25

38 4 1
                                    

Yohan's POV

      Nang matapos kaming kumain ay nagprisinta ng maghugas si Haylee at Sydney kaya naman dumiretso na muna kaming anim dito sa sala para antayin sila dahil maraming tanong itong anim sa amin. Ilang minuto lang ay natapos naman agad yung dalawa kaya naman agad na rin silang umupo.

"So ayon na nga, bakit may spongebob diyan sa may labi mo? Nasobrahan ba sa paglalambing?" Pabirong tanong ni Sydney at humalakhak.

"Gago, hindi." Sagot ni Haylee at humalakhak rin ng bahagya.

Halatang hindi pa siya okay ngunit ayaw ko siyang pangunahan, siya ang bahala kung gusto niyang sabihin sa kanila.

"Eh ano nga? Grabe naman Haylee, ang sadista mo. Bakit mo naman ginaganyan si Yohan?" Sabi naman ni Rjay.

"Gago." Sagot ni Haylee at humalakhak.

Tumingin si Haylee sa akin na para bang sinasabi niyang ako na ang magkwento. Tumabi naman ako sa kaniya at yumakap.

"Excuse me, nagtatanong ho kami ng maayos dito. Huwag kayong maglandian sa harap namin." Ani ni Maeriel at tumawa mg bahagya.

"Sigurado ka ba?" Tanong ko at tumango naman siya.

Habang nagpapaliwanag ako ay hindi maiwasan ni Haylee ang maluha kaya naman hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.

"Oh my god. I'm so sorry, Haylee." Ani ni Maeriel at niyakap si Haylee na patuloy pa rin ang pag-iyak.

"Ikaw kasi Yohan, bakit mo naman iniwan 'to si Haylee? Alam mo namang ano yung Raven na 'yon." Panenermon ni Sydney.

"Sorry. I'm sorry, mahal ko." At yumakap pabalik kay Haylee nang bumalik ito sa pagkakayakap sa akin.

---

"Are you sure?" Tanong ko kay Haylee.

"Okay na ako, sayang din yung bayad natin sa ticket." Ani niya at ngumiti sa akin.

"Tama na ang landian, ipaliwanag niyo kung bakit may paghalik sa pisngi sa story." Pang-aasar naman ni Maeriel.

"Usap-usapan na kayo niyan sa univeristy, nako kayong dalawa." Sabi naman Sydney.

"Pakialam ko sa kanila? Stapler ko bunganga nila eh." Sagot ko naman at nagsihalakhak naman kami.

      Ilang oras na rin ang lumipas ay nakapag-order na rin kami ng pagkain namin para sa tanghalian kaya naman nung dumating ito ay kumain na kami agad para rin makapunta na sa university. Nauna nang natapos kumain si Haylee kaya naman agad itong umakyat agad sa kwarto niya para magbihis. Natapos na rin ako kaya naman umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis dahil aalis na raw kami pagkatapos namin mag bihis.

      Nag suot lang ako ng maong pants ulit at light blue na tshirt ko. Inayos ko lang ng kaunti ang buhok ko at inilagay sa bulsa ko ang phone at wallet ko. Kinuha ko ang white shoes ko at agad naman akong nagsuot nito para makababa na agad ako. Matapos kong mag bihis at mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto at sakto rin namang lumabas si Haylee sa kwarto niya.

Wow.. Ang ganda niya...

Naka light blue na dress siya at naka white shoes din siya. Bagay na bagay sa kutis niya ang suot niyang dress ngayon, hindi naman siya naka make up pero mapula na talaga cheeks at lips niya.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong nito sa akin kaya naman agad akong nabalik sa reyalidad.

"H-ha? W-wala naman, tara baba na tayo." Pag-aaya ko sa kaniya at sumunod naman siya.

Nang makababa kami ay hindi na ako nagulat sa sinabi ng anim.

"Naks, ayaw na ikasal sa iba." sabi ni Rjay at humalakhak.

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon