3

92 4 2
                                    

Haylee's POV

      Nang lumabas ako papunta sa kusina ay nakasalubong ko ang tukmol ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin pero nakita ko siya sa peripheral vision ko na ngumiti ng konti.

Baliw ba 'to?

O baka may nakikita siyang hindi ko nakikita??

      Dumiretso na ako sa kusina para magluto ng noodles, habang inaantay ko yung noodles ay may tunog ng baril akong narinig sa kwarto ng tukmol.

HALA! ANONG NANGYARI?!

      Maya-maya ay may isa pa uling putok ng baril kaya hindi na ako nag dalawang isip na umakyat sa kwarto ng tukmol. Tumakbo ako paakyat sa kwarto niya at pag bukas ko ng pinto ay bumulaga sa'kin ang tukmol na..

Tukmol na naglalaro ng baril-barilan : D

      Nakita kong nagulat siya sa pagbulaga ko sa pinto niya pero alam kong pinipigilan niya ang tawa niya. Mabuti na lang at mabilis akong makapag-isip ng dahilan. Namaster ko na 'to dahil palagi akong nakakalusot kay mama.

"A-ano kasi a-ano mag papasabay ka ba ng noodles? S-sayang gas natin e hehe"

POTANGINA TALAGAAAAA GUSTO KO MAGING BATOOOOO TT-TT

LUPA KAININ MO NA AQ NOW NA PLS LANG..

"Ahh, sige pakidala na lang din dito kung kaya mo." Sagot niya at nginitian ako.

Tanginang ngiti 'yan, ang gwapo. Char! 

Ampangit mukhang tukmol, che! 

Ang kapal ng mukha niyang utusan ako na dalhin yung pagkain niya pagkatapos niya akong pakabahin. Isasara ko na ang pinto nang tawagin niya ako.

"Hoy babae!"

Ang kapal talaga ng mukha nitong tukmol na 'to may pangalan naman ako! Ang ganda-ganda ng pangalan ko e!

"O-oh?"

"Makikipag video call daw si Tita Imelda, kung gusto mo dalhin mo na lang yung noodles ta's dito na lang tayo kumain habang kausap si Tita."

"Aba! Ang init init nung noodles noh! Saka bakit makikipag video call si mama?! Kailan pa kayo close!? Bakit kayo close!?" Sunod-sunod kong tanong.

"Chill, sige na. Tutulungan kita, okay? I-ring mo na lang saglit phone ko 'pag luto na, ga lit na galit gustong manakit e"

CHE!

Inirapan ko nalang siya at ibinagsak ang pinto niya, bumaba na ako para tapusin ang niluluto ko.

Yohan's POV

      Tawa pa rin ako nang tawa sa reaction ni Haylee, hindi ko inexpect yung reaction niya. Pero mukha naman siyang nag-aalala kanina e, ang cute. Ang totoo, sinadya kong lakasan yung nilalaro ko para malaman kung ano magiging reaction niya at ayun, success! Hingal pa siyang tumakbo rito e. Pero kani-kanina nag-text si Tita Imelda na makikipag video call siya sa'min ni Haylee, kaya naglaro na lang din ako.

Hay Haylee, you made my day!

Haylee's POV

      Maya-maya lang ay luto na ang noodles, agad kong ni-ring ang cellphone ng tukmol. Narinig kong sumara ang pinto niya kaya sumimangot na ako, pabagal-bagal nagugutom na ako. Nang mapunta siya sa kusina ay ngumiti siya agad sa'kin. Parang ewan amp, ang tagal bumaba nagugutom na ako. Sinimangutan ko lang siya at nakita kong mas lumawak ang ngiti nya.

"Mauna ka na umakyat, mag c cr muna ako." Pagsusungit ko at sumimangot.

Dumiretso na ako sa cr para umihi at tumambay muna, magkakapag-antay naman 'yon tatambay muna ako rito hindi naman mainit dito e.

Together, Forever.Where stories live. Discover now