29

30 2 0
                                    

Fast forward... (After the exam days)

"So ayon na nga kamusta naman ang buhay examination ng tatlong araw?" Tanong ni Arianne.

"S.T.R.E.S.S" sagot ni Dylan.

Napahalakhak naman kami doon.

"Jusko day! Wala sa exam yung ni-review ko napasakit sa damdamin!" sagot rin ni Zade na ikinatawa naming muli.

"Teh, di mo lang inintindi yan. Eh pare-parehas naman tayo ng exam ah? Nandoon naman mga ni-review natin" sagot ni Sydney.

"O baka naman iba kasi ni-review mo? Tukmol ka" dagdag pa nito.

"Ahh hehe" sagot naman ni Zade at napakamot sa ulo.

Napahalakhak na lamang kami at lumabas na ng University para mag-punta sa mall para naman makapag relax relax. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko naman si Raven at ikinagulat ko naman nang hawakan ni Yohan ang kamay ko habang naglalakad kami. Nang malapit na si Raven sa amin ay agad niyang ibinukas ang payong na hawak niya dahilan para mapailag si Raven at bahagya naman akong natawa dito dahil sa pagkagulat niya.

"Buang" bulong ko kay Yohan at bahagya naman kaming napahalakhak.

"Ay pak gano'n, kanina pa ako nagkkwento tapos may sarili kayong mundo ha" sabi naman ni Arianne nang humarap ito at nakapamewang pa sa amin habang naglalakad.

Tumawa lamang kami ni Yohan at naglakad nalang uli hanggang sa makarating kami sa mall.

Binitawan ni Yohan ang kamay ko at nagulat ako nang hawakan niya ang beywang ko.

"Uy may pahawak sa beywang oh!" Panunukso ni Zade na ikinamula ng mukha ko kaya napayuko ako.

"Ay aba aba! May label ba 'yan?" Panunukso rin ni Sydney sa amin.

"Weh, inggit lang kayo eh" panunukso rin ni Yohan.

"Atleast kami, may label" sagot ni Sydney at humalakhak.

"Kapag kami nagka label 'wag kayo sasama sa kasal ha, 'di kayo imbitado" biro ni Yohan.

"Nagugutom na ako guys" Pag-iiba ko ng usapan.

Magsasalita pa sana si Yohan ng may biglang may humarang sa harap naming dalawa.

"Hey Haylee, how are you?" Tanong ni Raven.

"Fine" maikli kong sagot.

"Can we talk?" Tanong niyang muli.

"We're already talking." Bored kong sagot sa kaniya.

"I mean, just the two of us" sagot niya sa akin at inismiran ako.

Sasagot pa lamang ako ng hilain ako ni Yohan paalis sa harap ni Raven. Humabol naman si Raven at hinawakan ang braso ni Yohan, dahilan ito para mapatingin ako sa braso ni Yohan. 

Luh laki bicep hihihihi, charot.

"Huwag ka namang bastos, nakita mong kinakausap ko pa e" saad nito kay Yohan.

Matalim lamang na tingin ang itinugon ni Yohan at nagsimula na siyang maglakad uli habang hawak ang kamay ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng maramdaman kong wala ng sumusunod sa amin. Nanatili lamang tahimik ang anim hanggang sa makarating kami sa paroroonan namin.

"Grabe dhai, 'di ko kinaya 'yang si Raven!" natatawang sabi ni Maeriel sa akin.

"Hindi man lang siya nahihiya, hayop!" Dagdag ni Arianne.

Natawa lamang kami at um-order na ng pagkain namin. Habang inaantay ang pagkain namin ay nagphone muna ako dahil wala lang, bored lang ako. Habang nags-scroll ako sa facebook ko ay nakita ko naman ang chat ni Yohan sa akin.

Together, Forever.Where stories live. Discover now