35

36 2 0
                                    

Haylee's POV

      Nagising ako sa madilim na kwarto. Hindi ako nakagapos, walang tao. Kinapa ko bulsa ko at sakto namang nandito ang cellphone ko at hindi lowbat ito. Agad kong binuksan at nang makita ko ang mga street signs sa labas ay tinext ko agad si Yohan. Hindi ko na nagawang basahin ang mga message ni Yohan dahil sa pagmamadali. In-open at shinare ko ang location ko at hindi ko na pinansin ang iba pang mensahe. Nang maisend ko ito ay napakalaking ginhawa ang naramdaman ko kaya naman bumalik ako sa kama at agad na kinumutan ang sarili ko. Naghanap ako ng mga bagay na pwedeng ipang-pukpok o pwedeng ipang-hampas sa kung sino man ang may masamang balak.

Mabuti nalang ay nakakita akong golf bat kaya agad ko itong kinuha at itinago ito sa kumot, sino ba kasi may pasimuno nito? Nag-ddrama ako kahapon tapos bigla ba akong dudukutin, parang tanga. Habang nagbabantay kung may papasok ba sa kwarto ay hindi ko namalayang naipikit ko na ang mata ko sa sobrang pagod.

Yohan's POV

      Madaling araw nang muling tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan at sobrang saya ko nang makita si Haylee ito. Agad akong tumawag ng pulis upang puntahan ito at mabuti na lamang ay malapit lang talaga ito sa amin.

Agad naman kaming pumunta rito at hindi ko maiwasang matuwa dahil makikita ko na ulit si Haylee. Saktong pagbukas namin ng pinto ng kwarto ay siyang pagpalo ni Haylee kay Raven at agad itong tumakbo papunta sa akin para yumakap.

"A-akala ko hindi ka na dadating." Sambit nito habang humihikbi.

"Pupuntahan kita kahit nasaan ka pa. Please don't cry na, I'm here. You're safe with me, I love you." Sagot ko sa kaniya at yumakap ng mahigpit.

Lumabas na kami sa bahay na iyon at agad na pinasalamatan ang mga pulis na kasama ko dahil nahuli na si Raven kasama ang mga tauhan niyang dumukot kay Haylee.

"Thank you, sir." Sabi ko sa kanila at tumango naman sila bago tuluyang umalis.

"Tara na mahal, I'll explain everything. Okay?" Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.

Nang makabalik kami sa pinag-sstay-an ko ay agad ko siyang pinaupo at binigyan ng tubig.

"Baby, are you okay? Anong ginawa niya sa'yo? Sinaktan ka ba niya?" Tanong ko sa kaniya at umiling naman siya.

"Are you hungry?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Same, wait mag-oorder ako. What do you want, baby?" Tanong ko sa kaniya.

Tinuro naman niya ang gusto niya, nang maka-order na ako ay sinimulan ko nang magpaliwanag sa kaniya ng totoong pangyayari kahapon.

"Mahal ko, I was sleeping. I was so tired to the point na hindi ko narinig na may pumasok na pala rito. I am sorry, mahal ko. Nagising ako noong hinila mo si Yanna, I am really sorry. Please believe me, mahal ko. And the posts na sinasabi mo, pwede mo bang ipakita sa'kin?"  Pag-eexplain ko at ipinakita niya naman.

"I need to tell you this, mahal. Two times lang kami nagkita rito, I promise. Una 'yong nakita mo story niya, second naman is hindi ko nasabi sa'yo but inaya niya ako because mag-ssorry daw siya kaya ako pumayag. And yeah, nag-sorry naman siya kaya nga panatag na akong walang maggugulo sa'tin eh. Tapos kahapon, nagulat na lang ako na nanggugulo na naman siya. Itong mga photos na 'to, matagal na 'yan, before pa siya umalis papuntang ibang bansa." Pagpapaliwanag ko.

"Sorry.." mahinang sabi ni Haylee.

"Why, mahal?" Tanong ko.

"Dapat pinag-explain muna kita.." sagot niya sa akin at napangiti naman ako.

"No worries baby, as long as okay na tayo. And you don't have to say sorry, mahal ko. Wala kang kasalanan, okay? I love you so much." Sabi ko naman at niyakap siya.

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon