19

37 4 0
                                    

Haylee's POV

6 days passed..

Ngayon na ang araw na aalis na kami rito kaya naman ngayon ay abala kami sa pag-aayos ng mga gamit namin dahil mamayang alas siyete ng umaga kami aalis dito para 'pag nakarating kami sa bahay namin ay agad na kaming makapagpahinga.

Babalik na naman kami sa school pagkatapos ng week na ito. Makikita ko na naman mukha ni Daney, punyemas talaga! Nang matapos na kaming mag-ayos ng mga gamit namin ay agad naman na akong naunang pumasok sa banyo at nag-ayos. Matapos kong maligo ay sumunod na sila at mabilis lamang natapos ang lahat kaya inayos na ng mga lalaki ang mga bagahe namin sa van habang kaming mga babae naman ay sumakay na sa van.

---

Habang nagro road trip kami ay nakaramdam na kaming lahat ng gutom kaya naman pumunta kami sa mcdo para mag drive thru. Nang makabili na kami ng pagkain ay agad kaming nagsikain at napansin ko naman na ang sweet nung dalawa dun sa harap.

"Naks, ang sweet ng dalaga't binata sa harap. Sana all!" Sabi ko at humalakhak.

Nagsitawa naman sila dahil doon at sabay-sabay namin silang inasar.

"Yieee, inggit daw siya Yohan oh." Pang-aasar naman ni Sydney at humalakhak.

Nag-asaran at nagtawanan kami habang nasa biyahe. Mahaba-habang biyahe rin ang ginawa namin at ala una na ng madaling araw nang makauwi kami ni Yohan sa bahay. Lunes ngayon kaya naman napangiti ako nang makabalik akong muli sa kwarto ko. Humiga naman ako agad sa kama ko at pumikit na agad dahil na rin sa pagod ko sa biyahe.

Kinaumagahan...

Maaga akong nagising kaya naman nag-ayos na ako at bumaba para magluto ng almusal namin ni Yohan. Habang nag luluto ako ay naramdaman kong may tao na sa likod ko kaya naman agad ko itong binati.

"Good morning." Bati ko rito at lumingon.

Nanlaki ang mata ko nang lumingon ako, hindi dahil nakita ko ang pandesal ni Yohan (joke) kundi dahil wala namang tao sa likod ko. Nagsitayuan naman ang balahibo ko dahil dito, ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa niluluto ko nang maramdamang may nakatingin na naman sa akin sa likod. Kinilabutan naman ako sa hindi malamang dahilan, pigil hininga akong nagluto dahil sa takot kong may multong naka tingin sa akin.

Habang nagluluto ako ay napasigaw naman ako nang biglang may humawak sa balikat ko.

"WAAAAAAAAA MAMA!- aray!" Napasigaw din ako dahil naidikit ko sa pan ang kamay ko nang mapalingon ako.

"Hala! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Yohan sa akin.

"O-oo, okay lang. W-'wag ka naman manggulat, aatakihin ako sa puso eh. " Sagot ko naman at ibinaling ulit ang tingin ko sa niluluto ko.

Nang matapos akong magluto ay agad kong inilagay sa lamesa para makakain na kaming dalawa. Tumayo naman si Yohan at lumapit sa akin para yakapin ako.

"Are you okay? I'm sorry, I didn't mean to scare you. Bakit parang takot na takot ka? Anong nangyari? May nangyari ba before ako bumaba?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Nagulat lang ako." Sagot ko naman at ngumiti.

Nagsimula naman na kaming kumain at siya na ang nagprisintang mag hugas ng mga pinagkainan namin.

Yohan's POV

Sinadya ko ang pananakot kay Haylee kanina dahil plano ko siyang sorpresahin mamayang hapon. Naiayos ko na lahat nasa Pagudpud pa lang kami, alam na ng anim ito. Sila ang kasama ko maghanap ng magandang lokasyon para mapuntahan namin ni Haylee mamaya.

Together, Forever.حيث تعيش القصص. اكتشف الآن