13

58 4 0
                                    

Yohan's POV

      Mag-aalas dose na ng tanghali ngunit hindi pa rin nagigising si Haylee, ang sabi ng doktor ay nagpapahinga lang siya dahil masyado siyang napagod. Si Angel naman ay natulog na ulit sa tabi ng mama niya, sina Arianne na ang pinakuha ko ng gatas ni Angel sa bahay dahil ayaw kong iwan o hayaan ulit si Haylee. Hinding-hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit ito kay Haylee.
      Alam na ng anim ang nangyari kay Haylee, at sinabi nilang dapat daw ay hindi ito malaman ng mga magulang namin dahil paniguradong malalagot ako saka baka madamay pa si Haylee sa panenermon nila, baka lalo lang lumala galit niya sa'kin. Gusto ko rin na ako ang mag-aayos sa kung anong meron sa amin, ayokong pakialaman ako ng magulang namin at ayokong sila ang mag-aayos ng ginawa ko.
      Ilang saglit lang ay dumating na ang anim at sakto ring kagigising ni Angel kaya't ibinigay ni Arianne ang gatas dito. Nakikipaglaro lamang sila Arianne kay Angel, samantalang kaming tatlo naman nina Dylan ay nag-uusap-usap.

"Dapat kasi pre, pinigilan mo." payo ni Rjay.

"Dapat pre dinadamihan mo yung lock ng pinto niyo para wala siyang tatakbuhan." pagbibiro naman ni Dylan kaya't nabatukan ko siya dahil do'n.

Maya-maya pa ay nakita ko namang gumalaw na si Haylee kaya agad kong hinawakan ang kamay niya.

"S-sino kayo? B-bakit ako nandito? Sino ako?" Sunod-sunod na tanong nito at agad na bumangon.

Lahat naman kami ay nabigla dahil dito kaya't nanatili lamang kaming tahimik at nakatingin sa kaniya.

"Hoy, joke lang naman. Makatingin naman kayo." Ani nito at tumawa.

"Mama!!!" sigaw naman ni Angel at agad na umakyat sa kama ni Haylee kaya naman inalalayan ko ito.

Nang maka akyat si Angel ay agad naman niyang niyakap si Haylee at hinalikan sa pisngi.

"Mama, 'wag na ikaw ulit tutulog matagal dito ha? Ayaw ko po tulog dito, hindi malaki kama." sabi naman ni Angel at tumango naman si Haylee at ngumiti kay Angel.

Ang ganda talaga niya, sobrang ganda.

"Huy, okay ka na ba?" Tanong ni Sydney tumango naman si Haylee at ngumiti.

Tinignan ko naman silang anim senyales na lumabas muna para makapag-usap kami ni Haylee

"Baby, sama ka sa amin. Bili tayo foods sa jabi." pag-aaya ni Maeriel at sumama naman si Angel dito.

Nang makalabas silang pito ay nanatili muna kaming tahimik ni Haylee.

"I-I'm sorry." Nanginginig kong sabi dahil hindi ko alam kung paano ako hihingi ng kapatawaran sa kaniya.

"Ano ka ba? Okay lang 'yun! Alam ko namang hindi totoo yung mga sinasabi mo sakin no'n eh, marupok lang talaga ako saka hindi mo naman kasalanan, ako naman yung kusang lumabas." paliwanag nito.

"No, gusto kita Haylee. Totoo lahat ng sinabi ko." Sabi ko naman.

"Kung naaawa ka sa'kin kasi ganito nangyari sa akin, don't worry okay lang ako. Hindi mo ako kailangang utuin." Ani niya at ngumiti sa akin.

Hindi ako iyakin pero ngayon nararamdaman kong malapit na tumulo ang mga luha ko kaya naman umiwas muna ako ng tingin sa kaniya.

"Huy, naiyak ka ba?" tanong nito at natawa.

"Anong naiyak? Hindi ah!" Sabi ko naman at nagpanggap na humihikab habang pasikretong pinupunasan ang mga mata ko.

Nagulat naman ako nang bumaba siya sa kama niya para yakapin ako.

"Oh, bakit ka ba naiyak ha?" tanong nito.

"Hindi nga ako umiiyak." Sagot ko naman at niyakap siya pabalik.

Together, Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon