✔US Chapter 04

73 11 9
                                    

CALI'S POV (ang kaluluwa)

Bumaba na si Precious para mag-agahan at naiwan ako dito sa kwarto niya. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto hanggang sa dumapo ito sa mga litrato na nakapatong sa mesa. Napatitig ako rito na tila ba'y may nagtulak sa akin na lapitan ito. Diretso ang paningin ko sa litrato na nasa gitna at nakita ko ang batang lalaki na nakaakbay sa isang batang babae. Mataba ang lalaki at sakto lang din ang katawan ng babae. Wala sa sarili akong napangiti sa hindi ko alam kung ano ang dahilan.

"Ang cute nilang dalawa,"

Ilang sandali ko ring tinitigan ang larawan. Maya-maya lang ay tumayo ako at muling lumapit sa may bintana. Nakikita ko ang mga halaman sa likod ng bahay nila. Mahilig kaya ako sa mga halaman noon? Bakit kaya si Precious ang nakatakdang tumulong sakin? Magkakilala kaya kami noon? Pero kung magkakilala kami, bakit hindi niya ako kilala? Hindi naman siguro nagbago ang itsura ko.

Unang araw ko na ito dito sa lupa pero wala parin ni kahit isang hakbang para magawa ang misyon. Hindi rin alam ni Precious kung paano niya ako tutulongan pero hindi ako dapat mawalan ng pag-asa dahil alam kong may mahalagang dahilan si taga-bantay kung bakit si Precious ang itinakda niya para tumulong sakin.

"Nandyan ka pa rin nakatayo?" Napalingon ako nang magsalita si Precious.

"Hindi naman, sadyang sakto lang pagdating mo na dito na ulit ako nakapwesto," nakangiwing wika ko. Umupo naman siya sa kama niya at humarap sa gawi ko.

"Wala akong maisip na ibang paraan para masimulan na natin ang misyon mo," seryoso siya sa sinabi niya. "Hindi ko naman pwedeng ipagsabi na nakikita kita, iyang kaluluwa mo. Baka may gagawin pa silang masama laban sayo," aniya at may nakita akong lungkot na sumilay sa mga mata niya.

"Huwag kang mag-alala ng sobra sa akin. Hindi naman kita sisisihin kung sakaling hindi ko magawa ang misyon ko." Pinakita ko sa kanya ang sinseridad ko.

Bumuntong-hininga naman siya at saka nag-angat ng tingin sakin. "Hindi pwede! Kailangang magawa mo ang misyon mo. Gagawin natin lahat para magawa mo yion," parang galit na sabi niya pero napangiti nalang din ako sa huli.

"Gustong-gusto ko rin sana kaso paano? Wala naman tayo parehong alam t-tungkol sa pagkatao ko no'ng buhay pa ako."

"'Yun nga ang problema e," malungkot na sabi niya.

"Palagi ko ngang tinatanong sa sarili ko kung paano nga ba ako namatay? Sa anong dahilan bakit ako namatay?" kunot-noong sabi ko.

"Tama!" biglang sigaw niya at gulat naman akong napatingin sa kanya.

Sabay kaming napalingong dalawa sa pinto nang marinig namin ang sigaw ng kuya niya. Nakita ko naman kung paano nanlaki ang mga mata ni Precious at napatakip sa bibig habang nakatingin sakin at bumaling ulit sa pintuan.

"A-ahh, may kausap lang po ako sa phone, kuya!" pagsisinungaling niya habang nasa akin ang kanyang paningin.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now