30

37 2 0
                                    

A month has passed....

Haylee's POV

      Finally! Tomorrow will be our graduation day. After ng ilang taong disaster ay makaka-graduate na kami. Gano'n pa rin naman, walang nagbago kay Yohan. Still the sweetest man ever! Even we're both busy, naglalaan talaga kami ng oras para sa isa't isa. Pahinga namin ang isa't isa sa sobrang nakakapagod na paligid.

     Nandito kami ni Yohan ngayon sa mall at inaantay ang anim para bumili ng susuotin namin bukas. I'll buy a purple dress para naman mukha akong tao bukas. Anyway highways, after a very long time waiting for them, dumating na silang anim. Agad kaming naglakbay lakbay sa mall, mabuti na lang ay nakakita agad ako ng purple na dress kaya naman binili ko ito agad. Sinamahan ko namang mamili ng t-shirt di Yohan dahil hindi niya raw alam kung ano ang bagay na kulay sa kaniya.

Kulay kulay ka pa riyan veh, ako lang naman bagay sa'yo :))

Nakita ko naman ang simpleng t-shirt na kulay yellow at sakto namang kasing size niya ito. Stretchable rin naman daw yung sa braso kaya kahit malaki biceps niya kasya pa rin. Bumili rin siya ng maong pants niya at bagong sapatos na kulay white.

Parehas kaming dalawa na mahilig sa white shoes para sa outfits namin, super bagay kasi sa lahat ang puting sapatos.

Nang matapos kaming mamili ay nagpaalam naman kaming gagala-gala muna kaming dalawa sa mall at magkita-kita nalang sa parking lot o 'di kaya'y mag text kapag tapos na sila. Nag-ikot-ikot kaming dalawa hanggang sa marating namin ang bilihan ng mga stuffed toys. Nakapagtataka dahil busy si Yohan kakahanap ngayon ng stuffed toys samantalang hindi naman siya mahilig sa mga ganito, ano na dis? Nagkabaliktad na ba ang mundo namin?

"There you go, Haylee!!! Look!!" Excited nitong sabi at ibinigay sa akin ang isang stuffed toy na SpongeBob at isang stuffed toy na Patrick Star.

"Wow ha, ang tagal naghanap nito" natatawa kong sabi sa kaniya.

"Better hanap-hanap than nothing" sagot nito sa akin at kumindat

Luh, ang gwapo! Pakurot nga.

Binayaran na niya sa counter ang stuffed toys at nagpatuloy na kami sa pag-ikot-ikot sa mall. Kumain-kain lang kaming dalawa at nang makaramdam na ng pagod ay napag-desisyunan na naming dalawa na pumunta na sa sa kotse para antayin ang anim.

Nang makarating na kami sa kotse ay nanatili lamang kaming tahimik nang magpatugtog si Yohan ng mga K-pop Songs. Nag-video lang kami habang sinasabayan ang bawat kanta ngunit hindi na ito inilagay sa story namin. Ilang saglit lamang ay nag-text na rin sila Dylan na tapos na silang mamili kaya naman agad na kaming umayos para makauwi na rin. Nakarating na ang anim kaya naman nagsimula na silang mag-drive pauwi.


      Dahil nga magkakaiba naman kami ng way pauwi, matapos naming mag hiwa-hiwalay ay dumaan kami ni Yohan sa Drive Thru ng Mcdo para bumili ng pagkain namin para mamayang gabi. Hindi naman nagtagal at nakauwi na kaming dalawa. Nanatili lamang kaming tahimik habang nag-aayos ng mga gamit namin nang biglang may mag-door bell. Nagprisinta na si Yohan na siya na ang magbubukas kaya't nagpatuloy na lamang ako sa pag-ayos ng gamit ko. Matagal-tagal rin bago bumalik si Yohan kaya naman sumunod na akong lumabas para tignan kung ano at sino ba ang naroon.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong isang babae ang kausap ni Yohan sa gate, hindi ko maaninag ang mukha nito sapagkat may kadiliman sa pwesto nilang dalawa. Tinignan ko lamang silang dalawa habang nag-uusap.

Wow ha, tuwang tuwa siya habang kausap yung babae. Eh 'di kayo na, saraduhan pa kita riyan eh.

Nang hindi na makatiis, pumasok na ako sa loob ng bahay para mag-ayos-ayos ng mga gagamitin ko bukas. Habang nag-aayos ay hindi ko maiwasang tumingin sa bintana kung saan ay natatanaw ko silang dalawa na mag kausap, sino naman kaya yon? 

Together, Forever.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora