7

67 4 0
                                    

Haylee's POV

      Hindi alam kung bakit ba gustong-gusto sumama nito ni Yohan. Dumaan na kami sa dorm para sunduin ang tatlo at matapos namin silang sunduin ay agad naman kaming pumunta sa mall dahil nandoon na raw sila Rjay. Nakapagtataka talaga dahil parang close na agad ang anim pati na rin si Yohan, kaclose niya na agad sila Arianne. Pero kung sa bagay, mabilis lang naman kasi sila makaclose. Hinawi ko ang buhok ko at nagulat ako dahil biglang hinila ni Maeriel ang kamay ko na may singsing.

"Wow!! Mamahalin 'to ah! Sinong nagbigay?" Tanong nito at tumingin kay Yohan.

"Kaya nga e, ang ganda pa. Si Tita Lylia nagbigay sa'kin kahapon, regalo niya raw." Sagot ko naman.

Nagulat ako dahil tumingin silang tatlo sa akin na parang naghihinala.

"Bakit??" Takang tanong ko.

"HOY! KAYONG DALAWA NGA UMAMIN KAYO, ANO 'YAN BAKIT MAY SINGSING KAYO? HINDI BA PANG MAG-ASAWA 'YAN? YUNG TOTOO, KAILAN PA KAYO? KAYA BA NANDO'N SILA TITA SA BAHAY NIYO KAHAPON? KAYA BA KASAMA KA NGAYON HA YOHAN?!!" Sunod sunod na tanong ni Arianne.

Jusko po! Yung bunganga tuloy-tuloy. Si Yohan naman tumawa lang habang nagd-drive.

"Teka lang, ikalma mo bunganga mo teh." Saway ko.

"Binigay lang 'to sa amin ni Tita Lylia kagabi, nagustuhan ko naman kaya ko sinuot. Sabi rin ni Tita isuot namin lagi kasi bigay niya 'to sa amin. Kaya ikalma niyo sarili niyo, okay?" Paliwanag ko.

"Yeah, she's right. Walang namamagitan sa amin, asa naman kayong magugustuhan ko kaibigan niyo" sagot nito at humalakhak.

Ang kapal talaga ng mukha nito, hinalikan niya na nga ako ng dalawang beses tapos ganyan siya umasta ha! Sana pala binugbog ko na lang siya, punyetang 'to!

"Hoy, grabe ka!" Sabi ni Sydney na halos maubos na ang hininga sa katatawa.

Lahat sila ay halos mauubusan na ng hininga aa katatawa nila, napasimangot na lang ako dahil dito. Naisipan ko na lang bumaba sa kotse dahil sa hiya at dahil wala rin naman akong laban sa kanila.

"Buksan mo." Utos ko.

"Bakit?" Takang tanong ni Yohan.

"Tampo ka na niyan?" tawa pa rin nang tawa si Maeriel pero tumahimik sila nang tignan ko sila ng masama.

"Buksan mo." Kalmado ngunit galit na tonong pag-uutos.

Alam naman nila Arianne na pikon ako sa mga asaran na ganyan eh, tsk.

Maya-maya lang ay narinig kong bumukas ito kaya nagmadali akong bumaba at dahil traffic naman ay lalakarin ko na lang. Isinara ko nang padabog yung pinto at kahit na mainit ay naglakad na ako dahil walking distance na lang din naman ang mall. Nang marating ko ang mall ay nakita ko sila Rjay, kinawayan nila ako at agad naman akong pumunta sa kanila.

"Oh, bakit ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Zade.

"Nauna na ako sa kanila, andyan na rin naman sila traffic lang." Sagot ko naman.

Nagulat ako nang makapa kong wala sa bulsa ko ang panyo ko, pawis na pawis pa man din ako. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang apat, nauna na akong pumasok sa mall dahil init na init na talaga ako. Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong taong humahabol sa bandang likod ko, sa palagay ko ay si Yohan 'yon. Maya-maya pa ay hinawakan niya ako sa balikat.

"Hey wait, basang basa ka na ng pawis." Sabi ni Yohan.

Hindi ko sya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

"Uy, halatang halata sa likod mo yung ano. Yung bra.." bumulong sya kaya agad akong napalingon.

"Here, wear this nalang magpalit ka sa cr. I'll go with you and I'll wait for you here." Sabi nya ngunit hindi ako sumagot.

Together, Forever.Where stories live. Discover now