8

65 3 0
                                    

Haylee's POV

      Ala una na ng hapon nang ako ay magising, grabe 'di ba? Bago ko gawin ang mga gagawin ko ay chineck ko muna ang temperature ko, kanina bago umalis si Yohan dito sa kwarto ko medyo mainit pa ako eh. 36.9 na, pwede na ako ulit gumala! Hindi muna ako naligo, nagpunas-punas muna ako at nagpalit ng damit. Nang matapos ko gawin ang mga gawain ko ay bumaba na ako para kumain. Nang bumaba ako sa kusina ay may nakahanda ng pagkain, sa palagay ko ay kaninang umaga pa 'to nakahain. May nakalagay na sticky note rito kaya naman agad ko itong binasa.

'Goodmorning, eat your breakfast and don't forget to take your meds! Getwell soon, my Princess!'

Kailan pa naging princess pangalan ko?

Para sa'kin ba talaga 'to?

Baka may babae pala akong kasama rito?

Hindi kaya nagdala siya ng babae rito?

Kaya ba siya natulog sa kwarto ko dahil nasa kwarto niya yung babae??

Sunod-sunod ang tanong na pumasok sa isip ko kaya naman agad na akong umakyat sa kwarto niya para icheck kung may babae ba. Nang maka-akyat ako ay wala namang tao sa kwarto niya, tinignan ko pa ang dalawa pang kwarto dahil baka doon siya pinatulog ni Yohan. Ang kapal naman ng mukha niyang magdala ng babae rito, sinamantala habang 'di ako bumababa! Wala namang tao ro'n sa dalawang kwarto. Sino yung Princess?

Para sa'kin kaya yung pagkain?

Hayaan mo na nga, wala naman na yung Princess. Ako na lang kakain, 'di man lang niya binawasan 'yon. Sayang hinanda ni Yohan kaya ako na lang kakain. Habang kumakain ako ay iniisip ko kung sino yung Princess, siguro yung nasa mall 'yon. Kunwari pa siya, dadalhin niya rin pala rito. Matapos kong kumain ay hinugasan ko na agad ang mga ginamit ko at dumiretso sa sala para manood. Ilang minuto lang ay dumating na si Yohan, nang makapasok siya rito sa loob ng bahay ay hindi ko lang siya pinansin.

"Hey, kamusta pakiramdam mo? Are you feeling better? Did you drink your medicine?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Okay na 'ko, katatapos ko lang kumain at uminom ng gamot." Sagot ko.

"Bakit ang sungit mo?" Tanong nito.

Hindi ko naman siya sinagot at nanood sa tv.

"Hey" tanong nito at tumabi sa akin.

Tinignan ko lang siya at tinaasan ng isang kilay.

"Bakit mo ako sinusungitan kako?" Tanong niyang muli at inilagay sa center table ang dalawang chicken fillet at dalawang bff fries.

Sakin kaya yung isa??

"Yes, the other one is yours." nagulat naman ako dahil dito.

"Ha?" Patay malisya kong tanong.

"Sus! 'Wag mo na ako sungitan, binili ko talaga sa'yo 'yan." Sabi nito at pinisil ang pisngi ko.

Agad naman akong nangiti dahil dito. Nagsimula naman na kaming kumain at naisipan kong banggitin yung Princess.

"Yohan.." tawag ko sa kaniya.

"Yes? Do you need anything?" Mabilis na sagot nito.

"Ano kasi, hindi kinain ni Princess yung niluto mong agahan kanina. Ako na lang kumain para hindi sayang, hehehe." sabi ko.

"Ha?" Takang tanong nya.

"Huwag ka na mag-maang-maangan, ano ba hindi naman kita isusumbong kila tita na nagdala ka ng babae rito eh hehe" sabi nito.

"Ha??" Tanong niyang muli. Nagulat naman ako nang bigla syang ngumiti sa akin at mukhang natatawa.

"Bakit ka natatawa? Gusto mo isumbong kita?" Pagbabanta ko.

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon