1

177 6 0
                                    

Haylee's POV

      Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay namin, kabababa ko lang ng bus, jusko napakainit! Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ng nanay ko at nag mamadali siyang papuntahin ako sa bahay namin. Sa dorm nga pala ako nags-stay kasama ko ang mga kaibigan kong sina Arianne, Sydney at Maeriel na nakilala ko sa Emerald University kung saan kami pumapasok.
      Nang mapadpad na ako sa harap ng bahay namin ay agad akong kumatok dahil pawis na pawis na ako sa sobrang init, jusko! Binuksan naman agad ng kuya kong napakapangit at ewan ko ba kung kapatid ko ba talaga 'to, char.

"Ma!" Tawag ko kay Mama.

"Oh nak, nandito ka na pala. Sakto lamang ang dating mo para sa tanghalian, nagluto ako ng paborito mong tinola". Bati ni Mama, napangisi naman ako at umupo na sa hapagkainan.

 Sa kalagitnaan ng aming pagkain at katahimikan ay naisipan kong itanong kung bakit nga ba ako pinapunta rito ni mama.

"Ma, bakit nga pala gusto niyong pumunta ako rito?" Tanong ko.

"Gusto kong pag-usapan ang paglipat mo ng bahay." halos maibuga ko na ang nginunguya ko nang marinig ko ito mula kay mama.

"Pero ma? Akala ko ba sa dorm na lang muna ako?" Tanong kong muli.

"Napag-isip-isip namin ng papa mo na mas mabuti kung sa bahay ka na lang tumira para hindi ka na makagimik kasama mga barkada mo." Nanlaki ang mata ko dahil dito sapagkat hindi ko alam kung paano nila ito nalaman.

"May kasama ka rin naman sa bahay na 'yon dahil anak ng kumare ko ang may-ari no'n, napag-usapan naming dalawa na baka mas mapatino ka nung makakasama mo kaya pumayag na kami agad." Dadag pa ni mama.

"Pero ma-" Magsasalita pa sana ako ng pinutol ni mama ang sasabihin ko.

"Walang pero pero, ibibigay ko na yung address mamaya para bukas makalipat ka na agad-agad". Ani nito.

"Pero ma, pano yung-" muling pinutol ni mama ang sasabihin ko.

"Sabi kong wala nang pero pero, bukas ay lilipat na rin siguro ang anak ni kumareng Lylia galing sa dormitoryo ng school niyo" pagpuputol nya sa sasabihin ko.

 Wala naman akong magawa kundi ang sumunod sa gusto ng mama ko dahil baka mawalan ako ng allowance kung magpupumilit pa akong tumanggi. Gustuhin ko mang tumutol pero hindi ko magawa dahil baka pagbawalan na akong sumama sa mga kaibigan ko.


Lumipas na ang oras at mag gagabi na, agad na akong nagpaalam kay mama nang bigla siyang may ibigay na dalawang susi.

"Oh ito para sa kotse mo at ito para sa bahay na tutuluyan mo, hindi ba't marunong ka naman mag maneho?" Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ng ina ko.

HA!? KOTSE!???!?!?!??!?!

May advantage rin naman pala ang paglipat ko sa bahay eh. 


Sumakay ako agad sa kotseng kulay pula na nasa labas ng bahay. Teka lang, wala 'to kanina ah? Omaygad is dis multo?? Gooosh!! Nang makabalik ako ng dormitoryo ay mag-aalas otso na, iniwan kong nakapark sa parking lot ng school ang kotse ko. Pagkapasok ko ng kwarto ay agad na bumulaga si Arianne.

"Hoy babae! Nabalitaan ko na may dala kang kotse ngayon ah? Sa'n galing 'yan ha?!" Gulat na tanong nito.

Ang bilis naman kumalat.

"Ahh oo binigay nila mama kasi ano-" agad namang sumingit si Maeriel.

"ano!?!?!?! Bakit!?!??! Bakit ka binigyan ng kotse ha!?!?!?! Bakiiiit?!?!? Hindi ba sabi ko okay lang na maghirap tayo 'wag ka lang magnakaw!" Hiyaw nito at may pa iyak effect pa.

Together, Forever.Where stories live. Discover now