2

124 4 2
                                    

Haylee's POV

      Habang nanonood ako ng movie ay kumakain ako ng cup noodles na favorite ko. Dumating na sa parteng nakakatakot kaya't agad akong pumikit upang hindi ito makita ng biglang may naramdaman akong umupo sa tabi ko.

PUTANGINA BAKIT NAMAN GANITO!!

JUSKOPOOOO MAMAAAAAA!!!

KALMA, HAYLEE. KALMA, BAKA PUSA LANG 'YAN..

      Paulit-ulit akong nag-inhale exhale upang makalma ko ang sarili ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang makakalma ako at pagdilat ko ay nakita ko ang isang matangkad at maputing lalaki sa tabi ko. Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko siya.

Mama, I think may Mr. Right na 'ko!

"Anong tinitingin tingin mo riyan? Bakit ka nandito? Ikaw ba yung sinasabi ni mom? Si Haylee ka ba?" Tuloy-tuloy niyang tanong sa masungit na tono kaya't nagising ako diwa ko.

"H-ha? Ahh O-oo si H-haylee ako, s-sino ka? Hehe." Nauutal kong sagot.

Muli niya akong tinignan ng blangkong mukha at tumango. Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa ibang direksyon habang namumula ang mukha at doon ko naalalang....

WALA AKONG SUOT NA PANLOOB PUTANGINAAAAAAAAAA!!!

GUSTO KO MAGING SOFA BIGLA!!

LUPA KAININ MO NA AKO PLS!!!

      Agad akong nagtakip ng kumot at nagpeace sign sa kanya dahil alam kong nakikita niya ako sa peripheral vision nya. Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig nya at umakyat na siya sa kwarto niya. Sungit naman, kala mo naman gwapo...

Gwapo naman e, kaso ansungit kaya pangit na siya nyenyenye!

      Inubos ko na ang kinakain ko at inilagay sa basurahan ang lalagyan, pinatay ko na rin ang TV at sinimulang kunin ang mga gamit na nilagay ko sa baba kanina. Bakit kasi ngayon dumating 'yang tukmol na 'yan? Balak ko pa man din matulog sa sala. Punyeta siya! Dala-dala kong muli paakyat ang mga unan, kumot at teddy bear ko nang bigla siyang lumabas ng kwarto niya.

"Hello hehe" bati ko sa kanya ng nakangiti.

Hindi niya ako pinansin kahit man lang tingin ay hindi nya ako tinignan, NAPAKASUNGIT TALAGA!

SUNGITAN PALA GUSTO MO HA, EDI OKAY! NYENYENYENYE PANGIT MO.

"Hi Haylee" sagot ko sa sarili ko.

Syempre para 'di ako pahiya, duh. Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad kong inayos ang kama ko at humilata na, aantayin ko nalang yung tropa kong butiki na si Carmelita kasi baka sinundan niya ako.

Yohan's POV

     Grabe naman yung babaeng 'yon, alam niya naman siguro na may lalaki siyang kasama sa bahay tapos hindi siya nagsusuot ng panloob. Nakita ko siyang nanonood ng movie tapos nakapikit naman, anong klase 'yon? Abnormal amputek. Kung hindi pa nga ako nagsalita nakatitig lang sya sakin nang matagal, alam ko namang gwapo ako eh.


      Sabi nila masungit daw ako, hindi naman ako masungit. Tamad lang ako lagi, tamad magsalita gano'n. Agad akong umakyat dito sa kwarto ko nang makakita ako ng hindi dapat makita. She's cute sana but.. NEVERMIND!


       Lumabas ako ng kwarto ko para uminom ng tubig dahil hindi man lang maalis sa isipan ako ang nakita kong hindi dapat karapatdapat ngunit nakita ko siyang madaming dala, papunta siguro sa kwarto niya.

"Hello hehe" bati niya.

Hindi ko na lang siya tinapunan ng tingin at nagdire-diretso na lamang sa paglalakad dahil nasa isipan ko parin ang nakita ko kanina at hindi pa ako nahihimasmasan. Pagdating ko sa kusina ay agad akong dumiretso sa ref at kumuha ng malamig na tubig para mahimasmasan. Ilang minuto rin akong natulala dahil sa nangyari kanina at dahil do'n ay tinamad na akong umakyat sa kwarto, sakto lang naman ako sa sofa ko at komportable rin naman matulog doon kaya't agad akong humiga doon pagkarating ko sa sala. Nanood na lamang ako ng youtube videos hanggang sa makatulog ako.

Together, Forever.Where stories live. Discover now