6

64 3 0
                                    

Haylee's POV

      Nagising ako nang may tumapik-tapik sa mukha ko, hindi muna ako dumilat dahil inaantok pa ako.

"Hey, birthday girl. Wake up na." Bulong nito.

      Idinilat ko ang mga mata ko ng dahan-dahan at nakita ko ang lalaking kanina pa titig na titig sa akin, masyadong malapit ang mukha naming dalawa. Napatitig naman ako sa labi niyang pinkish..

TEKA ANO? HA? ANONG PINKISH???

Naitulak ko siya at napabalikwas ako. Nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya naman nginitian ko siya.

"Hey, be careful Haylee. Here's your food." Nag-aalalang sabi nito at iniabot niya ang pagkain na pinabili ko sa kanya.

Nanlaki ang mata ko dahil may coke float at nakita kong bff fries ang binili nya. Kukunin ko na sana yung coke float nang bigla niya itong kunin at inuman.

"Hala, bakit mo ininuman?" Sabi ko sabay pout.

"Bakit? Sa'kin 'to eh." Sagot niya naman.

"Painom ako hehe." Sabi ko, sana gumana pagpapacute ko.

"No, bawal sayo 'to. Sabi rin nila Arianne hindi ka pwede sa malamig kasi sasakit puson mo" paliwanag nito.

"Painom lang naman ng konti" with matching pout.

"No, bawal. Ito na fries mo oh, sa'yo na nga lahat 'yan eh. Inom ka na lang muna ng tubig, okay? I'll treat you next time kapag tapos na period mo, okay?" Sabi naman nito.

"Talaga?" Nangingiti kong sabi.

"Yes, I promise." sagot niya naman at nginitian ako.

"Yayy, thank you! Wait lang, kukunin ko lang yung wallet ko sa taas" sabi ko pero nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko at pinaupo.

"No, sabi ko kanina 'wag na 'di ba? Birthday gift ko na sa'yo." Paliwanag nito.

Ang dami niya namang regalo.

"Ay hehe, hindi ko nabasa kasi nakatulog ako. Thank you." sagot ko naman at ngumiti.

"You're always welcome, kain ka na. By the way, kamusta na pakiramdam mo? Are you feeling better?" He asked.

"I'm feeling better na, wala na akong lagnat kanina." sagot ko naman ng nakangiti.

Tumango naman sya at ngumiti lang din at uminom ng cokefloat niya. Kumakain ako ng payapa nang maisipan kong humingi ng cokefloat uli.

"Yohan.." tawag ko dito.

"Yes? Do you need anything?" Sagot naman nito.

"Painom ako, konti lang. Please?" Pagpipilit ko.

"No." Sagot niya. Ang damot naman, konti lang eh.

"Konti lang naman Yohan, saka 'di kita isusumbong kay Maeriel hehehe. Painom ako, please?" Pagpapacute ko.

"Don't do that, 'di bagay sa'yo. Oh, kaunti lang ha. Kulit mo." Sagot nito at inabot ang cokefloat sa akin.

"Yeyy, thanks!" Sagot ko at ngumiti atsaka uminom.

"You're welcome" sabi niya at ngumiti.

Inubos ko na ang chicken fillet ako at sinimulan na kainin ang fries. Naisipan kong bigyan si Yohan dahil cokefloat lang ang iniinom nya.

"Yohan, gusto mo?" Pag aalok ko.

"Hindi na, sa'yo na. Baka kulang pa sa'yo 'yan eh." sagot nya naman

"Edi 'wag, nagmamagandang loob na nga." Bulong ko at sinubo ang ibinibigay kong fries kay Yohan.

Together, Forever.Место, где живут истории. Откройте их для себя