4

84 3 0
                                    

Yohan's POV

      Hindi ko inexpect na magw-walkout si Haylee kanina, nagtext ako sa kaniya pero mukhang nagtampo talaga siya. Kahit si Tita Imelda yata nagtext sa kanya pero hindi pa rin siya bumaba, ang topakin naman kasama ko rito sa bahay. Niligpit ko na ang mga pagkain at inilagay na sa ref, masyado pang maaga ah natulog na kaya si Haylee? Dadalhan ko na lang siya ng pagkain maya maya, hindi kasi nya nakalahati yung chicken fillet niya. Sabi niya pa kanina gutom siya pero onti lang kinain niya sa chicken fillet.

"Yohan anak, pagpasensyahan mo na si Haylee ha ganyan talaga yan. Isip bata tapos matampuhin pero pagkain lang magpapa-okay dyan." Sabi ni tita.

"Ahh gano'n po ba tita, sige po. Dadalhin ko na lang po 'tong fries at chicken sa kaniya mamaya" sagot ko naman.

"Nako, hindi 'yan uubra ngayon. Kinabukasan mo na bigyan ng pagkain 'yan, sa ngayon suyo-suyuin mo na lang muna." Paliwanag ni tita.

Parang girlfriend ko naman 'tong si Haylee kung gano'n.

"Osya aakyat na kami sa taas, magpapahinga na kami at bukas aalis na kami." Mom said.

"Restwell po" sabi ko at nag beso sa kanila.

"Nak, sa'n banda ang bakante?" Tanong ni tita.

"Ahh tita, ituturo ko na lang po" sagot ko.

      Sinundan nila ako paakyat at itinuro ko ang dalawa pang bakanteng kwarto na kaharap ng kwarto namin ni Haylee. Matapos kong ituro ang mga bakanteng kwarto ay agad naman akong bumaba para ayusin muli ang mga pagkain. Sayang, andami pa naman nito. Nang mailigpit ko na ang lahat ay ginawa ko na ang night routine ko at dumiretso sa kwarto ko saka humilata. Napaka-aga pa pero dahil nga wala na si Haylee sa baba ay napaaga ang pagpapahinga naming lahat. Hayaan ko na muna 'yon si Haylee, hindi ko naman siya girlfriend para suyo-suyuin e. Pero kasi e, kita ko sa mata niya kanina na naluluha siya. Gano'n na ba niya kagusto yung fries? Kumuha lang naman ako ng kaunti sa fries at chicken fillet niya.

-KINAUMAGAHAN-

      Nag-alarm ang cellphone ko hudyat na nararapat na akong bumangon dahil lunes na naman, makikita ko na naman ang mga tropa kong bugok. Bumangon na ako at ginawa ang morning routine ko saka nagbihis ng uniporme ko. Nang makabihis na ako ay bumaba na ako para kumain, si Mom at Tita lang ang nando'n? Baka tulog pa si Haylee. Pero siya pinaka-unang natulog samin ah? Imposibleng tulog pa rin siya, grabe naman tulog no'n. Dumiretso na ako sa kusina at binati si Mom at Tita.

"Goodmorning po Mom, Goodmorning po Tita. Si Haylee po? Tulog pa?" Tanong ko.

"Good morning din iho, nagtatampo pa rin si Haylee eh. Naku! Pakibantayan mo sa school niyo kung maaari, hindi man lang siya kumain ng agahan niya. Ang sabi nya busog pa raw siya." Paliwanag ni tita.

Medyo na-guilty ako sa ginawa ko dahil sa paliwanag ni tita. Busog? Hindi nga niya naubos yung chicken fillet niya kagabi tapos busog. Napakibit balikat na lamang ako at kumain ng agahan ko at naghanda para pumasok sa school.

Haylee's POV

      Alas kwatro ng madaling araw nang magising ako, agad akong bumangon at ginawa ang morning routine ko. Habang nagsusuot ako ng uniporme ko ay naalala kong lunes na naman, makikita ko na naman yung nakakapanggigigil na mukha ni Daney.
      Hayaan nyong ipakilala ko sa inyo si Daney, si Daney lang naman ang bida-bida sa room namin. Wala na ngang utak nagpapabida pa, kasura noh? At ang mas malala ako pa laging target niya kasama yung dalawang alipores niyang mukha tuko, tsk. Isipin nyo yon 4th year college na pero may utak lamok pa ring pabida sa amin, sino ba namang 'di masisira ang araw 'pag may pasok. 

---

Nang makapag-ayos ako ay agad akong bumaba, ang aga naman gumising nila mama? Alas kwatro pa lang e.

Together, Forever.Where stories live. Discover now