39

32 1 0
                                    

Months have passed....

Haylee's POV

      Matapos ang ilang buwang paghahanda sa pinakamasayang event sa buhay namin ni Yohan ay naririto na kami ngayon sa harap ng altar. Nangangako sa isa't isa na mamahalin at aalagaan ang isa't isa kahit anong mangyari at kung ano pa man ang dumating. Hindi ko mapigilan ang saya ko sa araw na ito dahil bukod sa kasal namin ngayon ay napaka-laughtrip kanina, akala ko pa ay may pipigil talaga sa kasal namin 'yon pala si Tita—I mean si Mom pala T^T.

"Itigil ang kasal! Sandali dahil hindi pa ako nakakaupo! Sorry I'm late hihihi." sabi pa ni Mom at lahat naman kami ay nagtawanan.

Matapos ang seremonya ay pumunta na kami sa reception. Bukod sa kainan ay syempre meron din kaming mga kaniya-kaniyang intermission number ganorn. Kantahan dito at kantahan doon, para maiba naman ay syempre may mga palaro para sa mga bata at matanda para hindi sila ma-bored.

Fast forward..

Mabilis na lumipas ang oras, nakauwi na kami ngayon ni Yohan sa bahay at kasalukuyan akong naglilinis ng sarili ko upang makapagpahinga na. Ilang sandali lamang ay lumbas na ako sa banyo at dumiretso sa kwarto ni Yohan na ngayon ay kwarto na namin.

Naupo ako sa kama at nag-ayos ng sarili. Nagulat naman ako nang pumasok si Yohan sa kwarto na walang damit, agad naman akong napatakip ng mukha dahil dito.

"Mahal, bakit nagtatakip ka? Mukha ba akong multo?" Nagtatakang tanong ni Yohan at bahagyang humalakhak matapos niyang magtanong.

Hindi naman ako sumagot at nanatiling nakatakip ang mukha. Naramdaman kong papalapit siya sa akin kaya naman agad na akong nagsalita.

"Sige, subukan mo lang lumapit sa akin ng nakaganyan kokotongan talaga kita." Pagbabanta ko sa kaniya ngunit hindi siya natinag at naramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat.

"Kalma lang mahal, ako lang 'to. Nakadamit na ako, look." Sabi nito sa akin kaya naman tinanggal ko na ang mga kamay ko sa mukha ko at niyakap niya naman ako.

"Mahal naman, ang tagal na nating magkasama sa bahay hindi ka pa rin sanay." Sabi nito sa akin at humalakhak.

"Che!" Sabi ko naman sa kaniya at kumalas sa yakap para humiga sa kama.

Sumunod naman si Yohan at humiga ito sa tabi ko.

"Uy, ngingiti na 'yan." Pang-aasar nito sa akin.

Hindi ko naman mapigilang ngumiti kaya naman napangiti ako at hinampas siya ng mahina sa balikat. Hinalikan ako nito sa noo at yumakap sa akin.

"I miss you so much mahal, ang tagal nating hindi nagkita." Sabi niya sa akin at hinaplos-haplos ang buhok ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi nagsalita.

"Tulog ka na? Grabe naman pagka-antukin mo naglalambing pa ako eh." sabi nitong muli at humalakhak.

"Hindi pa, gusto ko lang pakinggan boses mo. Na-miss kita eh." Sabi ko naman sa kaniya at dumilat.

"Weh? Gusto mo ako tulugan 'no?" Muling pang-aasar nito sa akin.

"Pwede rin." Pabalik kong pang-aasar sa kaniya.

"Inaantok ka na ba?" Tanong nito sa akin at tumango lamang ako.

"Sige na mahal, pikit na ulit at pahinga ka na. G na g ka ba naman kanina, sinong hindi mapapagod do'n." natatawa nitong sabi sa akin. Ngumiti ako at ipinikit ko na ulit ang mga mata ko at naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.

"Good night mahal ko, i love you." bulong nito sa akin.

Yohan's POV

      Ang bilis makatulog ni Haylee dahil sa sobrang hyper niya kanina sa reception. Kasal na kami ngunit hindi pa rin ako makapaniwalang katabi ko na siyang matulog simula ngayon. Although natulog na kami noon ng magkatabi ay iba pa rin talaga sa feeling kapag ganito. Nakakatuwa, tumatalon ang aking heart. Dahil hindi pa naman ako dinadalaw ng antok ay dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko at isa-isang pinasalamatan ang bumabati sa amin ni Haylee.

"Best wishes! Kailangan maraming anak ha🤣"

Napahalakhak naman ako nang mabasa ko ang comment ni Rjay na ito. Siraulo talaga 'to kahit kailan.

Matapos kong pasalamatan ang mga bumati sa amin ay pumunta naman ako sa gallery ko kung saan naroroon ang mga pictures namin ni Haylee kanina. Napangiti ako habang tinitignan ang mga ito, kitang-kita sa mata ni Haylee na sobrang saya niya sa mga oras na ito. Hindi talaga nakapagsisinungaling ang mga mata niya.

Bukod sa mga wedding pictures namin na nasa phone ko ay nakita ko rin ang ibang pictures ni Haylee na natutulog. Naalala ko pa ang mga ito, lagi ko siyang patagong pinipicture-an kung makakatiyempo ako. Mapagising o tulog man siya hindi mo talaga maitatangging napakagandang babae niya.

Mahal na mahal ko 'to..

Naalala ko pa tuwing nakakakita siya ng baby ay nilalapitan niya agad at kinakalaro, katulad na lamang kanina. Ngunit sa ngayon, ang plano namin ay ikutin ang Pilipinas at ang Mundo ng magkasama. Wala pa sa plano namin ang magka-baby pero kung gusto niya ng baby....... Shooor why nooort, 'di joke lang. May tamang oras para roon, may tamang oras para sa lahat.

Dahil hindi parin talaga ako dinadalaw ng antok ay naisipan kong i-stalk ang instagram account ni Haylee. Halos puro pictures na namin ang nandito, samantalang dati iilang pictures niya lang ang nandito. Napangiti ako nang makita ko ang mga litratong ito, napakasasayang memorya ang naitatak sa bawat litratong ito.

Yung singsing, foodtrip, gala at mga regalo ko sa kaniya ang makikita mo sa feed niya. Kahit mapunta ka sa highlights ay halos puro tungkol sa aming dalawa, sa family namin at saming magkakaibigan ang naroon. Sarap pala sa feeling ng ganito, unexpected person. Akala ko noon magkaaway na lang kami habang buhay, mabuti na lang marupok kami sa isa't isa.

Grabe, ang dami rin naming napagdaanan. Pero siguro ngayong mag-asawa na kami ay madadagdagan pa, walang nakakaalam kung ano o kailan. Basta sa akin kami na talaga ang tunay at nararapat para sa isa't isa at kahit sino pa ay hindi na pwedeng tumutol pa.

----

Napakarami kong akala
Kaya naman ako'y hindi makapaniwala.
Saya ko'y hindi maipagkakaila,
At ito'y hindi mawawala.

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon