ang inihaing kaso para sa bumangga kay Zion."

Tango lang ang naisagot ko. Tahimik na kami ulit habang naglalakad sa lobby papuntang kwarto.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya diretso akong pumasok at sumalubong sakin agad ang mataray na tingin ni Eunice. Sa halip na tarayan siya pabalik ay nginitian ko siya kaya pairap niyang iniwas ang tingin niya sakin.

Unexpected SoulmateOnde as histórias ganham vida. Descobre agora