22

39 4 0
                                    

Yohan's POV

      Maaga akong nagising para maghanda sa event na magaganap sa university mamaya. Nagluto ako ng almusal namin ni Haylee saka ginawa ang morning routine ko. Natapos ko nang gawin ang morning routine ko ngunit hindi pa rin bumababa si Haylee kaya naman naispan ko nang gisingin siya dahil baka ma-late pa siya. Nag-text na rin si Rjay na sabay-sabay na kaming walo pumasok at aantayin daw kami sa mcdo. Kinatok ko ang pinto ni Haylee ngunit walang nasagot kaya naman pumasok na ako. Nakita kong masarap pa ang tulog nito dahil napuyat din siguro kagabi.

Nang maalala ko na iniscreenshot niya ang picture ko ay agad naman akong nangiti. Tinapik ko na si Haylee upang magising ito.

"Hmmm?"

"Gising na, baka malate tayo sa event." Sabi ko naman at unti-unti naman siyang dumilat at ngumiti sa akin.

"Bangon na ha, antayin kita sa kusina." Sabi ko naman at tumango naman siya.

Pumasok na ako sa kwarto para magbihis na. Nagsuot lang ako ng beige na polo, black jeans at puti kong sapatos. Matapos kong magbihis ay agad na akong bumaba sa kusina para antayin si Haylee.

Haylee's POV

      Ngumiti-ngiti na lang ako kay Yohan kanina pero hindi pa ako naka move on sa nakita niya :D. Agad na akong bumangon matapos niyang lumabas sa kwarto ko at pumunta sa banyo para gawin ang morning routine ko. Nang matapos ko itong gawin ay agad na akong pumasok sa kwarto ko para pumili ng damit.
      Isinuot ko ang black na top ko, beige na pants at white na sapatos. Kinuha ko ang white ko na sling bag at inilagay ang wipes, wallet, cellphone at iba pang kakailanganin ko. Matapos kong kunin ang gamit ko ay bumaba na ako sa kusina para kumain. Nang makababa ako ay napanguso na lang ako dahil nakita kong nakangiti si Yohan sa phone niya. Sino na naman kayang kausap niya? Hindi ko na siya inistorbo at nagsimula na agad akong kumain. Agad naman niya akong napansin at inilapag sa lamesa ang phone niya.

"Ang ganda mo." Ani nito ngunit hindi ko siya pinansin.

"Bakit hindi ka namamansin?" Takang tanong nito sa'kin, hindi ko naman siya tinignan at umling lang ako.

"Oo nga pala,  sabay na tayo. Hihintayin daw tayo nung anim sa mcdo." Sabi naman nito at tumango ako.

Natapos na kaming kumain kaya naman ako na ang nagprisintang mag-ayos ng mga pinagkainan namin at inihanda naman niya ang kotse sa labas. 

Nang matapos akong mag-ayos ay nakita kong nakaabang na siya sa pinto ng kotse niya. Agad naman niya akong pinagbuksan ng pinto at inalalayan papasok sa kotse niya. Nang makasakay naman ako ay agad siyang nag-drive kaya naman inilabas ko ang earphone ko at nakinig nalang ng music hanggang sa makarating kung saan kami magkikita-kita Nauna na siyang bumaba sa kotse at pinagbuksan niya akong muli ng pinto, agad naman akong pumasok sa loob ng mcdo at naramdaman ko namang sumunod si Yohan sa akin.

"Naks! Couple na couple ah, paniguradong mahihila kayo sa marriage booth mamaya." Pang-aasar ni Sydney at tumawa naman sila. 

Ngumiti lang kami ni Yohan at umupo.

"Hindi kayo kakain?" Tanong ni Maeriel sa amin.

"Kumain na kami bago kami umalis ng bahay." Sagot naman ni Yohan.

Nag-phone na lang muna ako habang inaantay silang matapos kumain, gano'n din naman si Yohan. Nag-scroll-scroll muna ako sa instagram ko at naisipan ko namang magpost din ng picture dahil tatlo pa lang ang post ko rito. Pinicturan ko ang singsing na bigay ni Yohan sa akin noong nandoon pa kami sa magandang lugar kaya naman iyon ang naisipan kong ipost.

Thank you!🥰

Napangiti naman ako ng mai-post ko ito saka ko naman inilabas muli ang earphone ko para manood lang mga random videos.

Together, Forever.Where stories live. Discover now