14

58 4 0
                                    

Yohan's POV

      Mag-aalas kwatro pa lamang nang ako ay magising at nakita kong wala na si Haylee sa tabi ko. Nauna na ba siya umuwi? Nakita ko naman ang thermometer sa tabi ko at may sticky note na nakalagay dito.

Check your temperature and eat your breakfast, getwell soon! ❤ 

-Haylee:)

Sweet naman ng mahal ko (❁'◡'❁)

Napangiti naman ako at agad kong itinago ang note sa bulsa ko. Chineck ko naman ang temperature ko at medyo bumaba naman na ito. Nag-ayos na ako at lumabas ng kwarto para kumain at para rin gawin na ang morning routine ko. Pagkalabas ko naman ay agad kong nakita si Haylee na katatapos lamang maligo, nginitian naman niya ako kaya nginitian ko rin siya pabalik. Sumunod naman akong pumasok sa cr para gawin ang morning routine ko.

Nang matapos ako ay inakala kong nasa kusina na si Haylee kaya naman nag tuwalya na lamang ako. Nang makapasok ako sa kwarto ay laking gulat ko ng makita si Haylee na nag-aayos ng gamit namin.

"WAAAAAAAAAAA!" sigaw nito at napatakip ng mata at agad na tumakbo palabas ng kwarto.

Hayop! Mas nagulat ako sa sigaw niya ah.

Napahalakhak naman ako ng bahagya. Nagbihis na ako at lumabas ng kwarto para kumain sa kusina. Nakita ko namang kumakain na si Haylee at nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang nagmadaling kumain at tumakbo pabalik sa kwarto. Napailing na lang ako at kumain na lamang. Mabilis lamang akong natapos kumain kaya pumasok na ako sa kwarto para tulungan si Haylee mag-ayos ng gamit namin. Nang makapasok ako ay napatingin naman siya sa akin kaya nginitian ko siya.

"Bakit parang ang aga naman natin aalis?" Tanong ko.

"Nako, 'wag na tayo mag paalam kay Angel ng personal dahil baka magwala at hindi tayo pauwiin." Saad nito at tumawa ng bahagya.

Nang makapag-ayos na kami ay sakto namang gising na ang mga magulang namin kaya naman nagpaalam na kami, nakita ko namang pumasok si Haylee sa kwarto ni Tita kaya naman nag paalam muna ako sa susundan ko siya. Nang makapasok ako ay nakita ko namang hinahaplos-haplos ni Haylee ang buhok ni Angel habang natutulog ito ng mahimbing. Lumapit naman ako dito para halikan siya sa noo.

"Ba-bye, baby ko." Bulong ko at ngumiti.

Nilingon ko naman si Haylee at nakita ko namang naluluha na ito kaya nag-iwas ng tingin kay Angel.

Aww, sad isa ko pang baby.

Pumunta naman ako sa tabi niya at agad siyang niyakap. Iginagulat ko naman nang bigla siyang yumakap pabalik.

      Ilang saglit pa ay pumasok rin ang mga magulang namin at ngintian lamang kami, ngumiti naman kami pabalik. Nag-iwan na lamang kami ng doll sa tabi niya at muli siyang hinalikan sa noo. Nang biglang gumalaw si Angel ay agad naman kaming kumaripas ng takbo ni Haylee palabas ng kwarto. Hingal na hingal kami nang makarating kami sa sala kaya pumunta kami sa kusina para kunin ang mga tsitseryang binili nila Mom para sa amin at para rin uminom ng tubig.

"Ako nang magd-drive." Paalam ni Haylee at tumango naman ako sa kaniya bilang senyas.

Nang makalabas kami ay agad naman naming ipinasok ang mga gamit namin at ibinigay ko na ang susi kay Haylee. Ilang oras na kaming bumabyahe dahil sa traffic kaya naman naisipan kong buksan ang isang tsitserya.

"Gusto mo?" Tanong ko kay Haylee at tumango naman siya.

"Say aaa.." sabi ko at ngumanga naman siya saka ko siya sinubuan.

Kumain lang kaming dalawa habang naka-stuck sa traffic. Tanghali na rin nang makauwi kami sa bahay.

"Nagugutom ka na?" Tanong niya sa akin at umiling naman ako.

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon