17

43 4 0
                                    

Sydney's POV

      Nagising kami ni Rjay at nakita naming mahimbing ang tulog ng anim naming kasama, lalong lalo na sina Haylee. Natawa naman kaming dalawa ni Rjay sa pwesto nila dahil magkabaliktad na sila ng pwesto, si Yohan ay nasa may paahan na ni Haylee samantalang si Haylee ay nasa may paahan ni Yohan. Ang mas ikinatawa namin ni Rjay ay nakayakap si Yohan sa paa ni Haylee.

      Pinauna na ako ni Rjay na gawin ang morning routine ko, matapos kong gawin ito ay nakita kong tahimik na tumatawa sina Maeriel kila Yohan. Sabi ni Zade ay mauna na raw si Maeriel sa banyo dahil sandali lang silang mga lalaki. Ginising ko na si Arianne at si Dylan maliban na lamang kila Haylee. Balak naming iwan sila at mauna nang pumunta sa kung saan. Nang matapos naman naming gawin ang mga morning routine namin ay dahan-dahan kaming nagsilabas sa kwarto at naghanap ng kung ano-anong pagkain. Naisip ko na lang na 'wag na silang iwan dahil minsan ay para silang aso't pusa saka masyadong matampuhin si Haylee kaya 'pag iniwan namin, yataps(patay) kaming lahat. : D

Haylee's POV

      Nagising ako at napabalikwas nang dumilat ako dahil paa ni Yohan ang bumulaga ka sa akin. Nang bumalikwas ako ay nagising rin si Yohan dahil nakakapit siya sa paa ko.

"Nasaan sila?" Gulat kong tanong nang makitang wala ang anim sa kaniya-kaniya nilang mga kama.

"Aba, ewan ko. Ikaw ang naunang magising sa'tin tapos hindi mo alam?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Nakita mo namang bangag pa ako, paano ko malalaman?" Inis kong sagot sa kaniya.

"Nakita mo rin namang bangag din ako diba? Bakit mo ako tinatanong?" Muli niyang tanong.

Hindi naman na ako sumagot at dumiretso na sa cr para gawin ang morning routine ko. Nang matapos ako ay nakita ko namang nakatulala si Yohan sa sahig kaya nakaisip ako ng kademonyohan. Ibinuka ko ang palad ko at pumunta sa likod ni Yohan para galawin ang mukha niya.

Nang makapunta na ako sa likod niya ay hindi niya napansin iyon. Agad kong inilagay ang dalawang kamay ko sa mukha niya dahilan para magulat siya. Tinatanggal niya iyon ngunit hindi ako natinag. Nang matanggal niya ang mga kamay ko ay agad siyang umikot at itinulak ako sa kama.

ANAK KA NG SHOKWAAAAAAAA!!!

Pumaibabaw naman siya sa akin at nanlaki naman ang mga mata ko dahil dito.

MAMAAA!!

"Ikaw nakakadalawa ka na ha, sinasamantala mong inaantok ako." Sabi naman niya at humalakhak ng bahagya, nanatili naman akong nakatingin sa kaniya dahil hawak pa rin niya ang dalawang kamay niya ang mga kamay ko.

Damn, yung boses niya. Ang pogi lalo.. TEKA ANO?? WALA WALA WALA!!

"H-huy ano ba!" Saway ko sa kaniya at nagpumiglas ngunit ngumiti lang siya sa akin.

"Kahapon ka pa eh, makulit ka." Sabi naman nito sa akin at inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"H-hoy, ano ba!!" sita ko sa kaniya dahil mas inilalapit pa niya ang mukha niya sa akin.

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!! MAMA TULONG!!!

"Can I kiss you?" Tanong nito.

Hindi naman ako nakapagsalita sa sobrang gulat ko. Napapikit na lamang ako at bigla ko na lang naramdaman ang labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, magagalit ba ako? Maaamaze ba? Kahit bagong gising siya ang bango bango niya, hindi siya amoy laway. Bakit ganon?!

PERO TEKA, MAMA HELP!!

Arianne's POV

      Pabalik na kami ngayon sa kwarto, dahan-dahan kong ibinukas ang pinto dahil baka tulog pa rin sila ngunit mali ang inaakala ko. Nagulat kaming anim sa nakita namin kaya naman dahan-dahan naming isinara ang pinto at pinagdesisyunan na lang na sa food court na sila antayin. May respeto kami kaya ayaw naming guluhin yung dalawa saka baka malagot kami ni Yohan pag inistorbo namin sila.

Together, Forever.Where stories live. Discover now