5

74 4 0
                                    

Haylee's POV

      Nang makauwi ako ay agad akong humilata sa sofa para matulog kaso naalala ko baka matagusan ako, baka maglaba pa ako ng ano nitong sofa kapag nagkataon kaya sumandal na lang ako sa sofa. Sinubukan kong matulog pero hindi ako makatulog, kaya kakain na lang ako. Naalala ko ang mga binili ko kaninang tsitserya. Dalawang pringles tapos isang malaking mang juan tapos kitkat saka dairy milk na chocolate.

Ay tanga, naiwan ko pala sa loob ng kotse 'yon.

      Natampal ko ang mukha ko dahil do'n, agad akong pumunta sa garahe at kinuha sa kotse ko ang mga pinamili ko kaninang umaga. Pagkakuha ko ay inilagay ko muna sa freezer ang mga chocolate ko saka ko sinimulan kainin ang pringles, naisipan ko rin ulit mag-luto ng noodles dahil gutom ako. Kinakain ko ang pringles nang bigla kong marinig ang busina ng kotse ni Yohan sa harap ng bahay kaya dali-dali akong lumabas para buksan yung gate.
      Nang maipark na ni Yohan ang kotse niya sa garahe ay siya na ang nagprisintang magsara ng gate kaya agad akong pumasok sa bahay at naghugas na ako ng kamay para ituloy ang kinakain kong pringles. Pagkahugas ko ng kamay ay nakita kong ang laki ng hawak niya, ano kaya 'yon? Sinalubong ko siya sa sala at itinanong kung ano yung hawak nya.

"Wala." Maikli nyang sagot.

Ang sungit niya na naman, pagkatapos niya maging mabait sa'kin susungitan niya na naman ako. Ayaw ko na talaga sa kaniya, grrr!!

"Akala ko pa naman mabait ka na" bulong ko at umupo na sa sofa para kumain uli. Kakain na lang ako rito, bahala siya mag sungit dyan o baka may regla rin siya kaya ganun. Basta, bahala siya sa buhay niya!

Yohan's POV

      Nakita ko ang malungkot na reaksyon ni Haylee kanina. Sabi ko lang naman wala ah? Bakit siya nalungkot do'n? Napakibit balikat na lamang ako dahil kailangan ko siyang intindihin sa ganitong panahon niya. Naalala kong galit pala siya sa'kin kaya naisipan ko nang ibigay ang purple na tshirt na binili ko kanina, dalawang purple na tshirt yung binili ko. Yung isa may star star tapos yung isa plain lang na purple tshirt, parang ang cute kasi tsaka mukhang bagay sa kaniya yung may star star. Parehong oversize yung binili kong tshirt, napansin ko kasing gustong gusto niya magsuot ng gano'ng damit. Saka feel ko ang cute nya lalo kapag gano'n suot niya tapos galing pa sa'kin.
      Agad akong bumaba dala ang isang purple na paper bag na may lamang purple na tshirts, nakita ko siyang kumakain naman ng noodles sa sala. Ang takaw nga, kumbaga matakaw na siya pag walang regla pero mas tumakaw siya lalo nung may regla. Umupo ako sa tabi niya at inabot sa kaniya yung paper bag, halatang nagtaka siya sa ginawa ko.

"Para sa'yo 'yan, advance happy birthday." Bati ko sa kanya at ngumiti.

"Here, eat this naman. It's for you also." Ibinigay ko sa kanya ang burger steak at fries.

"Hala seryoso ka? Sa'kin 'to?" Tanong niya na para bang batang excited.

Ang cute!

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya, habang kumakain kami ay hindi nawala ang ngiti niya.

"About sa kagabi Haylee, sorry. Are you still mad?" Tanong ko sa kaniya.

"No, sorry din sa inasal ko kagabi." Sagot nito at ngumiti sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay binuksan niya na agad ang paper bag na may dalawang tshirt, natatawa ako kasi dahan-dahan niya pang binuksan yung paper bag para daw 'di masira. Pwede pa raw gamitin yung paper bag lalagyan ng regalo eh.

"Hala, purple! Salamat!!" Sabi nya sa'kin ng nakangiti at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

O__O

Agad naman siyang kumalas nang mahimasmasan siya na yumakap siya sa'kin sa sobrang tuwa.

"S-sorry hehe, pero thank you rito!" sabi niya ng nakangiti.

Together, Forever.حيث تعيش القصص. اكتشف الآن