26

41 4 0
                                    

Haylee's POV

      Tinanghali na kami ng gising ni Yohan dahil na rin sa pagod naming dalawa sa concert. Nag-order na lang kami ng pagkain namin dahil wala na rin oras para magluto. Napagdesisyunan naming dalawa na maglinis muna dahil magre-review lang kami sa mga susunod na araw.

"Punta ako sa mall later, may bibilhin lang." Paalam ko kay Yohan.

"Sama ako." Sabi nito, hindi na ako tumanggi pa at nagpatuloy lang sa paglilinis.

Matapos namin maglinis ay nagpahinga muna kaming dalawa bago maligo at mag-ayos para makaalis na. Ilang minuto rin ang lumipas matapos namin magpahinga ay natapos na kaming maligo.

"Tara?" Pag-aaya ni Yohan sa'kin at tumango naman ako.

As usual, pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang sumakay sa kotse niya. Habang nasa biyahe kami ay nanatili lamang kaming tahimik dahil iniisip ko na rin ang mga dapat reviewhin sa upcoming exam namin.

"Ano nga pala bibilhin mo?" Nagulat naman ako nang tanungin niya ako, nasa parking lot na pala kami ng mall hindi ko man lang namalayan.

Inalalayan niya akong bumaba at napatingin naman ako sa kaniya. Grabe, ang gwapo. Nagulat na lamang ako dahil iwinagayway niya ang palad niya sa mukha ko.

"A-ano, ano tawag do'n?" Sagot ko dahil nakalimutan ko kung ano nga ba ang bibilhin ko.

"Ano?" Takang tanong niya sa akin.

"Nakalimutan ko." Sabi ko naman at napakamot sa batok.

"Hindi mo ba nilagay sa notes? I'm sure nilagay mo 'yon, check your phone." Ani nito saka ko naalalang inilagay ko nga pala sa notes ang mga bibilhin ko.

"Oh, yeah right. Buti pinaalala mo." Sabi ko naman at kinuha ang phone ko para tignan ang mga bibilhin ko habang papasok sa mall.

---

-extra notebook (for reviewer, all subj)
•Mahilig kasi ako magsulat kapag nagrereview, hindi ko lang alam sa iba. Mas naalala ko rin kasi kung sinusulat ko kaya 'yon ang way of reviewing ko.

-extra ballpen
•Mahirap na, baka maubusan ng tinta ballpen ko.

-highlighter(2-3 colors)
•Para kapag tinamad na ako mag sulat, magh-highlight na lang ako. Actually, hindi ko talaga ugali maghighlight pero gusto kong mas iimprove yung pagre-review ko.

-organizer
•Mas maguguluhan ka habang nagrereview kung hindi naka=organize yung gamit mo.

-chocolate
•Pangpahyper, sabi rin kasi nila pag kumain ka ng chocolate before exam maalala mo lahat ng ire-review mo. Uto-uto ako kaya gagawin ko.

-Coffee
•Matinding puyatan ang pagre-review kaya kailangan ng matapang na kape.

-food^-^
•hindi pwedeng mawala ang pagkain dahil habit ko na ring kumain habang nagrereview.

      Nag-ikot-ikot lang kami ni Yohan at matapos kong bilhin ang kailangan ko ay pumunta naman siya sa Jo Malone para bumili raw ng pabango niya. Sus! Kahit hindi naman siya magpabango ay mabango pa rin talaga siya. Matapos niyang bumili ng pabango at bago niyang damit ay dumaan muna kami sa dairy queen dahil gusto niya raw ng ice cream ngayon, parehas kami ng thoughts.

Binilhan niya rin ako ng ice cream ko at habang kinakain namin ang ice cream namin ay dumaan na din kami sa Mcdo at Jollibee para bumili ng meryenda at pang hapunan mamaya. Hindi pa nakuntento si Yohan sa Jollibee at Mcdo dahil gusto niya rin daw ng fries ng KFC.

Yung totoo, ba't ang daming cravings nitong lalaking 'to?

Pagkatapos namin bumili ay pumunta na kami sa parking lot at nag drive na siya pauwi dahil may mga aayusin din daw siya. Agad naman kaming nakauwi sa bahay kaya naman nauna na akong umakyat sa kwarto ko para ayusin ang mga bagay-bagay na kailangan kong ireview bukas. Kumuha ako ng sticky note ko at isinulat ang mga dapat kong ireview, nilagyan ko rin ng oras ang mga ito dahil hindi naman pwedeng sunod-sunod kong ireview ito. May posibilidad na maghalo-halo ang nasa utak ko at baka mamental block pa ako during the exam.

Binilisan ko lang ako pag-aayos ko ng mga irereview ko at lumabas na ng kwarto dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Wala naman sa sala si Yohan kaya naman agad akong pumunta sa kusina para magtimpla ng juice at inilabas ang fries galing sa KFC pati na rin yung isa pang binili na pagkain. Binilhan niya rin ako ng sa akin dahil hindi raw sapat sa kaniya ang isa, paano pa kung maghahati kami diba? Umakyat na ako ulit para katukin si Yohan at ayain mag meryenda.

"Do you need anything?" Tanong ni Yohan nang buksan niya ang pinto.

"Tara, meryenda na tayo." Pag-aaya ko naman sa kaniya.

"Sige, sunod ako tapusin ko lang 'tong inaayos ko rito." Sagot niya sa akin at ngumiti.

Nginitian ko na lang din siya at tumango saka ako nagtungo sa sala. Matagal tagal ding nag-ayos si Yohan sa kwarto niya at mabuti na lang ay dumating na siya bago pa man tuluyang mawalan ng lamig ang juice na tinimpla ko.

"Ang tagal ko ba? Sorry." Paumanhin niya.

Hindi ka naman matagal, hindi nga nainip yung juice sayo oh kaya nga wala na halos yung lamig kasi hindi siya nainip😊

"Hindi naman, kain na tayo. Baka gutom ka na rin." Pag-aaya ko naman sa kaniya saka kami nag simulang kumain.

Mabilis lang kaming natapos kumain dahil na rin siguro sa gutom at pagod sa pag-aayos. Napagdesisyunan naming dalawa na manood na lang muna ng kahit anong c drama o k drama dahil bored kami, para rin hindi gaanong mapressure yung utak ko dahil sa pagrereview bukas.

*tips ni bHoxZ HaYlEe MapAgMaHaL 'pAg mAg ReReVieW*

- 'wag ka sa masyadong maingay na lugar.
- iwasan mo yung mga bagay na makaka-distract sayo habang nagrereview at ang pinaka example na diyan ang gadgets.
- magfocus sa topic at sa mga mahahalagang bagay, paulit-ulit mong basahin o kaya naman intindihin mong mabuti binabasa mo para once na nasa exam ka mabilis mong maalala.
- 'wag ka masyadong magreview, hindi yung literal na 'wag masyado magreview. Take a break then review ulit, take a break ulit tapos review ulit. Dapat chill ka lang muna habang nagrereview para hindi gaanong mapressure yung utak mo.
- *hindi ko alam kung lahat ba tayo ganito pero ganito ako* 'wag mo ipressure sarili mo sa upcoming exam, basahin mo lang like reading a pocket book or wattpad story. Kasi panigurado mamemental block ka talaga.
- iwasan makipagdaldalan sa kung sino mang kasama mo.
- organize everything, 'wag kang magulo mag-review diretso mental block kung magulo ka mag-review.
- 'wag masyado mag puyat, iwasan mag puyat hangga't maaari.
And last but not the least....
- 'wag lang sa bahay mag review, kung madami pang oras sa school niyo para mag-review i-recall mo lahat ng lesson na ni-review mo. *depende pa rin 'to kasi yung iba hindi na nagre-review sa school kasi name-mental block lalo pagdating ng exam.*

---------------------------------------------------------

      Nanood lang kami nang nanood ni Yohan at malalim na ang gabi nang matapos namin ang lahat ng episode ng k drama na pinanood namin. Mabuti na lamang at kumain na kami habang nanonood kaya naman dumiretso na ako sa banyo para gawin ang night routine ko. Gano'n din ang ginawa ni Yohan kaya naman nang makalabas kami sa cr ay hindi na ako nagulat ng halikan na naman niya ako sa noo bago ako pumasok sa kwarto ko. Ngumiti lang ako sa kaniya at ngumiti naman din siya pabalik.

"Goodnight." Sabi ko at ngumiti

"Goodnight, pahinga ka ng mabuti." Sabi rin ni Yohan sa akin at ngumiti.

Pumasok na ako sa kwarto dahil sobrang bilis na naman ng pagtibok ng puso ko. Humilata ako sa kama ko at tumulala sa kisame ng maalala ko ang tingin ni Yohan sa akin kahapon.

Meengget keye seken kenentehen eke.
(Mainggit kayo saken kinantahan ako.)

Inopen ko naman ang phone ko para panoorin ang pagkanta ni Yohan sa akin, simula ng gabing iyon ay lagi ko nang pinakikinggan ito dahil mas nakakatulong ito na makatulog ako agad.

--------

Pagtingin ko sayo'y unti unti nang nababago.
Tama nga ba ito?
Sigurado na ba ako rito?

Hindi ko pa rin alam kung totoo.
Pero sana ay hindi ito isa sa mga panaginip ko.
Itatago ko pa rin dahil hindi pa rin makasiguro.

-Haylee.

Together, Forever.Where stories live. Discover now