36

37 2 0
                                    

Third Person's POV

      Mabilis na lumipas ang araw at buwan, nakabalik na sina Haylee at Yohan sa Pilipinas. Kasalukuyang natutulog si Haylee dahil sa pagod, sakto namang gising na si Yohan kaya naman agad niyang sinimulan ang pag contact sa mga kaibigan, pamilya at kung sino-sino pang mga tao na pwedeng tumulong sa kaniya sa proposal niya.

      Tuwang tuwa ang mga magulang ng dalawa nang mabalitaan ito. Mabilis na naplano ang mga gagawin sa araw ng proposal ni Yohan kay Haylee ngunit nang magising na si Haylee ay agad niyang pinutol ang mga usapan na iyon at itinuon ang kaniyang atensyon kay Haylee.

Haylee's POV

"Hello, good morning mahal! How's your sleep?" Tanong ni Yohan

"Good morning din love, okay lang naman. How about you?" Sagot ko sa kaniya.

"Katabi kita eh, syempre maganda panaginip ko." Sagot niya sa akin at ngumiti.

Nag-almusal na kami at sinimulang mag linis-linis ng bahay dahil matagal-tagal rin kaming nawala dito. Hiniwalay-hiwalay namin ang mga souvenir na binili namin para sa mga kaibigan at pamilya namin.

Matapos naming mag-ayos-ayos ay nagpahinga na muna kami sa sofa at nanood ng kung ano-ano. Makalipas ang ilang minutong pagpapahinga ay nauna na akong pumasok sa banyo dahil nanlalagkit na ako. Naligo na ako at nag-ayos dahil nakakahiya naman humarap sa boyfriend ko ng hindi nakaayos.

Lumabas na ako ng banyo at nagulat naman ako nang makita ko si Yohan sa gilid na nakatayo at may kausap sa phone niya.

Sino kaya 'yan?

Tumingkayad ako para makita ito at sa kasamaang palad ay nagalaw ko ang braso niya dahil muntik na akong masubsob. Agad niyang itinago ang phone niya at pumasok na sa banyo nang hindi man lang nagsasalita.

Sino naman kaya 'yon? Baka trabaho lang.

Napakibit balikat na lang ako at umakyat na sa kwarto ko para mag-ayos muli. Naglagay ako ng kaunting make up sa mukha at kinulot ng kaunti ang buhok ko.

Nang makalabas ako ay nagulat ako nang hilain ako ni Yohan pababa at isinakay sa kotse.

"Teka, teka ano bang meron?" Tanong ko sa kaniya at kinindatan niya lang ako.

Luh??

"Saan tayo pupunta?" Tanong kong muli sa kaniya ngunit nginitian niya lang ako.

Napairap naman ako dahil sa pagpapa-cute nito sa akin. Inayos ko nalang ang buhok kong nagulo dahil sa pagmamadali niya kanina.

Ilang oras na ang lumipas ngunit wala parin kami sa pupuntahan namin kaya naman napagdesisyunan ko nang pumikit muna dahil na rin sa pagka-bored sa byahe.

Yohan's POV

Anong meron at bakit parang nakaayos masyado si Haylee ngayon?

Alam niya bang aalis kami?

Hindi ko siya sinasagot dahil baka alam naman niya. Nakita ko namang ipinikit niya ang mga mata niya kaya naman pasikreto akong napangiti. Dumaan na ako sa shortcut papunta sa beach na pupuntahan namin.

Nakarating kami sa beach na iyon at agad kong ginising si Haylee para ipakita sa kaniya ang napakagandang view nito.

"Wow!!" Excited nitong sigaw.

Agad siyang bumaba ng kotse kaya naman sinundan ko siya at inalalayan sa paglalakad. Itinaas niya ang phone niya hudyat na mag-pipicture siya kaya naman yumuko ako para makasali.

Ilang shots din iyon at napagdesisyunan niya na ring magpapicture sa akin.

"Maganda?" Tanong nito sa akin.

Napangiti naman ako habang nakatingin sa picture niya.

"Magandang-maganda." Sagot ko habang nakatingin pa rin sa picture niya.

Nag-picture-picture lang kami roon at napagdesisyunan na rin naming kumain bago kami tumambay sa may dagat.

"Maganda rito kapag sunset.." sabi ko sa kaniya habang kumakain.

"Syempre kaya mag-stay muna tayo ha?" Ani nito habang nagpapa-cute pa sa akin kaya naman tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Ang ganda rito, bakit mo naisipang pumunta rito?" Tanong nito sa akin.

"Wala naman, gusto ko lang.." pero ang totoo ay tinitignan ko na ang choices ng mga lugar kung saan ako mag-ppropose dahil nakaplano na ang lahat, lugar na lamang ang kulang.

Natapos na kaming kumain at naglibot-libot na lamang kami sa may dagat. Nakita ko naman na gusto niyang lumublob sa tubig ngunit wala siyang isusuot.

"Gusto mo?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.

Hinawakan ko ang kamay niya para bumalik kami sa kotse at kunin ang susuotin namin. Syempre naka ready ako, alam ko namang hindi niya matitiis na lumublob sa tubig e.

Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata nang makita ang susuotin niya.

"Wow! Kailan mo pa to hinanda?" Tanong nito sa akin.

"Secret." Sagot ko naman at kinindatan siya.

Sinamahan ko siya kung saan siya magbibihis at gano'n rin naman siya. Syempre nasa labas ako, mga utak diyan ha.

Ang sexy talaga ng baby ko.

Agad kaming bumalik sa kotse at inilagay sa bag na nandoon ang mga damit namin, susi ng kotse, tuwalya at mga phone namin.

Nang makarating kaming muli sa dagat ay agad naman siyang lumusong kaya naman kinuha ko ang isang tuwalya at inilatag banda doon saka ko inilagay ang bag na dala namin.

Lumublob na rin ako dahil inaaya niya ako. Naglaro kami, kumuha ng mga shells at kung ano-ano pa.

Nag-picture-picture lang kami nang mag sunset na, isang shot ang pinakanagustuhan ko.

Magkaholding hands kami habang mga paa lang namin ang nakikita pati na rin ang sunset at dagat.

"Pasa mo sa'kin 'yan ah." Paalala ko sa kaniya at natawa naman siya.

"Syempre naman, isesend ko 'to lahat sa'yo." Sagot niya sa akin at ngumiti.

Tinignan na lamang namin ang alon ng dagat at ilang minuto lamang ay napag-desisyunan na rin naming magbihis na at umuwi.

"Nag-enjoy ka?" Tanong ko sa kaniya habang pabalik kami sa kotse.

"Oo naman, kasama kita eh." Sagot niya ng nakangiti.

" I love you.." sabi ko at hinalikan siya saka ngumiti.

"I love you more, thank you...so much" sagot niya sa akin at ngumiti.

"You're welcome" sagot ko sa kaniya at kumindat.

Inalalayan ko siyang pumasok sa kotse at nang makapasok na rin ako ay agad na akong nag-drive pauwi.

Mahaba-habang byahe ang naganap at dahil na rin sa pagod ay dumiretso na agad kami sa mga kwarto namin nang kami ay makauwi.

Together, Forever.Where stories live. Discover now