34

40 2 0
                                    

Haylee's POV

      Matapos ang halos dalawang oras na byahe ay nakarating 'ko sa New York City. Sumakay na ako para puntahan ang address ni Yohan. Nakarating naman ako agad dito dahil mabilis lamang matunton ito. Sakto namang nakabukas ang pinto kaya naman dinahan-dahan ko itong buksan at nanigas ako ng makita ko ang nangyayari roon.

Palapit nang palapit ang mukha ni Yanna kay Yohan habang nasa kama silang dalawa, tumulo naman ang mga luha ko nang makita ito. Hindi ko naman napigilan ang kamay ko kaya agad akong lumapit kay Yanna na nakapatong ngayon kay Yohan at hinila ang buhok nito.

Uubusin ko buhok mo, tangina wala akong pakialam kahit mapanot ka.

"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko sa kaniya at agad itong sinampal.

"Ouch!" Sigaw nito.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw muli ni Yanna habang nagpupumiglas kaya naman lalo ko pang hinila ang buhok niya at muling sinampal.

"Huwag mo akong artehan kasi kahit pa gaano ka katanda malandi ka pa rin, hayop ka!" Sigaw ko sa kaniya at muli na naman siyang sinampal.

Akmang gaganti siya ng sampal ngunit hinawakan ni Yohan ang kamay nito upang pigilan at tinignan siya ng masama.

"Ikaw! Isa ka pa! Magsama kayo, mga putangina kayong lahat!" Sigaw ko kahit pa nanghihina na ako dahil sa nakita ko.

"Let me explain, baby." Pagpipigil ni Yohan sa'kin.

"Kitang-kita ng dalawa kong mata, 'wag mo na akong lokohin!" Sigaw ko sa kaniya at agad na lumabas sa kwartong 'yon.

Yohan's POV

Fuck

"Kasalanan mo 'to! 'Pag may nangyari sa girlfriend ko asahan mong hindi na kita kilala at makukulong ka habang buhay!" Sigaw ko kay ate Yanna dahil sa lubos na galit.

Hinabol ko ka-agad si Haylee at wala na akong pakialam kahit pa madaming nakatingin sa amin.

"Haylee!" Tawag ko sa kaniya ngunit hindi siya lumilingon.

Nagulat naman ako nang makitang may tumigil na kulay itim na kotse sa harap niya at agad siyang tinakpan sa bunganga ng panyo at kitang-kita ko kung paano siya kunin ng mga ito.

Puta!

Hindi ko agad nahabol sapagkat napakalayo ng agwat naming dalawa.

Tangina!

Sinubukan kong hanapin kahit pa nakasakay ako sa kotse ko. Ngunit wala na akong nakitang sasakyan na gano'n, tangina talaga. Wala na akong nagawa kundi umiyak dahil sa nangyari, hindi ko alam kung papaano hahanapin si Haylee.

Ngunit nakita ko ang isang mukha ng lalaking nakangiting aso sa akin bago pa man din sila umalis.

Raven.

Hindi parin talaga sila tumitigil mga putangina. Hindi ko sinubukang i-ring ang phone ni Haylee dahil baka makuha sa kaniya ito.

Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung anong gagawin ko, paano ko hahanapin, saan ko hahanapin, kanino ako hihingi ng tulong? Putangina!

Nandito pa rin si Yanna sa condo ngunit dahil sa galit ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Bakit ba ang landi mo?! Hindi na ikaw yung ate ko na nakilala ko! Akala ko ba okay na ha? Akala ko ba maayos na?! Bakit ang landi mo pa rin talaga?! Tignan mo nangyari ngayon!" Sigaw ko sa kaniya.

"M-mas matanda pa rin a-ako sa'yo, Y-yohan!" Sigaw niya pabalik ngunit wala akong pakialam.

"Wala akong pakialam kahit pa matanda ka! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nadukot si Haylee! Tingin mo kanino ako hihingi ng tulong ha? Paano ko hahanapin girlfriend ko?! Saan ko hahanapin girlfriend ko!? Putangina naman, Yanna!" Sigaw ko sa kaniya.

Together, Forever.Where stories live. Discover now