28

35 3 0
                                    

Haylee's POV

      Nagising ako sa ingay ng anim sa kusina, kahit pa nasa kusina sila ay rinig na rinig ko ang mga tawanan at sigawan nila. Napadilat ako dahil naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko, agad kong tiningala ito at nakita ko namang mahimbing pa siyang natutulog. Dahan-dahan kong inalis ang braso niyang nakayakap sa akin ngunit imbes na makabangon na ako ay mas hinigpitan pa niya ang pag yakap sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang antayin na lamang siyang magising.

       Ipinikit ko na lamang muli ang aking mga mata kahit pa hindi ko na gustong matulog pa. Naramdaman kong dahan-dahan siyang gumalaw kaya hindi muna ako dumilat. Naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko kaya naman hindi ko naiwasang gumalaw dahil sa kiliting naramdaman ko.

"Huwag ka na kasi magtulog-tulugan, alam ko namang gising ka. Sabihin mo na lang if you want cuddles pa." Mahinahon nitong sabi.

"Ang kapal mo naman, alis nga!" Iritado kong sabi.

Bumangon ako at tinanggal ang mga braso niyang nakayakap sa akin saka tumakbo papuntang banyo. Nang makapasok ako sa banyo ay agad kong tinignan ang mukha kong kasing pula na ng kamatis, jusko po! Tinapik tapik ko ang kaliwa't kanan kong pisngi saka ginawa ang morning routine ko at lumabas na sa banyo.

Dumiretso ako sa kusina dahil nakararamdam na ako ng gutom, naabutan ko namang inaayos na nila ang hapagkainan kaya dali-dali akong tumulong sa kanila. Mabilis kaming natapos sa pag-aayos ng hapagkainan kaya naman tinawag na nila ang tatlo para kumain na.

Wait

Tatlo?

Nasaan ang isa??

"Bitch hanapin mo na asawa mo, wala sa sala." Sabi ni Arianne.

"Pakyu, bitch." Sagot ko naman sa kaniya at agad na dumiretso sa taas para katukin ang tukmol.

"Do you need anything?" Tanong nito sa akin matapos kong kumatok.

"Kain na raw." Sagot ko naman sa kaniya.

"Sige, wait mo 'ko riyan." Sabi naman niya sa akin at lumabas na sa kwarto niya.

Nang makababa kaming dalawa ay magsimula naman kaming walo kumain para makapag simula na kaming mag-review. Tahimik lamang kaming nagreview maghapon kaya naman ng makaramdam ako ng gutom ay agad kong kinuha ang cellphone ko para mag-order ng pagkain namin. Ilang saglit lamang ay dumating na rin ang order kong pagkain kaya naman tumayo ako para lumabas at naramdaman ko namang sumunod si Yohan.

"Magkano po?" Tanong ko kay kuyang nagdeliver.

"526 po ma'am." Sagot naman ni kuya at agad ko namang kinuha ang wallet ko para bayaran ng ibigay ni Yohan ako 1000 peso bill niya.

"Ito po kuya, keep the change po. Thank you!" Sabi niya at ngumiti kay kuyang nagdeliver.

"Salamat po sir!" Nakangiting sabi naman ni kuyang nagdeliver saka tuluyang umalis.

Nang makapasok kami sa bahay ay agad naming inihanda sa kusina ang aming tanghalian na may kasamang meryenda na rin saka sila tinawag para makapagsimula na kaming kumain.

"So ano na? Goodluck na lang bukas at sa susunod pa." Sabi ni Arianne at bahagyang humalakhak.

"Palakasan na lang tayo ng guardian angel ha." Sagot ko naman at tumawa.

Matapos naming kumain ay nagpaalam na silang anim na uuwi na sila para din makapag-relax- relax bago mag-exam bukas. Nailigpit na namin ni Yohan ang lahat ng nagamit namin kaya naman bumalik na kami sa pagre-review para matapos na.

Naunang natapos mag review si Yohan kaya naman niligpit na niya ang mga gamit niya at ibinalik sa kwarto niya. Bumaba siya ulit at umupo sa tabi ko, natagalan ako magreview kasi ang hirap intindihin nitong lesson na 'to.

"Tagal mo naman diyan? Nahihirapan ka ba? Turuan na kita." Pagpprisinta niya at wala naman na akong nagawa dahil agad na siyang lumapit sa akin at binasang maigi ang lesson bago itinuro sa akin.

Mabilis lang naman kaming natapos sa pag-aaral at naramdaman ko namang muli na naman akong nagugutom. Napahawak ako sa tiyan ko dahil bigla itong tumunog at mahina namang tumawa si Yohan nang marinig niya ito. Oorder na sana ako sa cellphone ko pero kinuha ni Yohan ang phone ko at inilabas ang phone niya saka may pinindot pindot.

"Ano be? Wala ka na bang balak ibigay phone ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Kiss muna." Sagot naman nito sa akin kaya binatukan ko siya.

"Joke." Sabi niya sa akin at bahagyang humalakhak saka niya ibinigay ang phone ko.

Nag-scroll-scroll lang ako sa Facebook para tumingin ng memes. Napahalakhak naman ako ng makita ang isang video na lubos na nagpatawa sa akin, halata namang nagtaka si Yohan doon.

"Ganyan ba pag gutom?" Takang tanong nito sa akin.

Umiling naman ako at agad na iniharap ang phone ko sa kaniya para ipanood ang video na nakita ko.

"Ha?" Muli nitong tanong ng mapanood ang video.

"Alam mo ikaw ang slow mo bwiset ka, wala na 'di na nakakatawa punyeta." Sagot ko naman sa kaniya at muling nagscroll.

Bahagya naman siyang natawa sa reaksiyon ko dahil sa ka-slow-an niya. Ilang saglit pa ay may nag door bell na kaya naman agad akong tumayo at lumabas para kunin ang pagkain at bayaran ngunit nakita kong nasa gate na si Yohan at nagbabayad.

Whut?????

"Saan ka naman nadaan aber?" Tanong ko sa kaniya at nginitian niya lang ako.

Nauna naman akong pumasok at tinignan kung saan siya maaaring dumaan. Walang namang iba? Bintana lang. Nang makapasok na si Yohan ay agad niyang inihanda ang pagkain saka kami nagsimulang kumain ng tahimik.

"Nga pala, kamusta ka?" Biglaang tanong nito na ipinagtaka ko.

"Ha?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Kamusta ka? How are you?" Pag-uulit niya.

"I'm fine??" Sagot ko ngunit nagtataka parin.

"Good." Sabi niya at ngumiti.

Binilisan ko na ang pagkain dahil unti unti na rin akong nakakaramdam ng antok. Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kaniya na mag-c-cr na ako at babalikan ko siya pagkatapos. Ginawa ko na ang night routine ko at agad din namang lumabas para matulungang mag-ayos si Yohan sa kusina. Lumabas ako ng banyo at agad naman yumakap si Yohan na ikinagulat ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya ngunit nanatili lang siyang naka yakap.

Naglakad naman ako papunta sa sofa ngunit nakayakap parin siya sa akin.

"So paano ako uupo?" Tanong ko sa kaniya at kumalas naman siya sa pagkakayakap.

"Wait for me." Ani niya at pumasok sa cr.

Napakibit balikat na lang ako habang nanonood sa t.v ng kung anek-anek. Maya-maya lamang ay lumabas din siya sa cr at tumayo na para umakyat nang muli nanaman siyang yumakap sa akin.

"Bakit na naman Yohan?" Tanong ko.

"Kailangan ko ng power hug, kailangan ko mag-recharge. Na-low batt ako eh." Sagot nito sa akin at nanatiling nakayakap sa akin pa-akyat.

Nang makarating kami sa pinto ng kwarto niya ay kumalas na siya sa pagkakayakap at iniharap ako sa kaniya. Hinalikan niya ako sa noo at muling niyakap.

"Goodnight, mahal ko." Ani niya at muli akong hinalikan sa pisngi.

"Goodnight." Sagot ko sa kaniya at ngumiti lamang bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Together, Forever.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant