32

26 2 0
                                    

4 months passed....

Haylee's POV

      Apat na buwan na ang nakalipas matapos ang pangyayaring 'yon. Noong nawala na ang pagkalasing ko ay nakapag-usap kami at naayos namin ang hindi namin pagkakaintindihan. Ipinaliwanag namin ang kaniya-kaniya naming thoughts at naiintindihan naman namin kung bakit gano'n. Nangako kami sa isa't isa na hindi na mauulit ang gano'ng pangyayari at so far, so good. Hindi na nga muling naulit ito kahit pa may kasiyahan mapalabas o loob ng bahay.

      Naghahanda si Yohan ngayon ng mga gamit niya dahil ngayon na ang alis ni Yohan papuntang New York para sa trabaho niya. Wala namang nagbago sa amin, still sweet but having arguments most of the time. Kahit pa labag sa loob ko ang pag-alis niya ay wala akong magagawa dahil para sa trabaho niya naman 'yon at sa susunod na linggo na rin ang alis ko papuntang Canada, also for my work.

We're always busy kaya hindi na kami halos nakakapag-usap ng matino but we understand each other syempre.

Matapos niyang mag-ayos ay dumiretso na kami sa airport. Nang makaapak kami ro'n ay hindi ko naman maiwasang maluha noong nakita ko siyang paalis na.

"Mahal ko, mabilis lang ang three months. Babalik ako agad, okay?" Pinunasan nito ang luha ko at niyakap ako.

"I love you so much, mahal ko. Mag-iingat ka rin papuntang Canada, I'm sorry hindi kita mahahatid." Saad nito at hinalikan ako sa labi.

"I understand, mahal. Take care of yourself ha, I love you more." sagot ko naman at ngumiti.

Naglakad na siya palayo at nanatili naman akong kumakaway sa kaniya. Umalis na ako roon at umuwi sa bahay nang makaalis na ang eroplanong sinakyan niya.

Ang boring!

Nagawa ko na lahat ng kailangang gawin dito sa bahay, naayos ko na rin kahit hindi pa naman dapat aayusin 'yong mga bagay-bagay dito sa bahay.

Business man na ngayon si Yohan samantalang ako ay professional chef na. Parehas kaming busy dahil siya ay may sariling kumpanya at ako naman ay may sariling restaurant. Parehas lang kami ng kurso ni Yohan pero mas pinili kong magtayo ng sarili kong restaurant dahil hilig ko rin naman ang pagluluto saka business pa rin naman ito kahit papaano.

Lumipas ang ilang araw at parehas na routine pa rin ang ginagawa namin ni Yohan. Tatawag siya kung may oras pa at hindi naman na kung sobrang busy talaga niya. Madalas ay puro text na lang kami katulad na lamang ngayon. Ngayon ang alis ko papuntang Canada, hindi siya makatawag dahil sa sobrang dami niyang paperworks at meeting kaya naman nag-ttext na lang kami.

Hello, mahal ko. Ingat ka, I'm sorry hindi kita mahatid. Bawi ako pag-uwi ko, take care. I love you so much!❤️

Yes love, ingat ka rin diyan. 'Wag mambabae, wala ka nang uuwian hahaha. I love you more!❤️

Sa'yo lang ako, mahal. Text me kapag nakarating ka na, ingat ka. I need to go na mahal ko, I have a meeting kasi. I love you so much!

Okay, love ko. Please don't overwork yourself, oki? Take care and take a rest if you need. I love you most!

Pinatay ko na ang phone ko at lumabas ng may ngiti sa labi. Nandito na rin ang sundo ko at hindi ko maiwasang ma-excite dahil ito ang unang beses na makakapunta ako sa ibang lugar na hindi sa Pilipinas. Ang mas nakaka-excite pa ay pupunta ako sa Canada para sa collaboration namin ng isang canadian chef. Balak namin magtayo ng restaurant at kapag naging patok ito ay magtatayo kami ng brand dito sa Pilipinas.

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon